6/4/2014
10:50:21 PM
Eh ano
ngayon kung nagga-ganja ang mga mokong na ‘to?
Oo, ang mga
miyembro ng sikat na pop music band na One Direction. Ano naman kung nakunan ng video ang dalawa sa mga miyembro nila na nagma-marijuana?
Hindi sa
pambabasag ng trip, ano? Hindi ako fan ng alinmang artista sa mainstream (oh,
please. Give me a break!), at pati na rin ng mga newscast sa mainstream media sa
Pilipinas (as in – matapos nilang gawin headline ang mga serye ng kontroberysal-pero-walang
kakwenta-kwentang isyu), at isa rin ako sa mga taong kumokondena sa mga
labis-labis na pagfafanboy at pagpafan girl (grow up, people!).
Masyado ba
itong kinondena ng publiko at media? Hindi raw huwarang modelo sa mga kabataan.
Oo nga naman kasi – bawal yan eh. Hindi ko nga lang alam kung sa Peru ay legal
na gamitin yan.
Sa kabilang
anggulo man, dahil sa ganja, masamang nilalang na ba sila kagad? Masyado naman yata tayong mapaghusga. Baka
magulat ka na maraming artista din sa Hollywood ay gumagamit ng drugs para lang
maentertain ka.
At baka mas
magulat ka lalo kung malamang ng iyong ignoranteng kamalayan na ang cannabis ay
isang gamot sa mga piling sakit. At ano ang cannabis? Marijuana, o MJ, o ‘Mary
Jane,’ o ganja, o “Happy 420,” o weed, o simply... damo. Yun nga lang, may diskresyon ito mula sa mga doktor, siytempre. As in yung nasa tama lang naman.
Yan kasi napapala mo
sa pagpapaniwala sa mga nakikita mo at samahan pa ng katamaran mong magresearch
sa internet (palibhasa kasi panay Facebook lang ang alam eh).
Ops, wag
kang magpapakabalimbing (ay, sorry, hipokrito pala ang dapat na termino) at
sasabihing hindi mo sila hinangaan ni minsan man lang.
Teka, sa
panahon ba nagyon – umaasa ka pa bang magiging role model ang mga sikat na
artista sa panahon ngayon? Sabagay, kasi sila nga naman ang nakikita at
hinahangaan ng mga kabataan. Yan nga din sana ang paniniwala ko sa kanila (ngunit, wala eh. Iba na ang panahon noon sa panahon ngayon).
Pero
mangyayari lang yan kung hahayaan mong lamunin ng mainstream media ang kaisipan
nila, gaya na lamang ng paglamon nila sa utak mo sa pamamagitan ng mga tabloid na
newscast, at baduy na pautot tulad na lamang ng inyong paboritong teleserye.
Tama ang
isang kumentarista at musikerong si Lourd de Veyra noong sinabi niya ito dati: “Kung
mas malakas pa ang impluwensiya ng TV kesa sa iyo, anong klaseng magulang ka?”
Ops. Huwag mong idahilan na kumakayod ka. Tol, may mga tulad mo na ganyan ang
ginagawa at mayroon pa nga na mas higit pa kesa sa mga ipinapangalandakan mo. Pero
kahit ganun, may time pa rin sila sa mga anak nila para makipagbonding.
Ito kasi
yan eh: the mere fact na hindi mo na masyadong binibigyan ng atensyon ang mga
anak mo sa panahong nangangailangan sila ng iyong tulong, kalinga at
pagmamahal, sa kahit isang katiting na minuto lang (at ang exemption lang dito
ay kapag kailangan mo siyang pagalitan dahil sa may nagawa siyang kalokohan
tulad na lamang ng pagkain ng labis-labis sa ref, pagbabad sa TV, hindi
gumagawa ng assignment o may binully sa eskwelahan), magbabago talaga ang
relasyon ninyong dalawa – at mangyayari yan nang hindi mo basta-basta namamalayan.
