5/5/2014 8:52:34 AM
Maraming haka-haka na magiging state witness raw si Janet
Lim-Napoles.
Ha? Seryoso?
Yan ay kung papayagan ni DOJ secretary Leila DeLima.
Isipin mo kasi, nag-confess ang fugitive businesswoman sa
Justice secretary nung binisita siya nito noong nakaraang buwan. Aniya, dito
niya dinetalye ang mga nalalalaman raw niya ukol sa PDAF scam. Pinangalanan din
daw niya ang tatlong senador na sila…(teka, kailangan pa ba nating banggitin
dito, eh usong-uso naman sa kamalayan natin ang tinatawag na ‘trail by
publicity.’).
Ano na lang sasabihin ng iba sa sistema ng huradikatura
natin nyan? Para namang nakaka-timang yan, mga ‘tol.
Isipin mo: si Napoles, magiging state witness?! Eh ‘di po ba
siya ang tinaguriang “most guilty person” sa scam na to na nagkakahalaga ng
sampung bilyong piso? At dahil sa most guilty siya, obvious na ang meaning nun
– siya ang may pinakapuno’t dulo ng lahat ng kagaguhan sa kasalakuyan at
pinakahuling kaganapan ng korapsyon.
At hindi counted sa argumentong ito ang magsasabi na “tao
lang naman siya. Nagkakamali din. Baka gusto niyang baguhin ang lahat.”
Pero, ‘tol. Hindi lang too late ito. At wala naman tayo sa
isang mediation o arraignment na lahat ay iaareglo na lang. Masaklap man
sabihin, ang sistema ng hudisyal natin
ay nasa sa tipikal na hatol na kung saan ay may dalawang partido, at sa huli
ang desisyon ay may isang guilty, na madalas ay nakataon sa taong nasasakdal.
Si Napoles, magiging state witness? Parang mas okay kung mas
hahatulan na lang iya ng less sentence kung sakaling maparusahan siya. At least
pag nagpakatotoo siya, pwede pa siyangma-immune, medyo okay pa. Pero dahil
maypagkakasala siya sa mata ng batas, eh definitely kailangan niyang pagbayaran
yun, sa ayaw man o sa gusto niya.
Mas marami pa daw siyang nalalaman kung ikukumpara sa mga
sinabi ni Benbur Luy, ang pinaka-whistleblower ng kontrobersiyang ito. So ang sa
lagay ba eh sinala din ni Luy angmga sinasabi niya?
Ganun? Ay, ewan.
Pero alam mo, hindi na rin kataka-taka kung ganun. Natural
na ang mga pagkakataon tulad nito na mas maalam ang mga “culprit” kesa sa
witness, dahil obviously, eh sila ang mas nakakalama ng kalokohan nila. Yun nga
lang, at the same time, alam din nila kung ano ang sasabihin nila para lang
makalusot sa batas.
Si Napoles, magiging state witness? Kung mangyayari yan,
patunay lamang ito na ang pulitika at hustisya sa ating bansa ay parang
paborito mong sitcom: as in moro-moro sila. Pwede ring WWE: as in sobrang
scripted na. At pwede ring teleserye: masyado na nilang pinapahaba ang kwento,
masyado nang predictable. At dahil sa kanila, ang buhay natin ay
nagkakandaleche-leche na. nakakatawa kung ignorante at mangmang ka sa mga
kaganapan sa bayan mo. Pero kung meron man at inili mong maging ‘wapakels’ pa
rin, alam ko, nakakadismaya talaga.
Pero alam n'yo: malabo na rin talaga mangyari yan.
At kung sakaling maging totoo man yan , as in si Napoles,
naging isang ganap na “state witness?” Putangina, parang masasabi na lang niya
sa parte n’ya ay…. “BOOM PANESS!”
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!