5/5/2014 8:30:42 AM
So may bagong balita na raw sa kanila, ano? Nahuli na raw si
Cedric Lee, pati yung isa sa nga kasama nilang si Zimmer Raz noong isang lingo
habang patakas kuno sa Samar.
At ilang araw matapos ang "nagbabagang balita" na yun, ay sumuko naman sa Camp Crame si Deniece Cornejo.
Eh kaso, ano naman ngayon?
Ano na ang mangyayari sa atin? Magiging national item na
naman ba ito, kasabay ng mga balita ukol ay Kris Aquino, ang panukalang gawing
state witness si Janet Lim-Napoles (eh?), ang pagbisita ni President Obama ng
Estados Unidos sa ating bansa, at ng kung anu-ano pa.
Oo, ultimo ang The World Tonight, ang isa sa mga
pinakapremyadong newscast na kilala dati sa pagtukoy sa mga lehitimong
“national issue,” nagging top story ‘to eh.
Pambihira naman oh.
Nahuli na si Cedric Lee, eh ano ngayon? Mapipilitan na bang
sumuko ang dating chicks na si Deniece Cornejo nito, bagay na pinapanawagan ng
kanyang lolo? Oo, itsura pa lang, chicks nga. Yun nga lang, dahil sa nangyaring
iskandalo na kinabibilangan talaga niya, ni Lee ant ng actor na si Vhong
Navarro, samahan mo pa ng trial publicity, eh talaga namang nagbago na ang
tingin ng mundo sa kanya.
Pero, alam mo, sa panahon na inupdate ko ang post na ito ay
nahuli na rin sila eh. At gumugulong na ang kanialng teleserye sa hukuman.
Taray, baka daig n’yo pa ag programa ni Atty. Jose Sison nyan ah? Pero tangina
naman. Ano naman ngayon?!
Nahuli na sila. Eh ano ngayon? Aamin ba ang gago? Asa.
Nakangiti pa yata nung humarap sa camera eh. At kung ano ang kliyente, ganun
din ang abugadang datingan ah. Naalala ko kahit na sobrang urat ko sa isyung
‘to, basta pag si Howard Calleja ang nagsasalita, eh di mapigilang mag-init ang
tao (malamang, nababasa ko pa rin sa Facebook posts ‘to eh. Mabuti sana kung
kayang i-filter muna ang mga pst na may kinalaman sa isyung ‘to bago i-hide).
Nahuli na sila. Eh ano ngayon? Tingin n’yo ba mareresolba
ang isyung ‘to? Asa. Dahil para lang itong paborito mong teleserye na
magkakaroon pa ng mahaba-habang twist para lang ma-prolong ang kwento (kahit
wala naman kwenta talaga, in fact). Pambihira yan, ayos din ang mga “spin doctors”
ng tatlong stooges na ‘to e no?
Nahuli na sila. Ang tanong, garantiya ba na mapapakain na ng
tatlong beses sa isang araw ng mga Pinoy? Mapapapalamig ba nito ang
nagdidiliryong init sa ating lugar? Magkakaroon na ba ng matiwasay na internet
connection ang Pilipinas? At higit sa lahat…. Kikita ba tayo dito?
Nahuli na sila. Eh kaso, ano ngayon? Kung siya ay nahuhuli,
eh bakit hindi nila ito magawa sa mga mas higit na most wanted criminal sa
atin? Yung mga talagang pinaghahanap ng batas mula kay Palparan hanggang sa
mag-utol na Reyes? Ano ‘to, palpak lang sa plano na magtago sila Lee sa kabila
ng national spotlight na binato sa kanila na parang ang datingan ay naging
Philippines’most wanted na rin sila?
Buti pa nga yung nantrip kay Kae Davantes last year, e
nakalaboso din kahit may reward na 2 milyong piso mula sa Malakanyang eh,
partida – hindi pa sila kabilang sa Most Wanted.
At buti na lang, hindi na rin masyadong pinansin ng national
administration ang balita kay Lee, dahil at least pinagmukha nilang tanga sa
puntong ito ang national media, na laging inii-sccop ang mga senseless na
balitang tulad nito.
O siya, ano na? Nahuli na siya. Tama na ang kagaguhang ito. Move
on move on din pag may time.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight
productions
Agree. Di nagtino mga tao OUT OF CONTROL pag chismis
ReplyDeleteLol ;) i fully agree with you.
ReplyDelete