4/25/2014 5:35:40 PM
Kagabi ay nagtrend ang mga eksena mula sa palabas na ito.
WOW. Astig. May sampalan na naman! May iyakan! Batuhan ng
matitinding kata at linya na naman! At higit sa lahat – nagkabukingan na.
Nailantad ang dapat mailantad.
Ayos pa nga ang hashtag nila eh Parang yung pelikulang
pinagbidahan lang nila Paul Walker, Vin Diesel at The Rock.
Eh kaso… ano na?
Siyempre, mas susubaybayan na yan ng mga tao dahil sa mag kapana-panabik
ang mga eksenang nagaganap. Mas maglalagablag ang mga tagpo. Lalo na kung palapit
na ito sa duluhang bahagi ng kwento.
Ano naman ngayon kung may ganitong eksena?
Dahil dyan, bumenta na naman ang ratings. Naging laman na
naman ito ng sirkulasyon ng news feed ng Facebook, Twitter at ano pa mang
social networking site ang hawak mo.
Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit maraming tao ang
tila naghihimutok sa parehong awa, inis, galit at pagkalungkot.
Ano nga ba ang kayang iimplika nito sa ating kamalayan?
Na una, laging nag-eexist ang polygamy. Natural, dahil hindi
naman lahat ng relasyon ay iisa lang ang dikta. Dahil rin sa magkakaiba rin
naman tayong mga tao. At dahil yan, marami rin ang mga nagloloko sa mga partner
nila.
At sinasalamin lang ng mga ganitong palabas ang magiging
datingan nito sa bawat isa. Hindi sa sinasabi ko na mangyayari talaga yan
(dahil lahat rin naman tayo ay may choice na mang-gago sa mga partner natin o
hindi; at maari tayo ang gaguhin o hindi natin ito hahayaan), ang pinupunto ko dito
ay isinasaad na ng palabas na ito ang dapat mong gawin bilang tao at bilang
romantic partner – ke single ka man o married – sa hindi dapat gawin.
Kumbaga, nasa sa telebisyon mo na ang lahat ng posibilidad,
at nasa sa iyo ang desisyon.
Pero, ito ang problema.
Nasi-stereotype na naman ang mga lalake bilang manloloko.
Kaya minsan, tama rin yung isang naispatan ko sa Facebook at nagkumento ng “bakit
panay lalake lang ang nagiging manloloko sa mga teleserye?”
Oo nga naman kasi, bakit kami lang? Parang ang perpekto
naman ng dating ng mga babae ha? Ang sa lagay ba eh mga lalake lang ba ang may
K na maging ‘jerk?’
Kung ganun, tanginang lipunan yan. Masyadong sexist o
feminist ang datingan.
Saka isa pa. Ang ayos din tayong mga Pinoy, ano? Ayaw na
ayaw nating nakakakita ng drama sa mga taong malapit sa atin pero
pinagpipistahan naman natin ang drama ng mga tao sa telebisyon.
So, ano kaya yun? Pag may nagdadrama sa paligid mo,
sasabihan mo ng “Putangina! Ititigil mo nga lyang kalokohan mo. Walang
makikinig sa mga hinaig mo kahit maglupasay ka ng dugo! Gagang ‘to?!”
Tapos kapag nakakita ka ng isang eksena ng taksilan, ganito ang
reaksyon mo:
“Galing talaga umiyak ni Jericho, ano?” o dili naman kaya’y “Shet!
Magaling rin palang umarte sa drama si Angel Locsin ah!” o di naman ay “Ayan
na! Tangina! Nagkabukingan na silang tatlo! Patay na!”
Ayos ah. ‘Di ba napapansin ng mga bugok na ‘to na kaya nga
sila natuto magdrama ay dahil sa natutunan nila ito sa kapapanood ng teleserye?
Mga hipkrito ampucha.
Sakai to pa ang mas malalang problema: masyado na tayong
overpopulated sa teleserye, aprtikular sa mga ganitong tema, na tila wala na
lang yatang inatupag kundi ang ipakita ang landian at samu’t saring karahasan
(at kahit makipagtalo ka pa na “pucha! Mas bayolente pa nga ang sports tulad ng
UFC at wrestling eh,” sasabihin ko lang naman dyan ay “at least ito kahit
walang bayolente, walang namamatay, kung ikukumpara mo sa teleserye mo no na
patayan ang bawat episode!” with matching “BITCH PLEASE!”).
Kung makikinig nga lang sana ang mga executive sa isang
Jayson Benedicto na nagpanukalang “Less drama. More informative programs,” sa
kanyang unang libro, baka mas masaya pa ang buhay at mas matiwasay ang ikot ng
mundo.
Masyado na tayong nag-uumapaw sa teleserye. Kumbaga sa tubig,
umaapaw na. At hindi ito information overload. Kundi, kardramahan overload.
Kaya tayo nagkakandaleche-leche eh.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight
productions
Hindi ako makapagkumento sa isang seryeng hindi ko baman napapanood. Anyway, meron akong teorya kung bakit hindi nila ginagawa yung babae ang nagloloko. Maraming mate-turn off sa atin, mapa-babae o lalaki man. Kiri, haliparot, talandi. Ilan sa mga salitang ikakabit. Pero, agree ako sa iyo. Dapat baligtarin para ang lalaki naman ang 'martir'. Sa tingin ko, sa tamang paghahandle, pwedeng gawin e. Nakapanood ako ng ilang pelikulang Korean 10 years ago, parehong ganun. Babae ang may affair. Okay rin naman.
ReplyDelete