25 June 2014

Alaala ng Usapang Lalake

5/21/2014 3:31:10 PM

Ang tunay na lalake, alam ang palabas na ito.

https://www.facebook.com/usapanglalakecreators3
Sa totoo nga lang ay una kong sinulat ang draft nito noong nakaraang taon. Ngunit sa kasamaaang palad ay nasira ang PC ko at hindi ko na naretrieve ang file na yun. Kaya masinsinang pagpipiga na naman ng utak at memorya ang pinilit kong gawin para lang magawa ulit ito.

Sa mga nahuling taon ng pamamayagpag ng Studio 23 sa ere ay isa ang USapang Lalakesamga tumatak sa isipan ng manunood.kung bakit? Simple lang: ang palabasna ito ay nagke-cater sa mga lalake, as in mga “tunay na lalake.” Side ng machismo, ika nga. Dito nabubulgar ang tipikal na gawain ng lalake. Pero sa nakakatawang paraan din.

Aminado ako na hindi ako masugid na tagahanga ng palabas na ito, at nagkaroon laang ako ng pagkakataon na mapanood sila noong 2012. Season 4 ata nila yun, at Miyerkules na ng hatinggabi kung umere (kahit na nakalagay sa banner nila ay 10:30), basta pagkatapos ng WWE Raw (na isang oras lang ang cut version nla kung ikukumpara sa USA network na 3 oras), o minsan ay NBA pa (nung natuon ang timing ng pag-ere sa NBA Playoffs), at bago naman ang isang astig na palabas na… (syete, nakalimutan ko ang pamagat).

Ni hindi ko nga ganap na kilalaang buong tropa eh, at ang pangalan lang na natatandaan ko nun ay sila Kuya Jobert Austria at Alex Calleja. Mga batikan na rin sa pagiging stand-up comedian, at yung isa ay dating host ng programa sa iFM.

May kanya-kanyang video clip din sila sa YouTube channel nila, kung ano ang ginagawa ng mga lalake. Meron pa ngang “Palakng Toti” eh. May papet pa na nagmaman on the street interview sa mga tao, lalake man o babae.

At ito ang isa sa mga pinakapaborito sa kanila.



Isa pa: itong “MAGtanong Sa EXperto.”



Ang bilis ng panahon, saglit nga lang pala ang apat na season. Este, di rin pala. Dalawang taon din yun. Pero nakakamiss lang ang astiging palabas na ito. Hindi makakaila na isa ang Usapang Lalake sa mga palatuntunan na nagbigay ng legasiya sa Studio 23, kasabay ng pagreformat nila nun yung Iba Balita, tapos saglit ay nagcover din sila ng PBA.

Ayos, best era, di ba?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. Kelan lumabas ito? Malamang nung panahong hindi na ako nanonood ng TV. Mukang astig nga ito. Ang huli ko sigurong pinapanood na TV series noon e 'yung Strange Brew.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2010, noong panahon na nagreformat ang Studio 23. 4 seasons lang ang palabas na yan at nawala nang permanente sa himpapawid noon 2012

      Delete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.