Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 May 2014

Pabiling VIP Ticket!

5/23/2014 6:06:50 PM

Isa sa mga naglalagablab na headlines nitong nakaraang Biyernes ay ang pagiging mabenta ng mga VIP tickets ng konsyerto ng European boy band na One Direction sa ating bansa sa susunod na taon.

Oo, sa sobrang mabenta niya, marami na namang umalma dahil naubusan sila. Partida, nagpa-morningnan pa sila.

Well, ano pang aasahan mo? What can you expect? Eh sa totoo lang, pagdating sa mga bigating event, lokal man o international ang mga tampok na magsisiganap, ay talaga namang nagkakaroon ng mga ganitong senaryo? Bakit kamo? Simple lang: malawak ang fan base eh. Ibig sabihin, maraming taga-suporta.

At walang masama dun. Este, sorry, wala sanang masama dun.

Bakit may sana. Ito ang problema eh: kung tutuusin, walang kasalanan ang mga organizer o ang artista mismo, kahit makipag-argumento ka pa ukol sa pagkakakilanlan nila. Kung may mga “may saltik” sa sitawasyong yun, mga fans na yun.

Hindi dahil sa demographics nila (na obviously, karamihan ay mga babaeng tinedyer),kundi dahil sa mga ugali nila pag nagpa-“fan mode” sila. Kung aayon ka sa mga ulat, tulad na lamang ng, ugh, paborito kong newscast na “The World Tonight,” karamihan sa kanila ay ganito ang ginawa:
  • Biyernes pa ang pilahan, pero Huwebes ng umaga ay nakapila na sila. 
  • Minsan lang nagkasingitan sa pila, kaso sunod-sunod na ang singitang naganap pagkatapos ng nauna.
Alam ko, walang masama sa pagiging masugid na tagahanga. Kaso sabihin n’yo nga sa akin kung tama ba ung mga nabanggit na gawain d’yan, patikular na yung pangalawa.

Yung una kasi, medyo considerate pa eh. Yun nga lang, sasayangin mo ang isang araw mo kakahintay kung sana ay nagpapakamatakaw ka na lang tutal malapit nang matapos ang maliligayang araw mo? (Relax, hindi kamatayan ang tinutukoy ko, kundi katapusan lang naman ng iyong summer na bakasyon)

May pera sila eh. Okay, given. Kaso kung nasold-out na, la tayo magawa dyan: huwag ka na lang magngawa sa Facebook at Twitter mo ng sobrang pagakainis sa hindi pagkakuha ng ticket dahil:
  • Una, ang dami n’yo (kaya obivously, hindi ka nag-iisa). 
  • Pangalawa, walang pakialam ang kalahati ng mundo sa pagbubungisngis mo (naubusan ka ng ticket? Eh ano ngayon?! Ikamamatay mo na ba yan?). 
  • Pangatlo, masyadong maikli ang buhay para maging “fan” ka lang. 
  • Pang-apat, marami pang options. Hindi mo pa katapusan, tignan mo ngang hindi nagunaw ang mundo eh.
In connection sa pang-apat, dapat nga sa halip ay magpasalamat ka na lang eh. Isipin mo kung gaano mo kamahal ang boy band na idol mo, kaya natuto ka rin kung gano magpahalaga ng pera. Sa ganung kahalaga, igagasta mo para lang sa ilang oras na panunood mo? Matapos ang mahaba-habang panahon na pinag-ipunan mo pera mo. ‘Oy, hindi biro yan ah. Limang digits yan, hija (15 libong piso ata). Baka nga sing-halaga na yan ng isang quarter ng tuition fee mo eh.

Oo, magpasalamat ka na lang din kasi at least, kahit bata ka pa ay nakaipon ka. Buti ka pa nga eh, ‘di tulad ng mga kabaro mo na waldas lang nang waldas ng pera sa pagbubulakbol at pakikipaglandian.

At dahil maraming options naman tulad na lamang ng online selling ng mga iba pang available na ticket, ay kahit papaano ay medyo may pera ka na.  

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. Slickmaster, alam mo na ba yung tungkol sa isang Directioner na pinatay daw ng ermats niya dahil pang-tuition yung pambili niya ng VIP ticket?

    ReplyDelete
    Replies
    1. apparently, tinignan ko ang post na yan matapos kong basahin ang comment mo na ito.

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!