4/14/2014
10:35:02 AM
Bukas ang
pinakadeadline sa pagbabayad ng buwis.
Eh ano
ngayon? Wala lang. Pinapalala lang naman nila, gamit ang kanilang nakakaka-LSS
na jingle nila.
Aba, in
fairness ha? May pagka-astig din.
Pero
seryosong usapan lang, mukha talagang naghihigpit sila sa kampanya nila no? Matakin
mo, ultimo si Punisher ay suportado ang galaw niya. Well, walang masama dun
kung tutuusin. Obligasyon naman kasi ng bawat mamamayan na magbayad ng buwis
eh.
Yun nga
lang, sana naman kasi ay nasa tamang bulsa o kaban ito nalalagay. At maaring
masabi na tapat naman kahit papaano sa trabaho niya si Commissioner Kim
Henares. Ngunit, subalit at dapatapwat... yung mga nasa ibaba rin o yung ibang
opsiayales ang may topak din kasi eh.
Nung minsan
nga na nautusan lang ako sa BIR dati (nung panahon na rumaket ako bilang isang
liason officer), ay nuknukan din ng sungit yung nakauspa kong officer.
Pero hindi
ko sinasabi na lahat ay ganyan. Malay mo, either meron lang talaga si loko
(merong topak! Ano kala mo, menstruation period?). Pero minsan kasi, nakaakinis
rin na ibinabaling ng isang ‘to sa mga nag-aasikaso lamang ng mga binabayarang
buwis tulad nbamin ang lahat ng ikaiinis nila sa buhay e. Kaya puwede bang
itabi mo muna yang problema mo sa isang sulok at magtrabaho kang tangina ka?
Pero...
masasabi bang napakarahas ng BIR sa kampanya nila? Mnaari, pero ganun talaga
eh. Ito ang isa sa dalawang bagay na hindi mo kailanman matatakasan (maliban pa
siyempre, sa kamatayan).
Kaya ganun
na lamang ba ang angal ng mga taga-Philippine Medical Association at ultimo ang
kampo ni Manny Pacquiao?
Kung tutuusin
para lang yung kasabihan na “dura lex sed lex,” meaning.... ang batas ay
marahas, pero yan ang batas. At ang pagbabayad ng buwis ay parang batas lang
din – marahas lang talaga. Sa ayaw at sa gusto natin; kahit isipin natin na mas
mahalaga pa rin na makakain ng tatlong beses sa isang araw kesa sa magbayad ng
buwis.
Uulitin ko,
sana naman kasi ay nilalagay na ito sa tamang kaban, at hindi sa mga ungas na pasimpeng
dekwat ng bilyong halaga lang naman sa pork barrel, tapos pag nagkasakit pa ay
sa buwis pa nating ito kukuhanan ng paggasta (actually yung detention itself pa
lang eh, 150K na kada araw ang gastusin ayon nay an sa Philippine National
Police).
Parang either
way, olats pa rin tayo, ‘di ba?
Masasabi ba
natin talaga na ‘we get what we paid for?’ Maari din, dahil sa karamihan sa
atin ay hindi naman talaga nagbabayad ng buwis. At sinu-sino lang ba ito,
maliban sa mga taong nasa middle class (aba, wag mong iismulin ang mga tulad
nila, dahil kung hindi dahil sa kanila aba, walang ganung pondo ang gobyerno),
at mga ilang prominenteng personalidad?
Sabi nga
nila, THIS IS WHERE YOUR TAXES GO (or kung plural ang usapan, THESE ARE WHERE YOUR TAXES GO).
Screen-grab from WOTL EP DEATH AND TAXES |
So, ang sa
lagay ba ay sa illustrasyon lang ng pader na ito napupunta ang buwis natin?
Kaya ba yung MRT natin ay bulok, ika nga ni Angelo Suarez? Kaya ba ganun na
lang ang calibre ng mga imprastarktuka at serbisyong ibinibigay sa atin?
O masyado
na rin akong namimilosopo?
Pero either
way naman kasi no. Anyare sa buwis natin?
Hanggang
drawing na nga lang ba talaga ‘to?
First version of BUWIS-IT: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2013/04/buwis-it.html
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!