Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 May 2014

Don’t Mess With Media

5/21/2014 4:09:51 PM

Isa yan sa mga pinakamagigiting na makakalaban mo sa buhay. Isa yan sa pinakamatitindi. Sila ang nagseset ng trend sa ating lipunan. Sila ang nagkunundisyon ng utak ng bawat taong nanunood, nakikinig at nagbabasa (unless kung totally abstain ka sa kanila at piniling maging hipster).

Oo, ang tinagurian nilang fourth estate – ang media.

Kamakailanlang ay isang pahayagan ang naglabas ng listahan ng mga media “payout,” o mga personalidad sa media na binayaran diumano ni Janet Lim-Napoles.

At paano nasagap ito ng Philippine Daily Inquirer? Parte ito ng samu’t saring mga personalidad mula sa iba’t ibang hanay, paritkular sa pamahalaan.

Mula rito, ay iilang mga pangalan ang nadawit, mula sa ilang radio reporter hanggang sa mga TV anchor at executives. At kung magse-specify tayo ng ilan, yan ay sila Mike Enriquez, Korina Sanchez, at Luchi Cruz-Valdes.

Ayon na rin yan sa ulat ng reporter ng major daily na yan na si Nancy Carvajal noong Linggo.

Tahasang dineny ng mga nabanggit na personalidad ang mga alegasyon. May mga kanya-kanyang statement rin sila. Binackupan pa ng kanilang mga network.

Kaya sa totoo lang, hindi ka dapat basta-basta makikipagbanggan sa media. At hindi ko ito sinasabi dahil sa isyu ng yabang asta. Hindi naman kasi lahat ng mga tao dun ay ipinapangalandakan ang pagiging media nila.

Pero what if kung isang malaking broadsheet ang nagsisiwalat ng balitang ito? Hindi na bago ito eh. Sa nakalipas na mga taon at buwan ay nagiging kontrobersyal ang mga balita ng Inquirer. As in daig pa nila ang tabloid kung magdeliver.

Maalala nyo ba kung bakit naechapwera sa kanila ang Pugad Baboy matapaos ang halos tatlong dekada ng pamamayagpag ng comic strip sa kanila? May media payout din na may kinalaman dito ang naisawalat nung nakalipas na buwan.

Ang dating ba ang sila ang may ‘niche?’ Game-changer ba ang peg?

Ewan. Pero kung malalaking network ang kalaban mo, good luck. Patibayan na rin yan ng pride, ratings at kredibildad (eh?).

Sa mga naganap, ano ‘to? Magkakaisa (as in’co-exist’) na ba ang network para sa adhikain nila laban sa PDI? Sa ngalan ng patas na pamamayahag? Sa interes ng publiko na audience nito?

Don’t mess with the media? Oo, dahil mahirap kalaban ito. Ang lawak ng kapangyarihan ng media. Kaya ka nitong i-build-up at sa parehong pagkakataon, kaya kang patayin sa sindak. Make or break, ika nga.

Mas malawak pa nga ito kung ikukumpara sa internet at social media eh. Dahil ang taga-media, magsabi lang ay kapani-paniwala na for nine times out of ten. At kaya nila itong back-upan ng “impormasyon.”

Teka nga: Sa kabilang banda, si Napoles nga ba nagsabi nito? Dahil kung totoo ang spekulasyon, aba’y good luck na lang sa kanya. Nabahiran na ang reputasyon mo, ateng, mula pa noong pumutok ang isyung yun. Nahusgahan ka na, hidni nga lang ng nakapiring na Libra, kundi ng mga tao. Tapos, ito pa ang pasasaringan mo? Naku. Patay tayo dyan.

Pero, hindi raw. Kasi ito’y galing sa mga files ni Benhur Luy. At nililinaw naman yata nila na hindi necessary na sangkot ang mga pangalan na nakasaad sa listahan at bagkus ay parte lamang ng mga transaksyon ni Benhur Luy regardless kung sangkot sa scam mismo o may iba pang transaksyon.

Naku. Kumukumplikado na ang kwentong ito ah. Pero kaabang-abang siya. Pramis.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!