5/15/2014
7:11:36 AM
Isa sa mga
kalbaryo na kadalasan nating pinapasan ay ang klima. O kung hindi mo ma-gets,
temperatura.
Aminin man
natin o hindi, lagi tayong nagrereklamo pagdating sa mga panahon. Hindi tayo
nasa-satisfy. Pag dumatin ang malalamig na buwan, katulad na lamang ng
Disyembre, Enero at ultimong Pebrero, nagrereklamo tayo sa paglamig.
Samantala
naman pag dumating ang mga buwan ng Marso, Abril, Mayo at ultimong Hunyo,
nagrereklamo naman tayo sa pagiging “mainit.”
At di lang
yan, sa mga natitirang buwan, sa pagdaongng mga bagyo, nagrereklamo pa rin
tayo. Either dahil umuulan, o sa aftermath nito: matapos ang ulan ay mainit pa
rin, o maari rin na sa sobrang lakas ng ulan ay malamig na.
At yan ang
problema: sala tayo sa init at sala tayo sa lamig. Delikado kung mas prone ka pa
sa sakit.
Kamakailanlang,
ayon sa PAGASA ay naranasan natinang pinakamalaimpyernong init sa Kamaynilaan
sa 36.4 degrees Celsius. Halos apat na buwan lang ‘to matapos nating maranasan
ang pinakamalamig na temperatura sa 15.8
Kung sa
Maynila ay ganito kainit, what more pa sa mga lugar sa hilagang Luzon tulad na
lamang ng Isabela at Cagayan, at ultmo ang lungsod ng Cabanatuan?
At kung
noong Enero ay para tayong nasa freezer sa lamig, what more pang ang mga nasa
probinsya tulad ng sa Benguet, partikular na ang nasa Baguio?
Pero may
magagawa pa ba ang reklamo natin, lalo na kung nasa panahon na talaga tayo na
nagbabago na ang klima, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo?
Hindi na
bago ang ganito, maliban sa isang bagay: mas umiinit ang paligid, mas tirik ang
araw, mas delikado magbabad (maliban na lang kung sobrang tibay ng SPF power ng
sunblock lotion mo). Tignan mo nga, sa sobrang init ay may nagaganap pag forest
fire as ilang bundok at lalawigan.
Mas
masaklap ang maranasan ang init nanagiging mas mainit. Dahil dito, ay siyempre,
apektado ang ating behavior bilang tao. Kaya nga pag nagagalit tayo ay
sinasabing “mainit ang ulo,” ‘di ba?
Wala na
tayong magagawa. Nagbabago na ang panahon eh.Yun nga lang,ang masaklpa dyan ay
sa mga susunod na buwan ay kailangan nating harapin ang katotohanan na palagi
tayong masasala sa init at masasala din sa lamig. At obvious na ito kung isa
kang nagtatrabahong nlalang na nasa field palagi. Susuong ka sa naglalagablab
na init para makabiyahe tapos papasukan mo ay isa namang napakalamig na
opisina.
Aba, ano
‘to, parang “training ground” lang ah.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!