03/05/2014 12:44:54 PM
Sisihan ba ang kalsada sa katarantaduhan ng tao?
Alam mo, hindi na bago ang ganito eh. Para naman tayong nagagaguhan nito.
Similar lang 'to sa mga gunggong na palamunin na palaging sinisisi ang gobyerno
dahil sa di umano'y pagpapapabaya sa kanila sa kabila ng pagiging tamad at
palaasa nila.
Masyado na yata tayong nilalamon ng ating pagiging parasite. Oo, ang utak
natin ay parang ganun na. Isa nang parasitisimo.
Tama bang sisihin ang highway dahil sa naaksidente ka dala ng pagda-drive mo?
Teka, tama ba? Sisihin mo ang skyway dahil nahulog ka? Sabagay, may
mala-bangin na paligid kasi eh. Ika nga, elevated highway.
Pero... ano ulit? TAMA BANG SISIHIN ANG KALSADA?
Pangalawa, 'wag mo nga kaming tarantaduhin dahil hindi tayo magkakaroon ng
first class highway ng basta-basta kung bara-bara ka naman magmaneho.
Sing-angas mo si Carabuena? Mukha mo, hanggang internet ka lang yata no.
Baka nga ni hindi ka marunong gumalang sa pedestrian lane.
At ang pagpipiling na magkaganyan tayo ay parang pagkakaroon din ng
kolonyal na mentalidad. Isipin mo, sa mga siyudad tulad ng Los Angeles sa
Claifronia tayo nakakita ng mala-langit na flyover o overpasss o cloverleap
(kung makaluma ka), at tingin mo applicable ang mga ganyang itsura ng
imprastraktura sa Pilipinas? Sabagay, kasi kailangang maibsan ang dumaraming
populasyon ng Kamaynilaan, pati na rin ang mga sasakyan dito.
Pero tama bang sisihin ang kalsada? Asshole ampucha.
Tanungin nga kita. Una, buhay ba ang kalsada? As in 'living thing' ba ito
tulad nating mga tao at ikaw na mala-hayop ang asta at ng mga lumilipad na ipis
na kahit sa kabila ng pagiging brusko ay kinatatakutan mo nang matindi?
Pangalawa, sino ang mas may utak? Ang aspalto, semento, bakal na railing, o
ikaw na may hawak ng makina, silinyador at manibela? Dahil tila di pinag-isipan
ba ang dating ng proyekto? Eh ang mga tanong, ginawa mo ba ang parte mo bilang
mamayan ng bansang Pilipinas? As in nagbayad ka ba ng buwis? O nagbabayad ng
toll ng maayos? O bumoto ka ba ng karapat-dapat na pinuno?
O ikaw ba ay nakasisigurong alam mo ang pamantayan ng mga kalsada at
imprastraktura at sigurado ka rin bang alam mo ang dapat gawain ng isang
nagmamanehong nilalang?
Ulit, sino ang mas may utak? May kamalayan? May diskarte? Sila ba na basta
tinayo lang sa gitna ng center island ng SLEX?
O ikaw na sobrang butaw ng driving IQ at sing tindi ng temper ng
mangilan-ngiang road rager?
Isip-isip din pag may time bago mamintang ha?
Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!