5/15/2014
7:42:43 AM
Sa panahon
ngayon na malaya tayo magsalita, isang bagay ang kikitil sa ating karapatan:
ang libel. Pero paano nga ba sumagi sa isipan ng mga tao sa social media at
blogging ang usaping ito? Mula lang naman noong ipinasa ang Republic Act 10175,
o mas kilala bilang Cybercrime Prevention act of 2012.
Oh eh ano
naman kung may libel?
Criminal
offense yan; meaning, kaya ka niyan ipakulong pag nakagawa ka ng isang gawain
na magdadala ngepekto ng defamation sa kapwa mo.Actualy, kahit simpleng
pangaasar ay posibleng counted din, depende sa intesyon at manner.
At ito ang problema: kung aayon sa mga lumang balita, bahagi pa raw ito ng 1935 constitution (ha? talaga?!). Ibig sabihin, sobrang luma na. nagka-World War 2 na, lumaya na ang bansa mula sa kamay nila Uncle Sam, nagka-Martial Law at nagkaroon na nga ng bagong malayang republika lahat-lahat, criminal offense pa ring maituturing ang libel.
At may kaukulan itong parusa na prison correctional at multang umaabot mula 200 hanggang 600 piso, ayon yan sa Philippine Libel Law. At baka sa malamang, mas harsh pa ang penalty na nakasaad sa Cybercrime Act.
Pero ito siguro ang magpapatotoo dyan: hindi maaring matanggal ang clause ng online
libel at ang pinakaposibleng resort na lamang ay pagdecriminzalize sa naturang kaso.
Isipin mo
na lang kasi, kung criminal offense ang libel, maraming nilalang mula sa lebel
ng akademya hanggang sa mga patapon ang buhay ay makukulong. Eh kulang na nga
tayo sa kulungan eh.
Kung isang
krimen ang libel? Baka wala nang magpe-Facebook, o Twitter. Dahil lahat takot
na maghayag eh. Parang ang dating ay nasa lumang tipan tayo.
Para na rin
tayong sinampal ng isa sa mga stipulasyon ng Miranda rights, na alinman ang
sasabihin mo ay posibleng gamitin bilang preba o ebidensya laban sa iyo.
Asus, parang
ang dating din ay dapat ay napakakumporme naman natin. Parang dapat magkakaisa
tayo sa pananaw (okay sana, kaso di basta-basta mangyayari yan), at ito ang mas
masaklap – dapat ang alinmang iwiwika natin ay makapapagpa-please sa iba,
particular sa otoridad. Bagay na tahasan kong inaayawan, hindi dahil sa against
ako sa kasalukuyang pamamalakad, isang rebelde o makakaliwa (dahil hindi naman
ako ganun), pero dahil sa katotohanan na “you can’t please everyone.”
Dapat nga
isulong ang pagdecriminzalie ng libel. Gawin nalang itong sibil. Dahil kung
hindi, maraming magiging nasa piitan, marmaing maluluging negosyo (anong konek?
Pag ang isang empleyado ay nagpostng pagkadismaya sa kanyang trabaho dala ng
stress, baka masabing e-libel yan), luluwag nga ang trapik pero bad problem
naman na maituturing yun sa hanay ng populasyon, maraming magkakaroon ng
derogatory record sa kanilang NBI clearance, at kikita nga ang piskalya
pagdating sa pag-impose ng fine peromabuti sana kung uunlad naman ang Pilipinas
pagdating sa mga proyekto (eh paano kung may mga ungas pana tiwali? Patay tayo
dyan).
At
anti-poor maituturing ‘to ha? Sa multang dalawang daang piso sa libel (o mas
mataas kungsa cyber libel), hindi basta-basta pinupulot ang pera, ‘oy!
Saka let’s
face it: media lang siguro ang posibleng maisalba ng libel, pero hindi ang mga
modernong media tulad na lamang ng mga tao sa social media at mga blogs,
considering na may mangilan din na gago dun ay walang kaalam-alam sa basic
ethics particular ng journalism.
On the
downside, yan din ang dapat matutunan ng mga mokong na ‘to.
Pero still,
dapat madecriminzalize ang libel. Dahil overall, in a long-run, hindi magiging
maganda ang turnout kapag pinagpatuloy nila ang uugod-ugod na sistemang ‘to.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!