Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

22 May 2014

Sa Sobrang Init Ngayon…

5/22/2014 7:32:15 AM

Ang init nga naman, ano? Abot singit, ika nga ng isang pauso linya noon.

Pero, grabe lang. As in napapamura ka na lang ng malutong sa pagkainis mo. As in “Putangina naman! ANG INIT!!!!” Siyempre, nagiging intense ka rin.

Hindi makakaila na iba na talaga ang panahon noong sa panahon ngayon. Parang nung ilang summer lang ang nakalipas ay hindi naman ganito kasukdulan ang nararamdaman mong init di ‘ba?

Ang init! Sobra!

Alam ko, alam mo, at alam na natin yan. Since day 1 of the summer era this year pa.

Ngunit ito ang mas masaklap. Ika nga ng kasabihan, lahat ng sobra ay nakasasama. Oo, kahit sa sobrang init pa ang usapan (at maliban sa iilan, sino nga ba matututwa dito?).

Sa sobrang init ngayon, masarap na lang magbabad sa tubig. At hindi counted ang mga hot spring dito tulad ng nasa Pansol, Calamba, Laguna ha? Oo, aminin mo: sa sobrang init, masarap magbabad sa banyo at maligo na lang buong araw.

Sa sobrang init, nakapanlalata na. As in ilang saglit o minuto ka nga lang yata nakatayo habang nagaabang sa jeep na sasakyan mo ay tumatagatak na ang pawis mo mula ulo hanggang sa likuran. O baka nga kahit saglitka lang nakatayo habang nakapili para kumuha ng ticket sa MRT eh. Ang dyahe nga lang kung job-hunter ka. Nakapormal ang damit mo, pero pagpasok naman sa kumpanya na mag-iinterview sa ’yo ay haggard na haggard ka na.

Sa sobrang init ngayon, ang sarap magkulong sa freezer. Oo, lalo na kung hindi pasasapat ang electric fan mo sa bahay. Oo, sarap magpalamig lao na kung wala kang pambili ng halo-halo, palamig, o ice cream. Pero siyempre, kung medyo galante ka...

Sa sobrang init ngayon, ipa-aircon na lang ang buong Pilipinas. Parang kada bahay at gusali na lang, lagyan ng air conditioning unit. Pero kung masarap man ang ganito, good luck na lang din sa bayarin mo sa Meralco dahil alam naman natin lahat na sa mga panahon ding ito mas maraming nakokansumong kuryente ang mga tao. Isa pa, maganda sanag panawagan ito lalo na’t nasa isang tropical na bansa tayo. Pero, yun nga ang problema eh. Hindi lang gastos, nasa nature ng lugar natin ang pagiging mainit.

Sa sobrang init ngayon, maraming nagkakasakit. Yan pa ang masmasaklap: sa panahon ngayon na (ika nga na rin ng isang multivitamins supplement) bawal magkasakit, tila hindi na maiwasan ito. Hindi dahil sa  marami tayo kung sa pouplasyon ang usapan, pero dahilna rin sa nagbabago na ang panahon talaga. Akala mob a twing taglamig lang uso ang mga sakit tulad ng ubo at sipon? ‘Di rin. Minsan nga, masuso ang trangkaso sa panahong ito. At kung hindi mo pa yan maagapan ay…

Sa sobrang init, nakamamatay ito. Oo, daig pa nya ang nagje-jaywalk sa mga lugar na ipinagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Yung may placard pa na “bawal tumawid. May namatay na dito.” Nakamamatay nga naman ang init dahil sa tinatawag na heat stroke. Kaya nga kung napapansin mona nagkakalagnat ka, ‘di ba? Hindi ka naman lumalakas kapag mainit ang katawan mo (maliban na lamang kung kalibugan ang laman nyan).

Sa sobrang init ngayon, ang sarap lang maghubad. As in halos wala kang saplot sa katawan, dahil kapag meron ka ngang suot ay nanlalata ka rin naman maya-maya. Aminin nyo: minsan, ang isang tanghali o hapong nuknukan ng malaimpyernong init ay hindi sasapat para labanan ang antok na nadarama mo, kaya kung matutulog ka na nga lang sa kwarto mo ay tatlong bagay ang ginagawa mo: ang bintanang nakabukas lang ay nasa itaas na bahagi (dahil pag binkusan mo yan lahat ay instant exhibit a la FHM, Playboy, Uno o Cosmopolitan ang peg mo, plus marami pang makakaboso nyan sa ‘yo), nakatodo ang electric fan (o air-con) mo, at nakaundies ka lang (or kung hindi mo matiis, literal na nakahubo ka). At ito nga lang din ang suliranin dyan:

Sa sobrang init ngayon, maraming maglalandian dyan. Mas applicable nga lang kung nasa beach ka. Siymepre, daming nakabikini eh. Sinong hindi mag-iinit, maliban na lang kung: una, may kups, este, jowa ang pinagpapantasyahan mong tsika; pangalawa, kung hipon siya (alam ko, habol mo lang dyan ay katawan, pero siyempre naman, hahalikan mo pa rin yan no); at pangatlo, kung pangit lang talaga siya, hindi lang sa mukha, kundi pati na rin sa katawan. Kung nuknukan ba ng taba o sobrang anorexic na n’ya.

And therefore, I conclude na sa sobrang init ngayon, maraming nag-iinit at marami ring mag-iinit. Oo, maraming nag-iinit dahil ang init na nga, kalbaryo pa ang pinagdadaanan mo, mula pila sa pagkuha ng NBI clearance hanggang sa pagsakay sa MRT hanggang sa trapiko sa lansangan, hanggang sa pagpila sa enrolment. Oo, sa sobrang init, marami rin ang iinit talaga ng ulo. Come to think na karamihan sa mga pagkakataon na nagagalit tayo ay dala ng naglalagablab nating emosyon. Kaya nga lagi tayong nasasabihang “mainit ang ulo” pag nagagalit tayo at particular pag nagmumura tayo ng napakalutong, ‘di ba?

At oo, marami talagang mag-iinit dahil sa pakiramdam ng katawan nila. Bagay na hindi kayang resolbahin ng panunood ng porno o pagbabasa ng mga adult content na magasin.

Pero alam mo, may isang solusyon lang dyan: yan ay… maligo ka. Init lang yan, ‘tol. Ligo-ligo din kasi pag may time.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!