Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 April 2014

Shocking Loss

4/15/2014 10:57:31 AM

Wala nang mas sasaklap pa sa mundo ng professional wrestling kesa sa pangyayaring ito noong Linggo, a-6 ng Abril (o Lunes, a-8 ng Abril, oras sa Pilipinas).


Tama, ang pagkatalo ng Undertaker sa isang... Brock (oh, sorry, “BRRRROOOCK!”) Lesnar.

Teka, sino bang mag-aakala na ang isang 36 anyos na dating three-time World Champion at dati ring Heavyweight champion sa Ultimate Fighting Championship (UFC) ang tatapos sa legasiya ng mamang ito, na ang edad ay 49, tapos eight time champion sa World Wrestling Entertainment (3 for World Heavyweight, 4 for WWE/WWF Undisputed Champion, and 1 WWF Hardcore Championship) sa Wrestlemania 30, at sa harap ng 75,167 kataong nanunood sa Mercedes Benz Superdome sa New Orleans?

Wasak, di ba?

Pero... ganun talaga ang professional wrestling, at sa kahit ano pang sport, at kahit saan pang larangan ng buhay. Kanya-kanyang panahon, ika nga. Di habang panahon ay nasa taas ka. Hindi sa lahat ng oras, ikaw lagi ang panalo.

Matanda na nga si Mark William Calaway. Tatlong dekada (o kung sasaktuhin natin ay 34 taon) na siya sa mundo ng WWE. Di pa rito kasama ang ilang taon na nilagi niya sa ibang liga at lugar (basta, nasa mundo ng professional wrestling).

Ewan ko nga lang kung ito na rina ang magtatakda ng katapusan sa rivalry nila. Kung maalala dati nay kinompronta ni Undertaker si Lesnar sa isang UFC event kung saan ay kagagaling sa isang pagkatalo ang ngayo’y 36 anyos na taga-Minneapolis, Minnesota.

Pero siyempre, out of the plot na yang tinutukoy ko. Balik tayo sa nakakashock na pangyayari. Tama, ang pagkatalo niya ay ikinagulat ng mundo.  Paano nagyari yun? Maliban pa sa tatlong F5 at minsan pa’y kamuntikan nang matalo via sumbmission pagkatapos siyang gamitan ng Kimura lock?

Nasa’n ka nung naganap ito? Aakalain mo ba na magtetrend ito sa Twitter nun? Aakalain mo ba na magiging laman ito ng mga sports at entertainment news portals nun? At nagulat ka rin ba tulad niya?



Malamang, masasabi rin na “tangina, ang ayos din ng scriptwriter nito ah.”

Pero katulad din ng sinabi ko kanina, kanya-kanyang panahon na lang yan. Masaklap man tanggapin, pero mukhang doon na rin matatapos ang kanyang legendary winning streak. Kung tutuusin sa mata ng mahilig mabasag ng hype, wala pa nga itong binatbat sa record ni Goldberg, na inabot ng 174 na laban bago muli matalo (oo, tama yang nabasa mo. Kung hindi ka kumbinsideo eh IGMG, ika nga ni Stanley Chi).
At kahit at one point ata, siya na rin ang gusto magtapos ng winning streak nito eh.

Pero nevertheless, hanga pa rin ako kay Deadman kahit ganun. Even if creepy siya, look, isa siya sa mga hinahanggan din eh. Minsan na rin niya hinawakan ang liderato ng WWE. And say, winning for 21 Wrestlemania years (kahit sabihin pa na may pagka-peke ang WWE ngayon) is no joke.

Ngayon, kung sa espekulasyon na magreretiro siya tingin ko, panahon na rin eh. Isa pa, wala na rin tayo magagawa kung talagang hindi na ito ang erang kinagisnan natin. Attitude man yan o golden pa.

At kung urat ka lang din naman sa takbo ng wrestling ngayon, eh uso naman ang maglipat ng channel papunta sa paborito mong palabas, ke telesereye man, UFC, basketball, reality show o ultimong isang basketball game pa yan.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!