4/10/2014 10:37:26 AM
Sa totoo lang, ang isang sporting event ay isang
pinakaperpektong halimbawa ng reality show, o ng isang television series. At kung
ganun lang naman ang usapan, aba, mas okay pang manood ng wreswtling kesa sa
teleserye!
Ano?! Seryoso ka ba?!
O, ano? Napataas ba bigla kilay mo? Uminit ba ulo mo? Kumulo
ba dugo mo?
Kung ganun, aba, hindi ko na problema yan.
Pano ko nasabi ‘to? Kamakailanlang, marai akong nababasang
mga kumento sa kaliwa’t kanang mga Facebook page. At marami dun ay
nakikipagtalo dahil diumano sa kakornihan ng World Wrestling Entertainment. Scripted
daw.
Oo, scripted naman talaga yan e. Kaya nga “World Wrestling
Entertainment,” ‘di ba? Kaya nga rin tinawag na ‘sports entertainment’ ang
mundong ginagalawan nila.
So what can you expect pa ba?
Lately, nagiging parte na rin ng daily grind ko ang mag-isip
at magsulat ng mga post na mau kinalaman sa WWE. Maliban pa yan sa mga beat ko
sa UFC (though never ko pa siyang nailalahad sa sarili kong blog), NBA , PBA,
at kung anu-ano pa. Siguro dala na rin ito ng pagiging fanboy ng WWF nung bata
pa ako.
At noong umusbong ang ika-30 edisyon ng WrestleMania, naging
matunog na naman ang pangalan ng WWE. Nagtrend sa Twitter. As in pinag-usapan
na naman siya. Maraming nagsasabi (na usually naman ay mga taong nabuburat na
rin sa palabas na ito), scripted daw ‘to. Ops, basahin ulit ang nasa itaas
(kailangan bang paulit-ulit sa pag-eexplain ha?).
Pero kumokorni na nga ba ang WWE dahil sa kung anu-anong
pautot ng mga ‘to? Mantakin mo, maraming nagbabalik na mga alamat sa kasaysayan
ng professional wrestling. Bibihira lang na bigyan ng pagkakataon ang mga
biglang usbong na superstar. Madalas ay inaambush.
Pero mayroon din namang mga epikong nagwawakas sa hindi mo
inaasahang pagkakataon – gaya na lamang ng pagkatalo ni Undertaker. Pustahan,
walo sa sampung katao nun ay hindi inaakalang matatalo si Taker ni Brock
Lesnar. At kahit sinabi ko sa predisyon na yun na maari pa ring manaig ang
Deadman sa labang yun, hindi ko rin kinaila at minaliit ang kapangyarihan at
abilidad ng isang wrestler na tila mas nagging halimaw pa ang laro mula noong
sumali sa UFC ilang taon na ang nakalilipas.
Pero, scripted nga ba ang WWE? Given nay an, mga tsong. At...
hey, kung ako lang tatanungin, mas astig pa nga ito kaysa sa mga telesereye eh.
Oo, mas okay pa sa teleserye. Yung iba ngang actor sa
mainstream ngayone daig pa ng mga extra kung umarte eh.
Pero, anu-ano pa nga ba ang dahilan kung bakit mas okay pang
manood ng WWE kesa sa mga telenovela.
Maaring predictable ‘to, pero at least, hindi halata, ‘di tulad
ng mga teaser na makikita at nakapapagpasabik nga, pero... hanggang dyan lang.
Inuuto ka lang naman.
Pero, pero, pero... bakit nga ba? Sobrang generic na rin
kasi ng mga teleserye sa panahon na ito eh. Kung tutuusin, mas okay pa nga ang
kwentong ito kesa sa mga umuusbong na mga pelikula sa mainstream.
At... kahit papaano, may originality ang mga plot ng WWE. ‘di
tulad ng mga teleserye na obvious na obvious na nga sa pagiging generic, eh halatang
copycat pa ito mula sa mga nakalipas na pelikula o teleserye. Minsan pa nga, mula pa sa mga love
song ipinapangalan ang mga ito.
Ugh. Let’s get real here, please?
Kumpara mo naman ang rating ng teleserye sa overall na popularity
ng world wrestling entertainment no? Duh.
Uulitin ko na lang para sa mga makukulit: Mas okay pang
manood ng wrestling kesa sa telenovela.
Oo, may kasama pang mga hashtag na #RealTalk at #JustSaying
pa yan.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight
productions
Tama nga naman.
ReplyDeleteIsang comparison lang, sa aking opinyon.
Wresting
- scripted
- actor + stuntman + marketing, lahat kaya ng isang wrestler
- improvized ba yung sinasabi o ginagawa? mas maganda!
- Unpredictable! di mo alam kung sino (o kung meron?) ang mananalo.
- mas marami pang cliffhangers ang ginagawa nito, tapos iba-ibang anggulo pa ang pwede. Pwede pa ngang magsanib ang storylines!
Telenovela
- scripted
- actor, stuntman, marketer - hindi iisang tao.
- improvised? cut! ulitin natin!
- Ano ang mangyayari sa susunod na episode? may cliffhangers nga, pero andaling hulaan.
Reality shows
- marami ang scripted(!)
- walang aksyon.
- kung wala mang script, mababaw naman ang kwento
- bukod sa mga contest, napakadaling hulaan ang mangyayari.
- at leat medyo maraming improv dito hehe