Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 May 2014

Mag-rehistro Din Pag May Time

5/24/2014 5:47:53 AM

Isa sa mga pinaka-karapatan nating mga Pilipino ang bumoto, o maghalal ng isang tao na karapat-dapat na maging representante natin sa pamahalaan (dahil isa tayong malayang lipunan, este, demoratikong republika), at ito ay naisasagawa sa pamamgitan ng mga elesyon, o sa ibang termino sa kaparehong wika ay halalan.

Kaya naman kamakailanlang, noong simula ng buwan na ito ay inulunsad muli ng Commission of Elections ang registration para sa darating na 2016 Presidential Elections.

Maaga ba? Actually, okay na rin yan, para may mahaba pang panahon para gugulin ang mga tao para malaman nila ang proseso para sa maiexercise na rin nila ang kanilang right of suffrage.

Mahaba pa ang period na ‘yan, dahil tatagal ang voters registration hanggang Oktubre 31, 2015. Bakit hindi sinagad sa 2016 mismo? Ewan ko, maliban pa yan sa kadahilanan na yan din ang mandato talaga ng batas ukol sa eleksyon.

Isipin mo naman siguro, kung ganun, baka sobrang gahol na rin ng COMELEC dahil sa mga darating na mga buwan at lingo ay magpaparehistro din ang mga kalahok hindi lang bilang mga botante, kundi bilang isa ring mga kalahok. At may panahon pa ng kampanya.

Pero balik tayo sa registration period. Okay na nga yan eh. At take note, ha? Bukas nga ang ilang opisina nila twing araw ng Linggo. Bakit hindi Sabado? Aba’y ewan ko. Basta, yan ang dikta ng COMELEC. At least, wala kang lehitimong excuse para sabihin na hindi ka nakapagparehistro (maliban na lang kung kapani-paniwala ang mga idadahilan mo).

At para maiwasan na rin ang sakit ng karamihan na kung tawagin ay “last minute syndrome.” Yung tipong pa-last minute na lang tayo humihirit. Pag nalate, magmumukmok pa tayo at mag-aapela.


Ayos din tayo, ano po? Parang mga gago lang kasi.

Hindi raw tayo informed. 


Ganun ba? O baka naman tamad lang din kasi tayo makialam? Aminin!

Marami siguro ang isyu ng pamumultika d’yan tulad  na lamang ng paghahatak ng mga botante. Kaso dahil marami ring butas ang mga naturang batas na may saklaw d’yan, malamang, mananatiling legal yan kahit sa mata ng mga may delicadeza, hindi. At hindi mo rin masasabi na dirty game yan. Baka birahin ka lang ng “mas maalam lang kami talaga,” habang ikaw, NGANGA.

Pero, tol. Magparehistro ka naman habang may oras pa. Kahit mahaba pa ang anahon mo, hindi mo masasabi.

At bakit mo kailangang gawin ‘to? Kahit sa totoo lang ay pag natapos na ang eleksyon ay kung sinu-sino na lang na taliwas sa mga ideal na pultiko ang gusto nating ihalala ang mga nananlo at tuluyang nahahalal?

Simple lang: at least, ginawa mo ang parte mo. Pinatuyanan mo lang na isa kang mamamayan ng Pilipinas at kahit papaano, sa kabila ng pagje-jaywalk mo at hindi pagtapon ng basura sa dapat tapunan na lugar at paglalalagay mo sa mga traffic enforcer, ay minsan rin masabi mo na “minahal ko naman ang bansang ito, kahit ang sakit-sakit na! Sobra?!”

Ows, heart-broken ang peg?! Talaga lang ha?

At dahil nagparehistro ka at bumoto ka, MAY KARAPATAN KANG UMANGAL.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!