03/07/2014 9:49:48 PM
Ayan na, tapos na sila!!!
Kaso... eh ano ngayon? (HOY PUCHA SLICKMASTER, MANOOD KA NAMAN NITO PAG MAY
TIME!)
LECHE! Wag nyo kong pilitin manood nyan. Iniistorbo nyo lang trabaho ko eh.
Eh, lagi naman nagtetrend yan eh. At least yan ang patunay kung gaano
kapatok ang isang programa. Partida, twing segue to gap lang ila naglalabas ng
hashtag, di tulad ng iba na kahit may akalagay na hashtag sa isang sulok ng TV
screen, hindi pa rin ganun naghihit.
Pero, tapos na ang G2B. Eh ano ngayon? Malamang, maraming mga malalanding
bata ang hindi makakaget over. Which reminds me of something: naalala ko lang
ang utol ko na hindi raw manunood ng G2B kapag nagkaibahan sila ng partner,
only to realized "weh? di nga?" Pagkapasok ko sa bahay ay ganun na
nga ang eksena pero tutok na tutok ang bruha ampucha.
Sa totoo lang, maaring wala namang problema sa mga actor at off-screen
personnel eh. Sa mga malalanding fans lang nila ang meron. Siguro, dala na rin
ng impact ng media sa panahon ngayon na kung saan ay mas pinapahalagahan pa ang
pag-ibig kesa sa pag-aaral.
Pero malamang, hindi makakaget over ang karamihan sa mga malalanding fans
nila for sure. They'll find a way para lang magtrend sila. Minsan nga kung ikaw
ay isang kritiko at sabihin natin na may bagay lang sa part nila na medyo
dislike mo (na hindi naman talaga isyu pero opinyon mo yan anyway), gagagawin
na nilang big deal yan. Puputatehin ka ng mga gaga at tarantada. Ganun
kasimple.
Pero tapos ang G2B. Eh ano ngayon? Malamang, dahil hindi nila matanggap ang
pagwakas ng teleserye nila, maraming magdedemand ng panibagong project, o di
naman kaya'y 'new season, please?' Hindi na bgo ang ganito. Sa totoo lang,
marami namang mga magaganda ring teleserye dati (oo, may emphasis talaga sa
'dati,' dahil sobrang gasgas at airhead na lang ang karaihan mga teleserye
'ngayon' eh), na nagkakaroon ng demand. Walang masama dun, and actually, kahit
naman sa kaso ngayon e (as long as dapat ay magaganda talaga ang mga kalidad ng
teleseryeng pinapanood mo)
Tapos na ang G2B? May dapat pa nga bang pagtalunan? Kung wala na... okay.
"Hoy, bruha! Ilipat mo nga yan sa (insert channel here). Nanunood ako ng
basketball saka wrestling, nilipat mo sa mga ganyang kalandiang programang yan!
Bastos ka talagang loka ka!"
Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!