Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

09 June 2014

Bullying Daw

6/8/2014 12:56:03 PM

Masyado raw tayong bully? Aba, look who’s talking?!


Pambihira. Dalwang mallit na bansa nga lang maituturing ang Pilipinas at Vietnam eh.


Alam ba ng mga ‘to ang bullying? Alam ba ng mga ‘to ang pinagsasabi nila?


Pilipinas at Vietnam, binubully ang China?


HAHAHAHAHAHAHA! Ano to, gaguhan?


Sinasabi na binully raw natin ang China alinsunod sa usapin na agawan sa teritoryo. Yung mga isla na kung tutuusin ay pinagtutunggalian nga natin ng China, Vietnam at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya eh. Yung mga lupain na nakalutang sa tinatawag nilang South China Sea, o sa ating terminolohiya – West Philippine Sea.

Paano naman nangyari yun? Samantalang isang malaking bansa ang People’s Republic of China, ‘di ba? Sila ang pinakapopuladong bansa sa buong mundo (tinalo pa nga nila ang super-country na Estados Unidos, at ultimo ang pinakamalaking bansa sa buong mundo na Russia eh), kaya malakas rin ang kanilang pwersa sa larangan ng kanilang military na kapangyarihan. May mga bonggang-bongga pa nga sila na kagamitan na kayang ipansaag sa sinumang  babangga sa kanila.

Paano naman sila naging bully kung sila mismo ang nangeeechapwera sa mga fishing vessel ng Vietnam at ultimo ang Pilipinas para magtayo ng pasilidad sa mga pinagaagawang pulo.

Kasalanan rin kasi natin yan eh. Kung alam naman natin na sa atin yan eh di sana noon pa man ay naresolba ang sigalot na ito, lalo na’t matagal-tagal talaga ang kahabaan ng proseso nito. Lahat tayo, may kanya-kanyang ebidensya para sabihing “akin ang lupang ito.” Ang mga Tsino, ‘nine-dash’ line; samantalang tayo, basehan sa UN na 200 o 300-mile radius na ‘exclusive economic zone.’

Eh paano yan, kung tutuusin ay mas matanda ring bansa ang China kesa sa atin pagdating sa usapin ng soberenidad o sovereignty. Ano ipapanglaban natin? Dahil sa Palawan natagpuan ang isa sa mga unang klase ng tao na Taong Tabon? Eh di ba bago dumating ang mga mestizo mula sa kontinente ng Europa ay may mga Intsik na rin sa ating bansa?

Mahaba-habang away yan. Pero, para sabihin ng isang bully na binully sila? Wala itong pinagkaiba sa isang mokong na nambubully sa internet, tapos nakahanap siya ng katapat – hindi nga lang isa, kundi maraming nakabangga, at pagakatapos nun ay iiyak siya ng “cyber bullying.” Ganun? Gago pala ‘to eh.

Wala pa nga sa kalingkingan ang ginawa ng Vietnam eh, na maalalang nakaaway ng Estados Unidos sa loob ng sampung taon (Vietnam war yun, pare). Patunay lamang na kahit sa huli ay sumuko sila sa powers ni Uncle Sam ay kaya nilang makipagbanggan sa kahit isa pang mala-Goliath na bansa.

Kami nambubully? Naku, seryoso k aba sa sinasabi n’yo, mga tol?

Hindi naman sa sinasabi kong “don’t play victim,” ha? Pero kasi kung ikaw yung nauna na naging marahas sa pagdispatsa sa karibal mo sa teritoryo, eh talagang may makukuha kang ganti sa ayaw at sa gusto mo. Yun lang. Kung seryoso talaga tayo pagdating sa pagresolba ng awayan sa ating mga lugar, tingin ko, hindi na solusyon dyan ang giyera. Masyado tayong medieval apra magresort sa ganyan. Isipin mo, dumarami na ang populasyon, tumitindi ang teknolohiya, nagbabago ang klima, tapos pasasakitin pa natin ang ulo’t kamalayan natin sa pamamagitan ng mga gulo? Hayaan n’yo na lang na ibaling yan sa mga action movies at WWE yan.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!