Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 March 2014

LATE Two Minutes!

3/16/2014 2:32:27 PM

"Judging a man's character should be based on weighing his good and bad sides, AND CERTAINLY NOT on neatness and perfection."

 
Bago ang lahat... mali ba ang pamagat ko? Dapat ba ay 'Late BY or LATE FOR Two Minutes?' Actually, mas mali ka. Magbasa ka muna kasi bago ka mag-react kung bakit LATE ang nakalagay sa halip na 'LAST TWO MINUTES' (At P.S.: hindi ako coliseum barker sa PBA para sumigaw niyan).

May isang hindi magandang balita: hindi siya nakagraduate.

Siya ba? OO, siya nga.

Photo credits: Rappler
Aba, wag kang magtatatawa d’yan. Akala mo ba nagpapakasarcastic o nangto-troll ako?

‘De seryosong usapan muna tayo.Ano nga ba kasi ang kasalanan ng nag-iisang Aldrin Jeff Cudia, ang first class cadet ng PMA at kabilang sana sa mga nagmartsa kaninang umaga sa Baguio bilang takda ng kanilang pagtatapos sa Philippine Military Academy?

Na-late lang daw kasi sa isang klase niya ng dalawang minuto.

Aba, leche? Two minutes lang siyang na-late? Na-dismiss kagad siya sa serbisyo?

OO nga.

Anak na pating naman! Paano naman nangyari yun? Parang wala namng due process yan o ni pinagbigyan siya ng pagkakataon magpaliwanag.

Sa ganung mga perspektibo, mukha nga. Pero nagsinungaling pa daw siya, ayon sa mga nakakataas sa kanya. Hindi pinaniwalaan ang dahilan niya.

Dahil lang sa pagsisinungaling? OO. Babaw ba? Mukha lang siyang mababaw pag una mong pakinggan.

Pero ang mas masaklap, napakalalim nito, dahil ayon sa Honor Code nila ay isa sa mga malalaking paglabag sa alintuntuning ito ay ang pagsisinungaling. Kung sa ating normal na buhay ay okay lang magsinungaling (aminin na natin na kahit sa opisina, eskwelahan  bahay, at kahit sa kanto ka lang tumambay ay may maririnig kang ganito), sa mga seryosong institusyon na tulad ng PMA ay hindi.

At kahit ang argumento na ‘nagkamali lang siya sa kanyang pagre-reasoning’ ay tila sinungaling na sa koklyusyon ng mga taga-Honor Committee.

Ito nga lang nakapagtataka: sapat nga bang basehan ito para patawan siya ng dishonorable dismissal? Ewan. Malabo din kasi eh.

Sinasabi na may mga spekulasyon daw na pinagkaisahan siya. Pero mayroon din na nindi raw unanimous ang pagboto sa paghatol sa kanya ng naturang suspension, taliwas sa mga naunang report.

Pero either way kasi… tangina, ang saklap naman nun. OO, masaklap talaga. Kasi isipin mo ha? Nang dahil sa pagiging late, ay kaya pala nitong sirain ang kinabukasan mo. I mean, literally.

Sabagay, kung nagpapahalaga ka nga naman kasi ng oras ay hindi ka male-late. O kung kundisyon ang utak mo na gumawa ng mga gawain ng maaga para hindi ka malate.

Ganun sana. Kaso hindi araw-araw ay pasko eh. At iba ang kaso ni Cudia dito.

Dahil diyan, dismissed na siya, at kahit umapela pa siya sa Pangulo at magpasa ng TRO sa Supreme Court (mga bagay na ginawa niya last week), samahan mo pa ng apela sa social media mula sa kanyang mga kamang-anak, ay tila hindi napatinag nito ang desiyon ng  pamunuan ng academya.

Sa madaling sabi, hindi nga siya nakagraduate.

Maaring mababaw lang ang balitang ito pag sinubaybayan mo siya. Pero kahit magsimpatya pa tayo aky Cudia, ito ang masaklap na aral para sa lahat: ang oras ay importante. Time is gold, ika nga (wag mo nang haluan ng karugtong na mga salitang … ‘when watching porn.’ Hindi ako nagpapatawa dito, mga p’re).

At isa pa: kailanman ay isang mabigat na pagkakamali ang magsinungaling. Kahit hindi ka relihiyoso, kasalanan pa rin na maituturing ito sa mata ng kapwa mo at laban sa natural na kabaitan ng tao.

As much as naaawa ako sa sinapit ng taong ito, kaso yan din ang realidad eh: Masyadong harsh.

Siguro, mas okay na pagbigyan ang apela na muling buksan ang kaso niya, para malaman talaga kung tama ba ang hatol sa kanya o baka naman ay nagkamali ang pagdesisyon ng committee sa kanya.

Seryoso, sayang ang isang tulad niya oh. Ang taas ng potensyal sa seribsyo, sa katalinuhan at karakter (kung ang basehan mo ng paghusga ay napaka-perpekto, aba, walang karapatan na humusga ang isang tulad mo dahil in reality ay lahat tayo ay nagkakamali, lahat tayo ay pumapalya sa ugali. Nasa pagtimbang yan, at wala sa kung gaano siya kalinis).

