3/13/2014
9:14:02 PM
May
usap-usapan. Actually, hindi, naging balita na pala siya: isang mambabatas raw
ay nagpapanukala na i-ban ang mga Koreanovela sa sirkulasyon ng Philippine
television.
Teka, ano
kamo? I-ban ang mga teleserye na mula sa Korea? Nung una tong pumutok noong
nakaraang buwan ay napa-PM sa Facebook ang isang college friend ko sa kanyang
pagkainis. Hindi naman siguro sa kangang pagiging K-Pop, ano, pero ano naman
ang punto para i-ban ang mga teleserye na galing sa South Korea?
Unfavorable
time slot daw sabi ni Buhay representative Lito Atienza. Sa paglipana raw kasi
ng mga ‘to, nawawala na raw ang mga lokal na teleserye sa Pilipinas.
Ha? Weh? Di
nga?
Kaya sa
panukala niyang House Bill 3839, ipinagbabawal nito ang pagsasahimpapawid ng
mga Koreanovela, Mexicanovela, Chinovela at iba pang mga teleserye na gawa ng
mga banyaga sa pagitan ng alas-sais hanggang ika-sampu ng gabi.
Ganun? OO,
ganun nga.
Patawa naman
yata ‘to masyado. Di ko alam kung nasusubaybayan niya ang istilo ng programming
sa primetime TV o dahil sa matumal din sa dating ang kanyang teleserye (pero
still hindi ako panig sa alinmang channel). Pero kung tutuusin kasi, kung
papansinin ang progam line-up ng alinman sa tatlong higanteng TV network sa
Pilipinas, mas mapapansin na tila wala naman yatang umeere na foreign-based
telenovela sa mga ganung oras. Kung meron man, isa lang.
In fact,
outnumbered na kaya ng mga Pinoy na teleserye
ang mga foreign counterparts nito, mula umaga hanggang gabi.
Pero... anak
ng puta naman. Wala naman bang mas matinong batas na dapat pang ipanukala sa
panahon ngayon?
Kasi kung
ibaban lang din naman ang mga Koreanovela o kung anek-anek na teleserye na gawa
ng mga banyaga, might as well na i-ban
na lang din ang paggawa ng mga teleserye mula sa atin mismo!
Tama. Dagok ba sa mga talent, director at writer ‘to? Maari, pero leche. Sobrang nega na ng lipunan, at ang dapat kailangan ng tao kung gusto nila maentertain ay ang mga tinatawag na sitcom. Nase-stress ka na nga sa mga nangyari sa ‘yo sa trabaho, pati na rin sa mga pangyayari sa kaliwa’t kanang kanto, and yet papatol ka pa sa stress na hatid ng telenovela?
LECHE.
Lokohin mo nga ako. At least dun mas nahahasa ang tao kung paano tawanan ang
problema at kung paano ito haharapin na kahit papaano ay mas magaan (kahit
kaunti lang).
Oo, i-ban
ang mga tekeserye dahil sa mga aral nito na naglalayon lang na turuan ang mga
kabataan na lumandi na lang sa halip na mag-aral. Isama mo na rin ang
katotohanan na okay lang gumawa ng marahas, basta, sa ngalan ng pag-ibig ha?
I-ban pala
mga koreanovela ha? Eh kung mas okay pang i-ban nga ang mga local na teleserye
eh. Isipin mo, nang dahil dito kaya mas nauuso pa ang magtalakan sa halip na
magtrabaho. Kaya si Inday nakatutok na lang sa TV sa halip na magsaing o
alagaan ang baby, o kung anu-anong gawaing bahay na di pa natatapos.
Pang-relax
ba? Paano ka marerelax kung bigla mong masambit na “PUTANGINANG KONTRABIDANG “TO!
SARAP PATAYIN EH!” matapos mo siyang mapanood na pinapahirapan ang pobreng
bida? Nakakastress pa kaya yun kesa sa iniisp mo no?
Oo, i-ban
ang mga teleserye, lalo na’t gaya-gaya lang din ang approach at istilo nito
mula sa mga banyaga. Yung (insert name local of TV series program here)? Asus,
parang fairy tale lang din na pangbata yan eh.
I-ban ang mga teleserye nang dahil sa kanila,
mas maraming tinatamad pumasok sa eskwelahan, mas maraming nalelate,
natatraffic, at tanghali na kung gumising.
I-ban ang
mga teleserye lalo na yung nagtretrend sa Twitter. Ang daming mas
kapaki-pakinbang na bagay na dapat magtrend sa social media e napili pa ang mga
bugok na to?
I-ban ang
mga teleserye dahil sa buhay ng maraming nagkakandaleche-lecheng nilalang sa
kasalukuyan.
Wag lang yung
Koreanovela, isama mo na rin ang kabuuan.
Yan pala
gusto mo ha?
Tandaan: (photo courtesy of my Instagram account)
Author:
slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!