Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

19 May 2014

Nag-Away Na Naman Sila! Eh Ano Ngayon?

5/15/2014 8:08:37 AM

Hay naku. Nag-away na naman for the nth time ang Barretto sisters. And as usual, pinink-up naman ito ng national television.

Kaso… ang tanong: e ano ngayon?

Masyado na naman silang umaalingawngaw sa balita. Wala itong pinagkaiba sa development ng isyu sa pagitan nila Vhong Navarro, Deniece Cornejo at Cedric Lee na kung saan ay kaliwa’t kanan din ang feed ng mga malalaking istasyon ng telebisyon sa pamamagitan ng kanilang newscast.

Nag-away na naman sila. Sumbatan ng isa na may sayad daw, tapos may nakawan, at kung anu-anong anggulo na naman ang nagsisulputan na parang basic storyline lang naman ng paborito mong teleserye – pa-ikot-ikot na lang.

Alam ko, naghahanap-buhay lang ang mga showbiz reporter (kahit hindi halata sa mga looks nila dahil dalawa sa mga ‘to ay… shet, hot). Kumakayod para may maibalita sa mga kapitbahay mong tsismoso at tsismosa, at yung receptionist sa kumpanya n’yo.

Kung mas may higit na kasalanan dito, yun ang yung mga tagasala, pati mga editor. Alam na nga nilang basura lang ang laman ng balitang yan, ipapain pa sa mga basurero’t basurerang audience nila. Kung seryoso sila sa adbokasiya ng pagpukaw ng tiwala, tunay na serbisyo, at kilos pronto ora mismo’t reaksyon, alam ng mga ‘to ang mas mahahalaga pang isyu na dapat pang talakayin.

At baka kahit sila mismo ay hinding-hindi papatol sa mga isyung yan.

Oo, dahil ba nakakabagot na ang pork barrel scam? Dahil ba wala tayong makitang good news sa paligid? Dahil sa katotohanang “good news are not news,” at yung kasabihan na “controversy sells cash?”

Sa totoo lang, mas mabuti pang ibalato na lang ang mga kabuoan at development ng sigalot na ‘yan saga showbiz oriented shows, regardless kung araw-araw man ito o twing araw ng Linggo. Mas okay pa yun, package na ang datingan, o parang weekly sitcom.

Truth is walang kaming pakialam kung nag-aaway ang mga mag-utol na yan. Dahil wala namangmasyado magbebenefit sa kanilang isyu eh. Mabuti sana kung dadami ang mamumuhunan sa ating bansa, kung bababa ang presyo ng pasahe at gasoline, eh pustahan tayo – for the ratings lang din naman na ito eh.

At isa pa: wala itong pinagkaiba sa awayan ng ordinaryong magkakapatid – may emosyong pinaghuhugutan, may dahilang malalalim kahit mukhang mababaw, at matatanda na rin sila. At kung mayroon man, yan ay dahil prominente sila. Meaning, kilala, ay prominence; at isa sa mga element ng pagigign “news worthy” ay prominence.

Siguro, panahon na rin para ayusin ang standards sa pag-screen ng balita. Parang promince to a certain degree lang.

Ano ba implikasyon nito? Na para silang mga tanga sa harap ng camera at newscast (dahil sa edad nilang yan ay nagsusumbatan pa sila sa national television)?

Patunay lang ba nito kung gaano kapabaya ang magulang nila? (Pero unfair na sabihin yun, dahil wala tayong kaalam-alam sa kwento nila, maliban na lang kung isa kang veteran showbiz insider at sinusundan mo ang buhay nila sa loob ng ilang taon at dekada)

O kung gaano ka-ampaw ang taste natin (generally speaking)? Mahilig tayo sa mga nag-aaway eh. Obvious naman, ‘di ba? Kaya nga tinatangkilik natin ang teleserye para makakita ng sampalan, action movies para sa barilan, at ultimong combat sports para sa pisikalan.

Dapat siguro may i-impose na “media blackout” pagdating sa mga ganitong klaseng isyu, tulad na lamang ng ginawa ng Amerika nun kay Paris Hilton. Seryoso, nakaka-sayang lang eh. Nakakaburat.
Tama na ang sobrang publicity. Ikakasira lang ng career n’yo yan eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Opps, nag-away na naman pala ang Baretto sisters. Nakakaumay na nga ang balitang ito. Di sila magandang ehemplo sa mga kabataan. Away-pamilya ay inilaladlad pa nila sa publiko. Pero pamainsan-minsan, kailangan din natin ng ganitong mga istorya, ice breaker lang. Nakakahilo na rin kasi kapag pero balitang pulitika. Pero sa kaso ng Baretto sisters, wala namang bago.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!