4/20/2014
1:37:45 PM
Noong
nakalipas na linggo, nasaksihan natin ito.
wiznation.com |
Tama, ang
pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley. Pero may nakakagulat
pa nga sa pagkapanalo nito?
Maari,
dahil iba na ang panahon noon sa panahon ngayon. Hindi na ito ang panahon na
may killer instinct pa si Pacman (yung tipong kaya pa nyang ipatumba ang mga
kalaban niya sa lona).
Kung may
natitira pang hindi akakiba sa kilos ni Pacquiao, ito ay yung pagiging agresibo
niya. As in mabilis na kilos ng mga suntok at depensa na rin. At walang masama
dun tutal nagbabago naman talaga ang panahon eh nagbabago rin naman din ang mga
istilo ng pakikidigma ng bawat boksingero.
Siguro,
kung may nakakagulat man dito, dahil yun sa kauna-unahang pagkatalo ni The Desert
Storm sa kanyang professional boxing career.
At alam ko,
napakasakit palagi ng first time. Mas lalo na kung sa usapan pa ito ng sports,
bugbog-sarado ka na nga, napuruhan ka na nga lahat-lahat, tapos okats ka pa.
Ang saklap
naman nyan, ‘di po ba?
Ano kaya
maaring matutunan ni Bradley mula dito? Balita raw ay naghahamon pa yata ng
pangatlong pagkakataon (aba, seryoso?).
Siguro,
kailangan nyang mag-adjust din ng fighting style pag kaharap ang mga
matitinding southpaw fighter tulad ni Pacquiao. Sinasabing nakakaturn-off daw
ang fighting style ng Kanong boxer. Oo nga naman kasi, suntukan ang usapan, ‘di
ba? Hindi yakapan. Saka parang hindi bagay tignan, kung magpapaka-racist ka sa
tingin (kaya, di ko na rin dudugtungan ang statement na ito. Bad yun. Sige ka).
Pero para
naman sa parte ni Pacman, sinasabing magtatagal pa raw siya sa loob ng ring ng at
least, dalawang taon. Sabagay, walang masama dito. Yan ay kung magpo-focus siya
sa mundo ng boxing.
At yan ang
problema. Hindi lang isang atleta ang tinagurian nating pambansang kamao. Isa rin
siyang entertainer (kaya sa totoo lang, hindi lang sa professional wrestling,
football at ultimong basketball applicable ang katagang “sports entertainment”),
at kongresista. Maliban pa yan sa pagiging endorser, asawa, ama, at anak. Sa madaling
sabi, all-around ang lolo mo.
Mas okay
rin pala kung isama mo ang ermat mo sa laban. Moral support, ika nga. Never mind
her antics. Sino ba naman ang gusting Makita na natatalo ang anak nila. Kaya nga
andyan sila sa ringside para mag-cheer eh.
Yun nga
lang, sa panahon na masyadong maputakte ang mga netizens, eh good luck na lang
kung sa ssusunod na araw ay mapag-usapan ka. Either laman ka ng isang internet
meme o topic sa mga discussion forums at Facebook pages.
Ika nga, “IKAW
NA!!!!” (with matching Boy Abunda voice).
Pero,
masasabi bang final answer na ang laban na tinaguriang “Vindication?” Oo. Yan ay
kung gusto na nila makamove on. At isama mo na rin ang mga fans na pustahan ay
nagsawa na ring pag-usapan ang paksang ito bago mag-Semana Santa.
Tama yan.
Tutal alam na rin ng mundo kung sino talaga ang matibay, sino ang nanalo at
kung sino ang mas mayabang pagdating sa trash-talkan.
O ano? Move
on na ha?
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!