Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

19 June 2014

Aral Muna Bago Landi

6/7/2014 9:52:19 PM

Sa panahon ngayon na ibang-iba na ang kabataan kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon at dekada pagdating sa usapan ng taste at asta, ito na lamang ang tangi kong payo.


Oo, mag-aral muna kayo bago lumandi.

Alam ko, isang seryosong salita ang binitawan ko, at gayun din sa mga tao na una nang nagwika niyan sa mundo sa pamamagitan ng social media. Dahil sa totoo lang, nagbabago man ang mundo at panahon, may parte naman nito ang tila naging malala, tulad na lamang ng pagpili ng mga tao na makipaglandian na lang sa kung sinu-sino kesa sa atupagin ang mga seryosong bagay tulad na lamang ng pag-aaral.

Oo, aral muna bago landi, lalo na kung hindi naman ikaw mismo ang gumagastos sa buhay mo. Ibig sabihin, kung nasa poder ka pa rin ng iyong mga magulang, dapat ay sumunod ka pa rin sa kanila pa gang usapin ay ang dirkesyon ng iyong buhay (maliban na lang sa kurso na choice mo pagdating sa kolehiyo).Makikipaglandian ka sa isang tambay na lalaki dyan sa kanto samantalang humihingi ka lang sa ermat mo ng pangload sa cellphone mo? Tangina, mahiya ka naman ‘oy!

Aral muna bago landi. Kaya ka nga nasa eskwelahan eh– para mag-aral, hindi para makipaglandian sa mga crush mo. Hindi sa sinasabi ko na huwag kang makipagkaibigan (aba’y natural din naman na pag nasa eskwelahan ka, ay may pagkakaton rin na umusbong ang social life mo), pero ang pag-engage sa sarili mo sa isang akto ng landian ay magdudulot lang sa iyo ng isang daan papunta sa kawalan ng landas mo sa buhay. At take note, walang subject sa alinmang curriculum ang “love.” Bakit ganun? Aba’y ewan ko.

Aral muna bago landi, lalo na pag mababa pa ang iyong mga grado. Yan kasi napapala mo sa kakadaydream mo eh. Sa halip na gawin mo siyang inspirasyon, siya pang naging utak ng kunsumisyon mula sa iyong mga magulang pati na rin sa iyong guro at sa ‘yo mismo. Hala, gawin mo na yang assignment mo sa halip na mang-istalk sa kanyang Facebook profile (uso, mag-add).

Aral muna bago landi. Dahil landi ang pinairal mo, maraming bagay ang posibleng mangyari sa ‘yo. Either ikaw ay:

Magkaroon ng relasyon, tapos hindi ka makapagfocus sa pag-aaral mo dahul ginawa mo na siyang mundo sa halip na katuwang mo na tao.
Magkaroon ng kaaway, dahil may iba rin na nagkaka-crush sa kanya. Mauuso ang bullying, o kung mas malala, literal na away (yung tipong magsisgawan na lang kayo ng karibal mo na “Tangina ka! Aabangan kita sa labas mamayang alas-tres, pagka-uwian!” Tapos siya naman, sasagot ng “Sige, sinong gago ang matatakot sa ‘yo? Putanginang ‘to. Ako pang tinakot mo ha?”). Tapos ipapatawag ng iyong guidance counsellor, advisor, o principal ang inyong mga magulang; at magugulat na lang sila na uso na pala sa henerasyon n’yo ang love triangle–na akala nila ay sa teleserye lang nangyayari (yan kasi, nood pa).
Kung mas malala pa ang mangyari d’yan, ay baka mauwi pa sa patayan o seryoso’t pisikal na sakitan yan.
At kung mas seseryosohin mo pa ang relasyon sa edad mo nay an ay either: mapariwara ka, o mabuntis ka. Alinman dyan ay tiyak na magdudulot ng sakit ng ulo sa iyong mga magulang.

At kung sakali man na patigilin ka na sa pag-aaral yan ay dahil sa hindi ka na nag-aaral – yan ay dahil sa malandi ka.
Oo, kaya isang payo lang ang mabibitawan ko sa mga batang mokong at lokang nagbabasa nito: ARAL MUNA BAGO LANDI.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!