09/05/2014
12:45:23 AM
Ang Pilipinas
ay ang bansa na may pinakamabagal na internet connection sa buong rehiyon ng
Timog Silangang Asya.
Pero, ano
naman bago sa mga ito? Masyadong bang evident para pag-usapan ito?
Oo naman,
sa panahon na 20 taon na ang internet sa ating bansa (at take note, hindi sa
Maynila ang pinakaunang lugar sa Pilipinas na nagkaroon ng internet. Saan kamo?
Sa bandang Cebu lang naman), di ba nakapagtataka kung bakit nuknukan pa rin ito
ng bagal?
Kaya nga
ultimo ang isang senador ay gustong pagpaliwanagin ang mga telecommunications
company ukol dito.
Pero huwag
kang masyadong mareklamo d’yan. Alam ko, at alam mo, at alam natin lahat na isa
na sa ating basic human necessities ang internet connection. Actually, mali,
parte na nga ng basic human needs or rights na nga yun eh.
Dahil dito
nahuhubog natin ang kaalaman na mas higit pa sa mga tinuturo sa atin sa
eskwelahan. Sa pamamagitan ng internet ay nagagawa natin na gumawa ng ugnayan
sa ibang tao, partikular sa mga taong hindi naman natin kakilala talaga. Sa
madaling sabi, mas natutuklasan natin ang mundo gamit nito.
Pero
mabagal pa rin ang Internet connection sa Pilipinas? Sing-taas na bang national
level ang isyung ito? Sigurado bang pag pinag-usapan ito ay hindi masasapawan
ang pork barrel scam, ang walang kamatayang kaechusan ng three stooges, at
ultimong pagyayabang ni Kris na mas lamang ‘daw’ ang pelikula ng kanyang anak
kesa sa unang installment ng The Amazing Spider-Man?
Actually,
hindi. Dahil kung magpapakatotoo lang naman tayo ay hindi lahat ng tao ay may
ganap na kaalalaman sa internet. Bagkus, ang iba pa nga ay wala ring interes na
pag-aralan ito. Sa madaling sabi, dahil sa maraming ignorante at marami ring
makikitid ang utak at piniling pairalin ang kamangmangan kesa sa lumevel-up ang
kanilang pagkatao, yan din ang dahilan kung bakit hindi ganun katas ang demand
ng intenet sa atin.
May
kinalaman din ba ang mga negosyante ukol rito? Dahil sila ang nagpo-provide
nito eh. Hmmm, maaring sabihin, pero mahirap rin ito patunayan. Dahil alam
naman natin lahat na gusto nilang kumita. Pero hindi naman siguro lahat ng negosyante
ay magpapakagahaman at bagkus ay gusto rin naman nilang makita na inieenjoy ng
mga customer at kliyente ang kanilang mga produktong inangkat sa merkado.
Pero dahil
kulang nga tayo sa demand, kung ikukumpara sa mga kapitbahay natin, hindi
basta-batsa lelevel-up ang kagustuhan natin na magkaroon ng maganda-gandang
internet connection. At pustahan tayo, pag may isang kumpanya na nagalok ng
nuknukan ng bilis na serbisyo nito, mapapamahal ka. At siyempre, kapag marami
na ang sumunod sa uso dito, babagal din yan. ‘Di mo ba yan napapansin nun sa
advent ng mga DSL connection at ultimo mga mobile broadband (yung mga nasa USB
lang?).
At ito lang
din, alam ko mahal ang binabayaran natin sa tila kakarampot na bilis. Pero, yan
din ang realidad. Isipin mo, sa mga bansa na umuunlad, kung mataas man ang
sahod nila, mataasdin ang gastusin nila.
Ika nga ng
Evolution, “either you adapt, or you perish.” Anong konek, aber? Malamang,nagbabago
ang lifestyle eh. Either susunod ka or else... kung hindi, good luck naman sa
buhay mo, lalo na kung wala kang disiplina bilang tao.
Halos sama
analogy lang siya kung ikukumpara sa mga OFW na nagpapadala ng pera sa ating
bansa. Akala mo ang yaman ng tropa okamag-anak mo para padalhan ka? Wag kang
umasa ‘uy! Maaring kumita siya ng singkwenta mil (converted na sa Philippine
Peso), pero mataas din ang gastusin dun.
Anyway,
balik tao sa usapan. Katulad nga ng sinabi ko, kung maraming tao ang
magpapakita ng kagustuhan na maging intelektwal omaging simpleng maalam na tao
langpagdating sa internet, baka dyan tayo uusad.
Huwag nga
lang tayo maghintay ng 20 taon o higit pa, para mangyari ito.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!