Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 April 2014

Tunay Na Banal

4/27/2014 2:16:44 PM

Sana ang karamihan sa mga taong nagpapakita talaga ng TUNAY na kabanalan, ay tulad ni Pope John Paul II. Oh, correction, Saint John Paul II.

Sa totoo lang, hindi ako saradong Katoliko, at hindi rin naman ako nabuhay sa medieval ages (ni hindi nga ako nakapunta sa isang malaking event noong 1995 na tinaguriang World Youth Day).

Pero hindi naman sa pangungumpara, ano? Ang mga tulad ni Karol Wojytla – o mas kilala mula pa noong 1978 bilang si Pope John Paul II – ang isa sa mga taong kailangan ng Simabahan para mapalaganap ang dalawang bagay: una, ang pananamplataya; at pangalawa, ang asal ng katinuan.

Sinasabi na isa sa mga astig na santo papa si Pope John Paul II. Kaya siguro, sa kagasagan nung ng pagpapalit ng taon, dekada, siglo at milenyo, tinagurian siya bilang “The Millenial Pope.” Ayaw kong magspekula kung dahil ba ito sa pakikisabay niya sa agos ng nagbabagong panahon.

Bagkus, ay mas mabuti pa yatang isipin na isa siya sa mga tinatag na “catalyst” noong panahon na yun. At ano ang catalyst? I-Google n’yo ng malaman n’yo. Dahil maraming nagbago sa Simbahan sa panahon ng kanyang panunungkulan. Isa rito ay yung tila naging mas malapit sa tao ang Simbahan (o ang Simbahan sa tao o vice versa). At tila marami siyang binago na buhay sa parehong tao at bansa.

Yun nga lang, may mga pananw din siya na against sa mga isyu na taliwas naman sa konserbatibong pananaw ng yumaong Santo Papa. Isa rin sya sa mga tahasang kumontra sa death penalty at capital punishment.

At kinalaban diumano ang mga samu’t saring komunista ng mundo.

Dinayo niya ang mararaming lugar sa mundo. Nakisalamuha siya sa iba’t ibang uri ng klase ng tao. Hindi ito basta-basta mabibilang sa numero. At kahit may sakit, hindi niya hinayaan na hindi siya dumugin ng taong nagmamahal sa kanya at kahit nanghihingi lang ng kanyang “blessing.” Kahit na dalawang beses pa kamo siyang inattempt na i-assassinate.

Hindi man siya perpektong nilalang para maging pinuno ng Simbahan (after all, tao pa rin naman siya at marunong humingi ng paumanhin sa mga bagay na pagkakamali sa kanyang tenure), ay maituturing naman na isa siya sa mga mala-alamat na Santo Papa sa contemporary era. Tama lang din yung nagsabi na “John Paul The Great” ang maaring maitawag din sa kanya.

Dahil napapabihira lang sa mga Santo at mga potensyal pa na Santo ang mga kalidad at kwalipikasyon na mayroon siya.

Siguro, kung may susunod sa legasiya niya, yan ay si Pope Francis.

Ano kaya ang dapat matutunan ng mga tao – particular ng mga Katoliko – sa kaniyang pamamahala?

Maging matatag sa pananampalataya, lalo na sa Dakilang Maylikha. Maaring importante ang relihiyon dahil ito ay nagsisilbing instrument, pero dapat ay mas gamitin ito para maging malaipit sa Diyos at hindi para lang masabi na “relihiyoso ako.” (Sabihin mo lang yan sa harapan ko at isasagot ko lang naman sa’yo ay, “eh ano ngayon? Kailangan bang ipangalandakan masyado yan?”)

Maging bukas ang siiapn sa pagbabago – maaring kontra na ang turo ng yumaong Santo Papa sa napapanahon ngayon, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na aware. Maari pa rin naman tumayo at manindigan sa ganun, dahil natural pananaw mo yun eh. Yun nga lang, wag isarado ang pinto.

Matutong gumalang sa paniniwala ng iba. Bagay na hindi mo na yata makikita pa sa iba (and please, hindi isang lehitimong excuse ang sabihin na “sarado Katoloko” ka. Dahil meron nga d’yan na iba na kauri mo pero at least natututo naman na rumespeto sa tao na may ibang relihyon at pananampalataya – basta para sa tinatawag na "humanity’s sake").

Iba ang pagpo-profess mo ng faith sa pamamagitan ng pagkalat ng kanyang Salita; sa pagyayabang sa sarili mong relihiyon and at the same time, pangungutya sa iba. Magkaibang-magkaiba kahit isang payat na linya lang ang naghihiwalay sa kanila.

Maging malapit sa tao kung gusto mo ng pagbabago. Masaydo bang malalim? Kahit ako nalaliman eh. Pero maypagakatotoo naman eh. Kung gusto mong sabihin na “make peace and love, not war?” approach mo sila, at idaan ang lahat sa mabuti at masinsinang usapan.

Last but not the least, maging ehemplo para sa mga kabaro, at huwag maging panibagong taong tatawagin na “hipokrito.”


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!