Malay mo, the next time around ay mas maniniwala pa sila sa mga artistang iniidolo
nila kesa sa inyo na magulang nila mismo.
Dahil sa
paghihithit, masamang ehemplo na nga ba sila? Oo na maituturing, lalo na sa lipunang nanghuhusga kahit mababaw na bagay pa lang ang tinitignan.
Kaya nga
naman ganun na lamang ang pagkadismaya ng maraming tagahanga nila at pati ang
kanilang mga magulang.
Yan pa kasi hinangaan n’yo eh. Sa totoo lang
kasi, mga hija – atupagin n’yo na lang ang pag-aaral at makinig ng mas
disenteng tunog kesa naman sa mga musika na magpapahiwatig sa ‘yo na okay lang
maging tanga – YOLO! (Tanginang yan. YOLO-hin ko yang mukha mo eh.)
Okay na
sana eh. Kaso, kung paniniwalaan ang mga news slugs ay nagmukha pa na
ginatungan ng media ang walang kakwenta-kwentang balitang ito.
1Damo ba
kamo? Wrong Direction? Bad Direction?
Tingin ko,
mas kailangan pang maisupalpal ang dalawang statement d’yan sa mga network . As
in kung papatol talaga ang mga ito sa kababawang news items, eh talaga naming magiging
walang direksyon ang media.
Aba,
nag-gaganja sila? Ano pa bang bago sa mga ganitong uri ng personalidad?
Sa totoo
lang, may iilan rin kasing mga sikat na artista sa larangan ng pag-arte at
pagkanta ang naiispatan ng media, particular ng mga paparazzi, na nasasangkot
sa mga uri ng kilos na hindi akma sa mga pinapakita nila sa publiko. As in “unbecoming”
lang, parang gaya nila Justin Bieber na palagian na lang nababalita dahil sa
kung anu-anong katarantaduhan. Pati na rin ng dati kong crush na si Lindsay
Lohan na suki na sa pagiging DUI.
Pero, dahil
ba sa mga kung anu-anong pinagagawa nila sa buhay ay matuturing na ba silang
siraulo o hindi magandang halimbawa sa lipunang ginagalawan? Kung sa pamantayan
lang naman ang usapan, OO. Hindi talaga maganda.
Bakit? Dahil
hindi ito maganda sa mata ng moralidad eh. Yun nga lang, masyado rin kasing “perpekto”
ang tingin natin sa mga tulad nila na maituturing na isang “public figure.”
Sa sobrang
perpekto nga lang ay nakakalimot din tayo na tao pa rin naman sila regardless
kung bullshit man talaga ang minamarket nilang produkto, ayon sa taste buds
natin.
Ika nga ng isang
kasabihan, “The best artists are oftentimes inferior human beings.” Meaning, minsan,
ang mga sikat na hinahangaan natin ay ang siyang may nuknukan ng kahinaan sa buhay. Hindi naman obvious ang
kahulugan nito kung tutuusin.
Ito lang
siguro ano: Mali talaga ang pinakita nila. Pero ang realidad ay uso yan. Kaya
nga may kasabihan na “hindi lahat ng uso ay magaganda.” At dahil public figure
sila, talaga namang makukundena sila dyan.
Pero sa
kabilang banda, hindi basta dapat husgahan ang isang pangalan base sa nakuha
niyang bahid ng dumi. Hindi na bago ang gawaing yan kung tutuusin. Uulitin ko,
hindi ako fan at isa rin ako sa mga tumutuligsa sa asta ng mga malalanding fan
sa panahon ngayon.
Wala na
dapat pagtalunan pa. May kasalanan kayong mga tagahanga, at magulang. Basta, yan ang napapala ng mga patron ng mainstream eh.
Yan tuloy.
O siya, Masyado na
tayong mapaghusga. Kala n’yo naman kung sinong malinis. Kung sinong malalanding
fangirl. Akala mo kung sino at kung anu-ano pa.
Sige, damo
pa. Namong ‘to!
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!