4/17/2014 2:43:58 PM
Isang pasada na naman sa maiinit na tirada kahit sa panahon pa ng Semana Santa (eh wala eh. Mainit ang panahon eh).
Nadismaya si Cardinal Tagle sa mga kabataan. At ang pinakadahilan? Pera.
Iba talaga pag nagagawa ng pera ano? Pero sandali, di pa
tapos ang storya eh.
Isa sa mga balita kasi sa Rappler ang pagkadismaya diumano
ng arsobipso ng Maynila ukol sa isang tanong na binato niya sa kanyang Homiliya
noong Linggo ng Palaspas. Aniya, milyong pera o misa?
And as usual, dahil relihiyon ang usapan, may mini-word war
na naman sa cyberspace.
Ngaunit hindi na ako nagtaka kung bakit mas pinili ng mga
kabataan ang $30 milyon.
Teka, may nakapagtataka pa ba sa desisyon ng mga bata? Sa
panahon kasi ngayon na ultimo ang gastadorang henerasyon tulad na lamang ng mga
bata ay nagpapakapraktikal lang naman kahit papaan eh. Obviously, yan talaga
ang pipiliin nila. At walang halong kahipokrituhan yan, ‘di tulad ng mga tao sa
sekta na pangharap nila ay gumagawa nga ng kabanalan, pero nuknukan din naman
ng kasamaan pag wala na sila sa altar o simbahan (and please, hindi kailanman
katanggap-tanggap ang excuse na tao lang sila at nagkakakamai sa puntong yun.
Oo, alam kong nagkakamali, pero hindi naman siguro yung palagian eh no?).
Kung ganun man talaga ang sagot ng mga bata, wala na
sigurong kinalaman ang kalandian nila rito. Siguro, ang ‘kalsalanan’ na maging
sakim ang may kaugnayan. Sakim sa makamundong bagay tulad na lamang ng gadget,
pamporma, o ultimong mga libro.
Di naman kaya ay nagkamali lang sa pag-intindi o
pag-interpreta si Father? Kasi pwede naman maging argumento riyan ay, pipiliin
ko yung pera, tapos idodonate ko sa simbahan? O maari rin na pagkatapos (pillin
ang $30M) ay magsisimba ako para magpasalamat?
So ang sa lagay ba e makitid ang pag-unawa niya? Hindi naman
siguro ganoon. Pero kanya-kanyang pananaw din kasi yan eh.
O di naman kaya ay… nagkamali siya sa pagbibitaw ng tanong?
$30M o misa? Kung lalaliman mo ang dalawang matimbang na bagay na ito, masasabi
na ang $30M ay obviously, pera o kayamanan o anumang makamundong bagay na
maaring magpaligaya sa tao. Ang misa naman ay, ang pananampalatay mo sa Diyos
(dahil ang misa ay isang akto ng panalangin o aktibidad na may kinalaman sa
pananampalataya mo).
And let’s face it: yan ang problema pag tinanong mo ang mga
tao gamit ang simile, hyperbole o alinmang malalaim na figures of speech. Hindi
lahat makakagets niyan dahil ang karamihan sa mga tao sa lipunan natin ang
parang swimming pool na 3 feet ang lalim – sa madaling sabi, mababaw. Ampaw
lang ang kaalaman o pag-unawa.
I would think na posibleng nagkamali siya sa pagbitaw ng
tanong.
To say na nagiging materyalistiko ang mga tao sa panahon
ngayon ay maaring isang malaking katotohanan. Pero ang paghuhusga sa kanila ay
hindi nakatutulong o ni hindi makakapagpadagdag sa status mo bilang banal. Ika
nga ng isa sa mga turo ng mga isktriptura ang huwag humusga, di ba?
Kasi ang dating ay parang ganun eh. (Pero actually, kahit
ako ay napahusga din bigla ah. Nah, maliban sa human nature eh I doubt na
nasususnod ito lalo na sa estado ng relihiyon sa bansa.)
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!