6/8/2014
11:30:12 AM
Nakarating
na sa bansa si Andray Blatche, ang player ng Brooklyn Nets na magiging Pinoy
kung sakali man na mapirmahan ng Pangulong Benigno Aquino ang kanyang papeles
para maging opisyal na Filipino citizen at makalaro sa opisyal na koponan ng
basketball na Gilas Pilipinas.
At kung
maisakatuparan ito, ay buti naman kahit papaano ay nagbunga din ang mga ginawa
nila Robbie Puno at Sonny Angara na nagsulong niyan sa kani-kanilang opisina sa
Kongreso at Senado. Dapat lang din, no.
Bago ka humirit d’yan ng “Eh marami png
mas mahalagang panukala kesa dyan eh,” ay isa rin sa mga dapat prayoridad ng
pamahalaan ay ang sports (yung tunay na tranalsated meaning ng Pinoy na
salitang “palakasan”). Mas okay pa nga yan kesa sa mga kung anu-anong kababawan
na pautot na ipinapanukala din ng mga mambabatas eh.
Kung sakali
man na maging parte na ng roster si Blatche, paano na kaya si Marcus Douthit?
Hindi naman siguro siya maeechapwera. Siyempre, kelangan mo ring gumawa ng iba
pang plano maliban pa sa mga lineup na nakuha mo ngayon. Pang-“long term” ba.
Ano nga ba
ang maitututlong ni Andray sa Gilas? Siguro, experience na ring maitutring ito,
dahil pagdating sa height ay aminin man natin – no match tayo kung ikukumpara
sa ibang bansa. Pero dati, kahit height is might ang basketball ay isa ang
bansa natin sa mga matatayog ang lipad sa basketball. Ngunit sa paglipas ng
panahon, samahan mo na ng kaliwa’t kanang sitwasyon ng pulitika sa ating bansa,
ay parang napag-iwanan na tayo. Oo, tayo nga ang tahanan ng pangalawang
professional basketball league sa buong mundo (oo, pangalawa tayo sa NBA),
kaso… eh ano naman na? Ang ibang bansa, ke maliit man o malaki, ay may player
na sa NBA. Kunsabagay, tayo naman ay may coach din dun, at champion coach pa.
Pero, ‘di
ba, parang mas okay kung iho-hone rin natin ang mga kasalukuyang talent ng
ating local na manlalaro? Tama rin naman kahit papaano si El Presidente eh.
Pero siguro, parte na rin ng palo ng Gilas yan. Of course, kaya ng asila
nagte-train eh. Yun nga lang siguro, sa mga susunod na kumpetisyon ay baka
mag-iba rin ang mga tao dyan. (I mean, may aalis at may papalit.)
Siguro,
let’s hope na hindi lang magstay for World Cup alone si Blatche. I mean,
talagang paninindigan niya ang pagiging naturalized player niya, tulad ni
Douthit. Pero alam n’yo kasi, kahit
parte na rin ng kalakaran sa mudo ng basketball ang pagnanaturalized ng mga
player (gaya na lamang ni Jarvis Hayes na naging player na ng Qatar, Chris Kaman
a Germany, atbp.), ay isa rin itong mahirap na parte para sa isang basketball
player. Dahil siyempre, kailangan mo ring alagaan ang sarili mo, lalo na kung
sa NBA ka mas kumikita (o sa Euroleague, CBA, ABL, at sa iba pang professional
basketball league). Ang paglalaro para sa bansa ay isang malaking sakripisyo,
kung tutuusin.
Well, wish
you luck, Andray. Welcome to the Philippines.
It’s more fun playing basketball here. Oo, sa tindi ng fun, tignan mo na
lang ang litratong ito na pinost din ni Kevin Durant sa kanyang Facebook page
noong 2012.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!