3/21/2014 1:25:54 AM
Ayan na. May nagngitngit na sa galit.
Sino? Siya lang naman, na may pinost na selfie at may
mala-plakard o fansign na remark. At ang mga salita ay napakasimple: “Gago kayo, MRT!”
Post by Angelo V. Suarez.
Siya na isang personalidad na eksperto sa aspeto ng literatura (kung sakaling hindi mo alam, isang beses ay nnanalo siya sa mga patimpalak sa literatura na kung tawagin ay Palanca awards),
na may angas at bayag kung makapagsalita ng alinmang naiisip at nararamdaman
niya; kaya naman pala ganun na lang ang istilo niya kung makapaglahad ng
pagkagalit at dismaya e no?
Siya na maituturing na isang ‘tunay na lalake,’ dahil sa
kahanga-hanga niyang gawain. Oo (at hindi ako sarcastic), nakakahanga naman
talaga ang ginawa niya, dahil sa pang-isnab naman ng MRT Facebook page sa kanya
(eh kung di ka ba naman may pagkasira eh, bakit ka nga naman kasi magpapaskil
ng isang problema sa pamamagitan ng sobrang ‘no holds barred’ na pamamaraan).
Ayos lang yan, hindi para makakuha siya ng maraming
followers, kundi mas okay na rin ang ginawa niyang pagpapaskil ng problema sa
sarili niyang timeline dahil sa simpleng dahilan lamang: you express your own.
Ibig sabihin, wala pa ring mas magandang venue para sabihin
ang nais mong sabihin kesa sa sarili mong profile sa Facebook. At least, walang
magreregulate, o walang eepal.
Tama, isang tunay na lalakeng maituturing ang mamang ito.
Dahil aminin man natin o hindi: wala (kung hindi ‘bibihira’) na lang ang mga nilalang
na may kakayahan na maglahad ng buong tapang o angas at talaga namang… matindi
ang pinapatamaan. Hindi madali ang ginawa niya, lalo na sa panahon ngayon na
ang isang malulutong na sentinmyento niya ay sentimyento rin ng nakararami na
hindi na matiis ang sobra-sobrang pasakit na dala ng mahahabang pila ng MRT.
Hindi madali ang ginawa nya sa panahon na sobrang radical at
medieval mag-isip ang tao – yung tipo na mas pahahalagahan pa nila ang tingin
sa kanila ng iba kesa sa pagmamahal sa sarili nila. Oo, hindi ito madali lalo
na kung ikaw yung tipong makabasa lang ng isang kritisismo ukol sa iyo ay
naglulupasay ka na (tol, sa ayaw at sa gusto natin, lahat tayo ay nagiging
biktima ng kritisismo ng iba).
Hindi ito talaga madali, dahil sa panahon na sobrang kalmado
at diplomatiko tayo sa pagharap ng suliranin, baka nakakalimot din tayo – na nasasaktan
din tayo at napupuno, tulad na lang niya.
Aba’y mantakin mo naman kasi ha? Ang pila sa North Avenue,
umaabot na hanggang malapit sa flyover ng EDSA-Quezon Avenue; samantalang ang
nasa Quezon Avenue naman ay halos aabot na sa comppund ng ABS-CBN ang pila! Mas
mahaba pa ito kung ikukumpara sa mga istasyon tulad ng sa Cubao (na
mala-impyerno ang aura kapag daytime – as in yung tipong five minutes ka lang
nakapila ay tatagatak na ang pawis mo).
At isang beses nga, napabus na lang ako kesa sa maghintay at
ngumanga dala ng pila dun na umabot na sa baba ng mga pedestrian overpass ng
Farmers.
Isama mo pa ang pagkakataon na halos aabutin ka pa ng limang
tren bago ka pa makasakay ng tuluyan (sa kaso ko dati, yan ang dahilan kung
bakit nalate pa ako ng bonggang-bongga; tama, sa ganyang senaryo mismo, at
tingin ko, pati ibang tao ay naranasan din ito).
