4/2/2014 10:43:12 PM
Sa wakas, ito na naman ang pinakahinihintay ng maraming tao
– ang bakasyon na kung tawagain ay ‘summer break.’
Pero… eh ano naman ngayon? May bago pa ba sa tipikal na kalakaran
natin bilang mga mamamyan ng mundo at pagiging Pilipino pagdating ng summer?
Maaring meron din total nagbabago naman talaga ang panahon.
Summer na! Eh ano ngayon? Uso ang pumunta sa beach. Pero
‘wag ka, hindi lang ‘to simpleng ekskarsyon trip. Talagang beach party na ring
maituturing lalo na pagsapit ng gabi kung saan makakitaka ng mga hunks at
chikababes na pinagpapantasyahan mo sa kada silip ng COSMOPOLITAN, Playboy, UNO
at FHM.
Summer na! Eh ano ngayon? Uso na namanang mga summer
workshop (ala naming magpa-summer workshop ka sa panahon ng tag-ulan o
tag-sibol no?), walang masama dito, lalo na kung gusto naman ng mga bata. Kaso sa
panahon ngayon na nagtataasan ang mga gastos, madalas na no choice rin ang mga magulang
kundi ipalagay na lang sa gamay ng mga computer shop ang lahat – mas cheap kasi
yun (ilang oras lang ang pagrenta no?).
Summer na! eh ano ngayon? Maliban sa mahaba-habang traffic
kada weekend, good luck dahil mas lalong magiging mabigat pa ang daloy ng trapiko
nito. Siyempre, maraming babyahe paluwas ng kamaynilaan at papuntang mga probinsya
at partikular sa mga resort at beach.
Kaya kikita rin ang mga resort nito. Peak season, ika nga. Walang
masama dito, dahil business naman nila talaga yun. Yun nga lang, maging metikuloso
din sa pagpili ng mga tatambayan. Piliin ang mga lokasyon na makapagbibigay sa iyong
magandang serbisyo maliban pa sa malinaw ang tubig na pagtatampisawan.
Summer na! eh ano ngayon? Hindi excuse ang ‘wala na akong baon’
dahil let’s face it – hindi ka naman nag-aaral sa panahon na ‘yun eh unless
mag-summer classes ka. Bagay na alam ko, at alam nila, na ayaw mo din (maliban na
lang kung gusto mo makita ang crush mo, at hindi maiwasan na pumalya ka sa mga
subject mo. Aral-aral din kasi pag may time, hindi yung harot lang ang alam.
Ang landi mo kasi eh.).
Wala ka ngang baon, pero may magulang ka na maari mong hingan
ng pera. Hindi sa sinasabi ko na mabuting gawain yun. Pero mga hijo’t hija
naman: Hiya-hiya din pag may time. Matuto kasing mag-ipon kung gusto mo na may
pera ka t’wing summer ha?
Summer na! eh ano ngayon? Dahil mainit ang summer, malamang,
marami rin ang mag-iinit. Ang masaklap nga lang dito: yung mga nasa puberty
stage pa lang (at yung mga taong katatapos lang dun) ang mas nakararanas nito kesa
sa mga lehitmong indibidwal na may kakayahan nang bumuong pamilya. Hindi yata nila
ma-differentiate kung nasa fertility period sila o sadyang nalilibugan lang,
kaya ang reuslta: pagdating ng enrollment, di namakapag-aral dahil… (alam n’yo na
‘yun. Kunwari pa kayo?)
Summer na! Eh ano ngayon? Eh di… tara, swimming na!
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!