Seriously speaking, may he get the justice he deserve, bagay siguro na ang tanging makakalaam either nasa itaas, o sa mga taong may konsensya.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

13 comments:

  1. honor code, ok tama may basehan, bakit masyadong harsh naman ang parusa, hindi ba pwedeng 1Million push up o tatakbo pababa ng baguio, bakit ang kinabukasan ang pinatay nila, hindi ba nila alam na ang edukasyong ang panangga ng mga mahihirap ngunit mayabong ang pananasa na makatapos upang mahango sa kahirapan. ito ba ang honor code, eh yon mga PMA'er din na nagnakaw, 4 na taon din sila sa PMA, bakit naging baluktot din ang kanilang ginawa ng makalabas ng kanila institution.....mahirap sa isang katulad nya na nagsikap, pagkatapos biglang naglaho sa isang iglap lang dahil sa LAST TWO MINUTES....................................SANA MAY MABIGAT PANG DAHILAN DAHIL KUNG "LAST TWO MINUTES" LANG MASYADONG MABABAW ANG HONOR CODE NYO.......................ANG MAHIHIRAP KAHIT HINDI NAKAPAGARAL PERO MERONG TOTOONG HONOR CODE..........................................

    ReplyDelete
  2. Yan nga ang nakakatawa sa mga nasa itaas o mga taong nasa pamahalaan, they are always trying to look a PERFECT person, para daw maging kagalang-galang at ihimplo na lahat. Pero kung susuriin mong mabuti ang ang kanyang pagkakalate ay isa lamang napakaliit na pakakamali o kasalanan. Hindi naman yata ganoon kabigat ang bagay na kanyang nagawa upang alisan mo sya ng kanyang kinabukasan.

    Makinig tayo, buksan natin ang ating mga mata, gamitin ang maayos na pang-unawa, makikita na natin na walang tao ang perpekto, mas marami pang higit ang kasalanan kaysa sa kanya, kahit pa sa loob ng institution na kanyang pinapasukan. Ang ating gobyerno, ano pa ang mas masaklap kaysa sa malalaking kurapsyon na nangyayari. they would say na ito ay isang halimbawa ng pagpapakita na pangil ng ating hustisya? well then, unahin nyo munang alisin ang lahat ng putik sa pulitika.

    Honor Code.... ano ito? dapat ba itong mauna kesa sa pan-unawa at pabibigay ng isang pagkakataon upang maiwasto ang isang bagay na nagawa o nangyari. If GOD gives us our chance, bakit kayo hindi. Because you are HONORABLE hindi ka na pweding magbigay o magpatawad? An HONORABLE person knows how justifiable his actions towards anything. Not of what had happened but what will be the outcome of his decision.

    ReplyDelete
  3. Isa lang komento ko dito, hindi sa nagsisinungaling siya sa sagot niya kundi takot siyang tanggapin ang responsibilidad sa pagiging late. At dahil late may punishment. Ang punishment lang naman sana eh 11 demerits at 13 hours of touring. When he appealed for the punishment it resulted into a more grave result. It was a matter of accepting responsibility of the actions done. The issue is note lying. It's how he will be responsible for his actions. As a future officer of the Armed Forces, officers should take responsibility on their actions. Furthermore, he appealed his punishment because he was ashamed that he will not graduate as the class salutatorian. So what if he will get 11 demerits but still graduate? That's how I see it. It's about RESPONSIBILITY.

    ReplyDelete
  4. sana kung hindi kaagad nagreact ang sister niya in public lalo na sa social media,ay nagawan pa ng paraan,magmamatigas talaga ang PMA lalo diyan sa sinasabi nilang code of conduct nila,kasi kung bibigay sila,lalo ng masisira ang kanilang credibilidad,lalo nat natutukan na ng media ang issue...sana ang ginawa nong ate,assuming na intelligent sya ay lumapit muna sana sya sa mga taong dapat konsultahin na may alam at makapagbibigay sa kanila ng kapakipakinabang na advice ,kaysa i popost kaagad niya sa mga social network ang problema,nakakapanghinayang...alam naman natin na lahat ng bagay ay napapakiusapan sa mahinahon na paraan di ba.

    ReplyDelete
  5. Tama lang yang ginawa. Sabi nga ng author, yan ang realidad. Magiging precedent ng susunod na batch kung papayagan nila yan. Pagdating sa mga corrupt PMA'ers, paparusahan din naman sila ayon sa batas which is equivalent ng Honor Code sa PMA. Sa loob pa lang ng PMA, di na kayang maging responsable sa pagiging late at nagturo pa ng propesor sa pagkaka-late, lalo na sa serbisyo yan.

    ReplyDelete
  6. nice take on this case sir, light but full of sense. keep it up. :)

    ReplyDelete
  7. mag-abroad ka na lang hijo..sa kapabilidad at iyong katalinuhan marami pang opurtunidad na naghihintay sa iyo sa ibang bansa..kalimuntan na lang yong loyalty at patriotism na napag-aralan mo.... at the end of the day pera lang naman ang hinahanap natin ...mas yayaman ka pa sa lahat ng bagay...in the future marami kang masagpawan na mga peer group mo na nasa Pinas kung talagang PMA Honour Code ang pinag-uusapan na balang araw ay di sila kasali sa Corruption! Cheers CUDIA! God Bless You...

    ReplyDelete
  8. God Bless You Cudia....di ka nag-iisa!

    ReplyDelete
  9. susme...eh ang daming pma na naging general na naging corrupt pero absent ang honor code sa kanila...susme

    ReplyDelete
  10. the issue here is not the no. of mins late or even telling a lie...its taking full responsibility of our own actions...i could say that this is a blessing in disguise that this happened while he is still inside the institution...cudia can definitely be like the corrupt generals some people are talking who were also pma’ers...cudia lied on small things, how much more the bigger one’s when he is outside the institution and with a position/rank.

    ReplyDelete
  11. Rather than taking responsibility for being late, he chose to lie. Pls. remember, in everything we do there's a prize. And not every prize is pleasant.
    I'm not perfect too but i know how to be responsible of my mistakes. Cos it's not a game of smartness but of Honor.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!