Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

07 April 2014

Pero Ang Init Pa Rin!

4/2/2014 10:25:47 PM

Ang init!

Naku, may bago pa ba sa ganito?

Natural na mainit sa Pilipinas. Aba, siyempre, dahil ang lugar natin ay tinuturing rin na isang ‘tropical country.’
Pero, ang init pa rin! Oo, para namang hindi naman tayo nasanay sa ganito. Summer eh!

Pero, ang init pa rin! Lalo na’t naglalaro na sa mahigit 35 hanggang 37 ang temperatura ng kalakhang Maynila. Pero kung yan lang ay nirereklamo mo, what more pa sa mga lugar tulad ng Tuguegarao City sa Cagayan. Kung maalala ang kasaysayan, ditto naitala ang pinakamainit sa buong Pilipinas na nasa mahigit 42 degrees Celsius.

Pero ang init pa rin! Sa panahon ngayon  na marami ang mga informal settler na gawa sa barung-barong angkanilang mga bahay (pero tama ba na sisihin sila ditto?), oo… ang init talaga.

Sa panahon rin ngayon na nagtatayuan ang mga malalaking gusali, oo, ang init talaga. Lalo na’t matindi rin ang epekto ng semento pagdating sa mga panahon tulad nito. As in parang nakakulong lang.

Pero ang init pa rin! Sa panahon na nagbabago ang klima dala ng ating sariling katarantaduhan sa pagpapabaya sa kalikasan (na dumarating sa punto na ni ultimo ang pagtatapon ng basura, hindi nga natin magawa ng maayos eh), oo ang init talaga. Kung gaano katindi ang tirik ng araw sa kalupaan, ganun din naman katindi ang buhos ng ulan.

Pero ang init pa rin! Walang bago kung sakit ang usapan. Possible pa ring makaranas ng sore eyes, sun burn, bungang araw at iba pang hindi magandang karamdaman. Yun nga lang siguro, dahil mas matindi nga naman ang epekto ng mas tirik na sun rays sa atin, mas madali tayong makakuha ng sakit, o mas malala: possible pang skin cancer pag natsambahan (wag naman sana).

Pero… ang init pa rin! Lagi naman tayong nagrereklamo eh. Tignan mo, noong panahon na nuknukan naman ng lamig ang Metro Manila, pustahan tayo, na lima sa bawat sampung kataong nakaranas ng mahigit 15.8 at 16.9 degrees na temperatura aynagrereklamo. So, may bago pa ba sa ganito?

Paki-explain ha? Oo, bilang tao ay deserving tayo ng isang ‘acceptable’ explanation (at walang kinalaman ditto ang pelikulang “Starting Over Again” dahil hindi ko naman siya pianood sa sinehan) kung bakit tayo nagrereklamo sa kabila ng papalit-palit na panahon.

Siyempre, una, dahil posibleng nagkakasakit tayo. Hindi makasabay sa agos ng buhay ang katawan natin. Maari bang sabihing walang pakisama ang templo mo, o walang pakisama ang direksyon ng hangin?

At pangalawa, siklo na ito eh. Lalo na’t summer na. Wohoo! Sarap naming tumambay sa beach nito.

Pero, natural naman na umiinit ang panahon sa ganitong lugar eh. At sa panahon ngayon na nagbabago ang klima, mas nagiging natural ito. Kaya wala na tayong magagawa dun kundi gawin ang dapat gawin, tuald ng pagpapaigitng ng resistensya mo sa ganitong panahon – at hindi mo maiibsan ang init na yan sa isang paraan ng ‘parausan’ na ung tawagin ay sex.

Oo, hindi kalandian ang sagot dyan, tol. Iligo mo na lang yan, kaya umiinit lalo ulo mo eh.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!