Pero balik tayo sa kuwento niya: ikaw ba naman kasi ang
mabagot sa sinapit ng mga tulad niya eh. Tatlong oras na nasa Ayala station,
isang oras na nakapila sa platform at ganun din sa concourse. Tapos tila
sumablay pa kamo daw ang Public Address (PA) Announcer nila sa pagaanunsyo ng
mga progreso ng tren.
Ito nga lang ang problema: nababagot na tayo lahat-lahat and
yet sumasakay pa rin tayo sa ganun. Eh para naman nating niloloko ang sarili
natin nito, ano po?
Parang ganun nga, pero sa totoo lang kasi: no choice na eh.
Sa panahon na puno na rin ang MRT, ganun din naman ang mga bus at jeepney.
Samahan mo pa ng malalang sitwasyon ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa
Kamaynilaan. Talaga namang maituturing na nasa rush hour ang karamihan.
At hindi ito masosolusyunan ng ganun-ganun lamang. Nasa tao
na rin kasi yan eh.
Pero minsan naiisip ko: di kaya dala rin ito ng pag-ayaw
natin sa pagtaas ng pasahe? Oo, ayaw nga itaas ang pasahe kaya ang resulta ay
ganito: mahabang pila, at mala-sardinas na sitwasyon sa loob ng tren.
Ngunit sa kabilang banda kasi, hindi rin garantiya na
magkakaroon ng ginhawa ang mga pasahero eh. Lalo na’t nagiging lugar din ito ng
mga pandurukot ng ilang mapagsamantala.
Hindi kaya nahaharap tayo sa isang katotohanan na dumarami
lang talaga ang mga tao na sa ibig na makatipid sila sa pasahe ay sumasakay
sila sa mga pampasaherong tren tulad ng MRT? Sa paglipas ng mga taon kasi ay
tumataas ang numero ng mga taong sumasakay dito. Hindi pa yata kabilang dyan
yung mga nagra-round trip (na obviously ay bawal din, pero ‘asa’ anyway).
Kumbaga sa law of economics, mas mataas ang demand kesa sa
supply. Kaya either way, nagkakaroon tayo ng problema. ‘Scarcity’ yan, kung
tama ang aking pagkakaalala. Maaring kumikita ang MRT, pero ito ang mas
masaklap nga lang: mas malaki ang halaga ng subsidiya ng gobyerno kesa sa
binabayad natin mismo. Lugi bang maituturing? Ewan ko.
Pero sa panahon kasi na nakakabagot nga naman ang maghintay
ng mas mahabang pila at sumakay sa malasiksikang sasakyan. Sabagay naman kasi,
uso naman ang mahahabang tren tulad ng LRT 2 eh. Saka isa pa, nagkakaaberya na
rin ang mga riles nito.
Di kaya na-overworked? Hmmm….
Pero nevertheless, ang concern ng mamang ito ay nagpatunay
lang kung gaano nga naman kapangit ang serbisyo ng MRT sa panahon ngayon
(siguro, kung may exemption dito, yun ay sa mga oras na pasara na sila as in
chambahan ka na lang makakapansin ng ganito).
Teka, balita raw ay kailangan pa yatang ma-media ang hinaing ng mamang ito para lang mapansin ng pamunuan ng MRT. At tinago lang daw nila (admin ng FB ng MRT3) pala ang post niya. Tsk.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight
productions
Laging ganyan s MRT Ayala Station tas ayaw nio n my mgJoyRide s tren from Ayala to Taft then Cubao or any station eh lagi nman n wlang tren n bakante tuwing rush hour. Guising kayo!!!!!!!!!! pera ng taong bayan ang ginamit nio s pgbili ng mga tren n ginagamit nio pra mgkapera, hindi kami nsa gobyerno pra hindi nmin alam ang mga ganyang bagay.
ReplyDeleteSana mgkron kau ng pabor pra s mga katulad nmin dahil smin kya kau kumikita ng milyon
ReplyDelete