5/13/2014
3:07:28 AM
So nalagay
na naman sa alanganin ang National Basketball Association (NBA) matapos ang
kontrobersyal na remark mula kay Donald Sterling, ha? Siya lang naman, na
nagmamay-ari ng Los Angeles Clippers, ang nagbitaw ng isang “racist” na statement
ukol sa mga “black people,” o sa madaling sabi, maiitim.
Paano nga
ba siya na-ban sa NBA at pinagmulta ng tumataginting na 2.5 million dollars?
Ayaw n’ya
kasi pahintulutan ang kanyang gelpren na magdala ng mga ganung uri (o race) ng
tao sa kanyang mga laro. Ayon ito sa isang recording na nakuha ng celebrity
gossip site na TMZ na naglalalam ngkanilang pagtatalo ukol sa pagiging… black.
Kung di ka
kumbinsido, pakinggan mo na lang ito. Mahaba-haba nga lang, at naka-transcribe pa ‘to para maintindihan mo (kaya wag kang magrereklamo na tinatamad ka).
Sa ilang
katiting na segundo ng kabuuan na siyam na minutong recording na ‘yan naging
basehan ang lahat-lahat ng reaksyon mula sa mga NBA player hanggang sa mga
ultimong kilalalang personalidad sa larangan ng pulitka at entertainment.
Oo, ultimo
sila Snoop Dogg at US President Barrack Obama ay nabagot sa sinabi ni Sterling.
At sino ba nga naman ang hindi, lalo na’t isa sa mga adbokasiya ng NBA mula
noon pa man ang pakikibaka laban sa racism o racist discrimination?
Take note,
ha? Hindi lang sila LeBron James, Kobe Bryant, mga nagretiro tulad ni Baron
Davis, at kahit ang mga alamat ng laro na sila Magic Johnson, Shaquille O’Neal
at Charles Barkley ang mga uminit ang ulo. Dahil kahit ang mga tauhan sa
sariling koponan niya ay sukdulan ang pagkadismaya tulad na lamang ng point
guard nilang si Chris Paul at head coach Doc Rivers.
Ano ‘to, sagot ni Sterling sa isang kasabihan
noon na “white men can’t jump?”
Pero ang akto kasi ng page-generalize, at
ultimo ang simpleng akto lang ng pagdidiskrimina sa kapwa mo ay isa nang
malaking kasalanan sa lipunan, regardless kung ikaw ay sumasabay lang sa alon
tulad ng mga mainstream patrons o isa kang taliwas sa nakararami tulad ng mga
sinasabi nilang hipster. As in mas matindi pa ‘to sa ‘mortal sin’ kung tawagin,
dahil hindi lang ito base sa relihiyon kundi sa pangkalahatang kamalayan na ng
bawat tao.
Kaya nga naman inimpose ni NBA commissioner
Adam Silver ang maituturing na pinaka-harsh na penalty sa kasaysayan ng
larangan ng palakasan sa Estados Unidos na lifetime ban para sa 80-anyos na si
Sterling, samahan mo pa ng pinakamataas na fine na allowed sa konsitutsyon ng
liga ($2.5 million), at ito pa: pepwersahin ka na ibenta mo ang sarili mong
koponan.
Saklap, ‘di ba?
Tatlumput tatlong taon mo yang pinaghirapan, pinagmanduhan; pero dahil
sa katarantaduhan na binitawan mo sa gelpren mo (tsk, parang mistress ang
datingan considering na may legal wife ka pa), na in return ay ni-record pala
ang usapan n’yo saka pina-obtain sa TMZ, eh sinipa ka palabas ng isa sa mga
pinakasikat na liga sa mundo?
Parang “early death present” ang datingan ah,
considering na walong dekada ka na at tila ilang taon na lang ang ilalagi mo.
Inaykupo.
Ngunit sa kabilang banda, ang isang pribadong
usapan ay dapat nakatago na lang, ‘di ba? Wala itong pinagkaiba sa mga sex
scandal videos na nirecord n’yong dalawa nooong panahon na nagha-honeymoon
kayo, ke sa motel man yan o sa lehitimong hotel (as in nung honeymoon nyo
mismo).
Subalit, sa kablang banda, hindi ito
mahahalungkat kung hindi dahil sa advent ng teknolohiya ngayon. Isipin mo ha?
Kaliwa’t kanan ang pahayag ng mga tao, ordinary man o prominente sa social
media? At parang citizen journalism na rin ang datingan nito considering na
mula ito sa recording ng babae mismo.
Ito lang ang mga maari nating matutunan mula sa
kalokohang ito: ang racism ay isang malaking kasalanan na magagawa mo. Kaya
ingat ka sa mga sinasabi mo, lalo na’t baka mamaya ay magkakaroon pala ito ng
backlash mula sa ‘yo. Maaring resulta yan ng pangbaba-backstab ng iba laban sa
‘yo, pero alalahanin mo ha? Na minsan, ang mga akto ng tila ‘kamalasan’ sa mata
natin, ay resulta lang din ng ating katarantaduhan.
At hindi lang si Donald Sterling ang racist na
namumuhay sa mundo. In fact, lahat tayo ay racist, sa ayaw o sa gusto mo. Oo,
kahit ang inyong lingkod, kahit ikaw na nagbabasa nito, kahit yang mga katabi
mo, kamag-anak at kaibigan mo ay may pagkaracist – sa kanya-kanyang pamamaraaan
nga lang, mula sa simpleng pang-aasar hanggang sa mabibigat na personal na
panunumbat.
Kaya mag-iingat ka.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!