Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

13 April 2014

Dahil Laban Ni Pacquiao...

4/13/2014 10:15:09 AM

Ayun, so Linggo na naman. At may laban na naman ang tinatawag nating ‘pambansang kamao.’ Baka sa malamang, may magtatanong – “eh ano naman ngayon kung laban ni Pacman?”

Ilang bagay lang ang panigurado dito – sa malamang, maraming mangyayari na namang hindi normal kung ikukumpara sa araw-araw na pamumuhay natin.

At dahil laban ni Pacquiao... ‘national holiday’ na naman ito. Oo, as in holiday muna o ‘break muna’ mula sa iba’t ibang kamunduhan ang mga Pinoy niyan. Karamihan ay nakatutok sa radio, computer, telebisyon o kahit sa mga naglalakihang projector, at doon nag-iingay. Speaking of ingay...

Dahil laban nga ni Pacquiao, maraming instant na viewing party ang magsisiulputan. Kanya-kanyang promo nga lang. Kanya-kanya ring viewing fee. Pero minsan, may exclusivity rin. At paunahan na mapuno yan. Kaya good luck sa paghahanap.

Pero meron din naman yung mga libre, pero good luck pa rin dahil sa malamang ay punuan yan.

Sa malamang, papatok rin ang mga pay-per-view event. Lalo na yung mga taong willing magbayad ng malaki basta mapanood lamang ang laban ni Pacquiao. At lalo na rin yung mga taong naiinip sa tagal ng pag-ere nito sa free at local TV (eh sa dami ba naman kasi ng commercial gap eh).

Dahil laban nga ni Pacquiao... tahimik na naman ang kalye. Sa madaling sabi, walang trapik sa lansangan. Ay, kay sarap bumiyahe, ano? Sana araw-araw ganito eh no (pero hindi ko sinasabi na dapat araw-araw ay may laban ng boxing)? Kasi naman, wala na rin kasing nakakainis pa kesa sa mastuck ka sa trapiko. At tila ang mga pangyayari lang na tulad ng laban ni Pacquiao ang nakakapagpalinis ng kalsada.

At dahil nga laban ni Pacquiao, at tahimik ang kalye, wala rin masyadong nagaganap na krimen. Kasi kahit ultimo ang mga bastardo, haling ang bituka, kumakapit sa patalim na mga gago ay nakikinood ng laban ni Pacquiao. Ika nga ng Philippine National Police, zero crime rate daw palagi pag laban ni Pacquiao.

Ang sa lagay ba eh si Pacquiao ang may kakayahan na patahimikin ang lahat ng mga maiitim ang budhi, including ang mga bwakananginang pagala-galang criminal, yung mga halang ang bituka?  Yung mga patapon ang buhay pero nanlalamang sa kapwa nila sa ngalan ng material na bagay na tila nagsisilbving kapangyarihan sa bawat tao?

Isa lang masasabi ko: EWAN

Dahil laban nga ni Pacquiao, marami naman dyan ang magiging instant sports analyst. Yung tipo na dahil nagsisulputan ang mga lehitimong kritiko sa larangan ng palakasan sa mga palatuntunan ng telebisyon at internet ay makikiride na rin ang karamihan sa mga sambayanan. As in lahat, may say na rin ukol sa mga nangyari, parang ang usapan ng mga kumag na ito.

Kumag 1: Wow, pare, tindi ng panalo ni Pacquiao eh no?
Kumag 2: Oo nga eh. Kahit nakulangan ako sa turn out ng laban (aba, juma-jargon ang isang ‘to ah).
Kumag 3: Okay na rin, at least mapatumba ni Pacman yung kalaban.
K1: Nakita mo ba yung combo na (sabay nagdemonstrate ng quick left-right-right-left-l;eft-left0-right na punch combination)
Kumag 4: O, easy boy. Baka matamaan mo kami nyan. Si Pacquiao at ang laban niya pinag-uusapan natin dito, hindi kung paano sumuntok si FPJ!
Kumag 5: Oy, ba’t nadamay idol ko dyan?!
K2: oh, oh, oh, away na yan!
K3: Tara na! BOX na yan!
Lahat: Tara!
K4: Pero bago ang lahat… shot muna!
K5: Eh teka, san na nga ba yung usapan natin kay Pacquiao?!

Ay, ewan. Mas mahirap lang talaga ‘to pagv nakainom kayo nng mga kasama niyo. Baka literal ay magboboxing din kayo para lang manalo sa mga pinaglalaban niyo ukol sa laban ni Pacquiao.

Pero dahil laban nga ni Pacquiao, asahan mo na rin na magtetrend ito sa social media. Of course, dahil maliban sa sikat na bansa ang Estados Unidos, ay ang mga Pilipino ang bansa na may pinakamaraming users sa larangan ng mga website gaya ng Facebook, Twitter, at iba pa. Kaya trending worldwide ang pangalan niya o ang event na pinaglalaban nila.

Pero dahil laban ni Pacquiao… two things may happen (actually, tatlo talaga, pero bihira lang naman ang draw; maliban pa sa ideya na parang tunog porkchop duo joke ang ‘two things’ na yan).

Pag natalo ba isya ay masisindak na naman ba tayo tulad na lamang ng biglaang pagkatalo ni Undertaker kay Brock Lesnar? Gayun din ng pagkadismaya ng paglipat ni LeBron James nun? O ang pagkabali ng binti ni Anderson Silva?

O baka wala lang na rin tutal twice in 2012 ay naolats din siya. Ang masaklap nga lang nun ay knock out yung pangalawa (at napikon na naman ang sanlahi kay Justin Bieber dahil sa meme nya).

Pero… pag nanalo ba siya, may engrandeng hero’s welcome ba ulit? Instant fame na naman ito? O marami na naming bandwagon riders na magsasabing “Proud to Be Filipino?”

Pero natalo, parang walang ganun e no? How rude.

Hindi ko nga lang alam kung laban ni Pacquiao ba ay nananatiling mataas pa rin ba ang ekspektasyon ng Pinoy ukol sa resulta. Sabagay, sino ba naman din kasi ang ayaw ng ‘knock out,’ di ba?

Pero dahil laban ni Pacquiao, paunahan na rin sa pag-update ang mga tao. Magsisilabasan ang mga instant spoiler. Mamaya niyan, mapapnsin mo na lamang na magsisilabasan sa mga news feed ang resulta.

Ayun lang naman, dami no?

Pero dahil laban nga ni Pacquiao mamaya, narito na ang ating ulat-panahon: ngayoing araw ay asahan na ang mas intense at maingay na reaksyon kasabay sa init ng temperatura sa oras ng katanghalian, lalo na pagdating ng ala-una o alas-dos ng hapon.

Tapos asahan mo na rin na maraming instant spoiler na magbabalita thru Facebook, Twitter, text messaging at ultimong word of mouth (bagay na applicable sa mga tsismoso't tsismosa) ukol sa laban ni Pacquiao.

Habang yung mga nagtatiyaga sa Philippine Cable at Free TV, iinit din ang kanilang ulo sa pagkainis dahil sa nalaman na nila ang resulta samantalang umaabot pa ng 10 minuto ang isang commercial gap kumpara sa coverage ng isang round ng boxing na aabot lamang ng 4 na minuto.

At yan ang magiging lagay ng panahon tulad na lamang ng mga nakalipas na laban ni Pacquiao.

Sa madaling sabi, WALANG PINAGBAGO.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Pareho ang ilan sa ating obserbasyon. May sinulat rin ako tungkol sa pagtigil ng krimen, mga magmamarunong at mga spoilers. Hehe.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!