5/13/2014
6:22:21 AM
Ito ang isa
sa mga pinakasakit nating mga Pilipino: ang katamaran magbasa. Hindi lang
siyang isang simpleng karamdaman, dahil madalas ito rin ang nagiging ugat ng
ating pagiging mangmang o ignorante, at kung minsan pa nga ay ang pagiging
arogante.
Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay. Sa simpleng konteksto lang, may
mga pagkakataon na nagrerklamo tao sa isa o sa iilang bagay na hindi naman
natin lubusang naiintindihan. Okay nga ang sana kung hindi naiintindihan eh.
Pero mas masaklap ay yung ni hindi mo binasa.
Sa advent
ng social media, sa panahon na maraming mga manunulat sa mga blogs ang
ginagamit na venue ang mga tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest, at
kung anu-ano pang katulad, madalas ay mapapansin mo ito: ke viral man ang artikulo o hindi, may mga magrereact d’yan na mga mangmang – as in hindi nagbabasa. As in sa title lang sila nagrereact; o kung minsan, sa mga meme o litrato na kalakip ng post mo.
Lalo na sa Facebook. Pumunta ka sa mga thread ng pambalitaan gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Inquirer.NET, at sa kung saan pa; ganun din sa mga entertainment portal gaya ng LionhearTV, sa mga community blogsite gaya ng Definitely Filipino, at ultimo ang mga satire gaya ng So Whats News. Oo, more evident dito, hindi sa maraming naloloko, kundi sa daming tangang nagkukumento.
Oo, nga pala. Kasi walang satire gene ang kamaramihan. At ayon yan sa isang pagsusuri.
Lalo na sa Facebook. Pumunta ka sa mga thread ng pambalitaan gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Inquirer.NET, at sa kung saan pa; ganun din sa mga entertainment portal gaya ng LionhearTV, sa mga community blogsite gaya ng Definitely Filipino, at ultimo ang mga satire gaya ng So Whats News. Oo, more evident dito, hindi sa maraming naloloko, kundi sa daming tangang nagkukumento.
Oo, nga pala. Kasi walang satire gene ang kamaramihan. At ayon yan sa isang pagsusuri.
Yung tipong halos patayin na niya ang nagsulat dahil sa hindi nagustuhan ang pamagat, pero huwag
ka: ang mga remark nila, aba’y akala mo naiintindihan nila ang lahat.
Sa madaling
sabi, wala silang pakialam sa alinman ang nilahad mo. Basta, dahil malayang
lipunan tayo, may “say” pa rin kami kahit hindi namin binasa ang alinmang
sinabi mo.
Pucha.
Parang mga gago lang e no?
Ngunit ano
o anu-ano ba ang madalas na excuse ng mga tao kung bakit hindi sila ganun
nagbabasa? Una, short
lang ang attention span ng tao, at in general ko ito sinasabi. Ayon na yan sa
isang artikulong nabasa ko sa isang isyu ng Philippine Online Chronicles.
So, ano ang
mga posibleng excuse nila? Either busy sila para sa ibang bagay tulad na lamang
ng pagtatrabaho at pagpe-Facebook. Maari rin na nanaka-mobile sila at hindi
ma-access ang site (or minsan, mabagal ang pag-load ng page) sa mga telepono
nila.
Pero, ang
sa lagay ba, kaming mga manunulat at publisher pa ang may-kasalanan? Dahil ba
ito sa hindi pagsunod sa aling alintuntunin ng online writing tulad na lamang
ng: pagbabanggit ng keywords sa halip na sabihin ang buong kwento, at kung
anu-ano pa, ganun?
Leche.
Pero dahil
sa napakaikli lang naman ang attention span (generally) ng mga tao, tendency ay
hindi talaga nito nababasa ang anumang nilalahad mo. Kumbaga sa pagre-review,
nag-scan lang siya ng notes niya, bagay na masasabi (para sa mata nila) na
sapat na para magkumento.
Maaring
tama rin ito o maari ring hindi, depende kung gaano niya naida-digest o
nako-comprehend ang lahat ng nabasa niya.
At dahil
napakaikli nga ng attention span ng tao para magbasa, chances are tatamarin
sila magbasa ng artikulo mong singhaba ng tatlong chapter ng nobela yung tipong
aabot sa mahigit 600 na salita, 2 pahina, at libu-libong characters (kabulang
na ang spaces, at punctuation marks). Kaya sa totoo lang din, kung tamad lang
din magbasa ng ganung kahabang artikulo ang tao, tulad na lamang ng ga akda ng
inyong lingkod, dalawang bagay: either masyado na akong nagpapaka-awtor, o
likas na tamad lang talaga sila – at ito rin ang magpapatunay na hindi sila
hahanga.
Pero
sabagay, hindi naman ako nagsusulat para hangaan ako ng tao. At kung sakaling
may fan ako, salamat. Pero yan ang bagay na mas maalala yata sa akin ng tao –
ang kahabaan ko magsulat ng artikulo.
Sa madaling
sabi, ang pagiging short-attention span ng karamihan, implikasyon ito kung gaano
ang lebel ng pag-unawa natin: superficial, o mababaw. Ano ‘to? Masyado na kasi
tayong nalulong sa pagmamadaling bagay? Dahil ba ito sa tinawatag na “instant
gratification” theory? Gusto natin lahat, madali, porket may Internet na?
Sa kaso natin dito sa Pilipinas, yan ang napapala kapag naka-free data ka sa Facebook. Pero dahil free data lang, siyempre ayaw nila na gumastos para luamabs as ibang site—lalo nas asa isyu natin na ang RP ay isa sa mga bansang may pinakamabagal na Internet speed.
Ang hihilig niyo kasi mag-Facebook e. Ang hihilig niyo mag-Internet samantalang hindi ka pa tapos sa trinatrabaho mo. Tsk.
Subalit ano pa maliban dun? Simple lang: kung hindi ka marunong magbasa, illiterate ka. Yun nga lang, nagbabago ang antas ng edukasyon kaya mananatili na namng itong isang kumplikadong isyu sa mata ng mga tamad.
Ang hihilig niyo kasi mag-Facebook e. Ang hihilig niyo mag-Internet samantalang hindi ka pa tapos sa trinatrabaho mo. Tsk.
Subalit ano pa maliban dun? Simple lang: kung hindi ka marunong magbasa, illiterate ka. Yun nga lang, nagbabago ang antas ng edukasyon kaya mananatili na namng itong isang kumplikadong isyu sa mata ng mga tamad.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
bahahahah kaya ako minsan napapadpad sa mga viral pages sa fb ay para lang magbasa ng comments and I have to agree...yung iba ang daming sinasabi sabaw na sabaw naman hehehehe
ReplyDeletekaramihan ng article may misleading title and photo, mapapansin mo ang taong binasa ang article sa hindi sa pamamagitan ng comment nila..
ReplyDelete