Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

25 March 2014

#MRTBulok? Anong Bago?

‎03/‎25/‎2014 08:36:35 AM

Sira na naman ang MRT! Weh, ano pa bang bago sa balitang ito? Parang yung kasabihan na "same old shit" lang na nangyayari 'to sa araw-araw ah.

Sabagay, kung mapapansin kasi, sa nakalipas na ilang mga linggo at buwan ay lagi na rin nagiging laman ng balita ito. As in.

Ang masama lang, ay nasa bad limelight na naman sila. Ang saklap lang. Kung hindi may pasaherong nagpapakasagasa (ay naku naman, isa pa tong sira eh), may mga sigalot sa teknikalidad nito.


At kahit ang umalingawngaw na tunog ng mga complaints sa social media, tila hindi nakatulong.
Noong Sabado, naparalisa ang biyahe mula Pioneer hanggang Taft station dahil sa nasirang signal system. Limang oras ito inabot na nagsimula noon pang alas-dos ng hapon ng araw na ding iyun. Kaya ang mga tren ay nakabiyahe lang mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard. Ito ay tinatawag na 'provisional service.' 

At pano ko nalaman yan? Maliban sa pagsubaybay sa balita ay galing kasi ako sa isang malakin g TV network matapos maipatawag sa kanilang final interview. At pag-uwi ko mula sa Quezon avenue station, ayan na ang eksena. Tsk.

Pero sa nakalipas na araw, ganitong klaseng problema na naman ang hinarap ng MRT.Buti na nga lang ay dalawang oras lang ito nagtagal.

Kaya nga naman nauso ang hasshtag na ito, 'di ba? Salamat sa isang taong nag-vent ng kanyang frustrations s social media. Tol, hindi ka nag-iisa; as in literal na marami kang karamay.

Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang lahat (maliban sa katotohanan na kautak ko nga si Donya Ina, pero bakit ba? Siya yun eh. Hayaan niyo na siyang magbitaw ng katagang 'Paki-explain' dyan).

Sino ba naman kasi ang hindi mauumay at hindi mababadrip kung sobrang haba ng pila sa MRT, sobrang dami ng crowd sa concourse at platform ng kada istasyon, at sa... naku, maliit na ang tren para sa mga commuter ngayon (kumpara mo naman to sa mga tulad ng LRT 2 o Megatren no?).

Katulad ng sinabi ko nakaraan, maaring maganda itong balita sa parte ng pamunuan ng MRT kung ang usapan natin dito ay ang numero ng tumatangkilik (after all, business to eh). Pero, a kabilang banda, hindi naman kung una, ngarag na at kakarag-karag ang tren mo. Pangalawa, kung pumapalya na ang computerized system mo.

Tingin ko nga masyado nang overworked ang MRT bilang pangkalahatan. Kaya siguro naghahain sila ng taas pasahe e no?

So ibig bang sabihin nito ay nakukumpromiso na nga ba ng presyo ang kalidad nito. Hindi ko masasabi ng dirketa, pero maaridin kasi eh.

Pero alam mo, bag nila talaga gawin ya, ayusin muna nila ang mga problema. Ganun sana.


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

3 comments:

  1. sa tingin ko panahon na para madagdagan ng panibagong pangpublikong transportasyon ang ating bansa. sa laki ng ating populasyon e hindi na sapat ang mrt, lrt, bus, tricycle at jeep. iniisip ko lang, kung magkakaroon tayo ng underground metro, sigurado mas huhusay ang daloy ng sirkulasyon ng pagbyahe sa ating bansa. tingin mo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok sana yung idea mo pre, pero hinde applicable dito sa atin yung underground, lulubog lang sa baha yung train natin.

      Delete
  2. sa tingin ko kelangan na din na dagdagan ang pamasahe ng train system natin ngayon. Alam ko na maraming magrereklamo, pero kelangan na talaga. Kung ikukumpara mo kasi sa ibang transport system, hinde hamak na mas mura talaga yung train system natin. mas mura pa sa jeep or bus na ordinary. mas mabilis pa. Halimbawa nalang yung PNR, from FTI to TUTUBAN station 15 pesos lang. mabilis na derecho pa. kapag nag jeep ka pasay palang 13 pesos na. At sino ang nagbabayad ng kalahati ng presyo ng ticket? Dba lahat ng nagbabayad ng buwis, kahit hinde ka sumasakay ng train system naten, nagbabayad ka parin. Diba mas may karapatan magreklamo yung mga hinde sumasakay ng MRT kasi nagbabayad din sila. Maliit din ang kita ko, pero willing ako magbayad ng dagdag sa mas maayos na serbisyo. Kapag tama na yung binabayaran natin sa pamasahe ng MRT, at ganyan parin ang serbisyo nila, dun dapat na tayong magreklamo. Opinyon ko lang ito bilang isa ring pasahero ng train system natin. Peace.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!