5/21/2014
2:22:52 PM
Usap-usapan
ngayon ang planong maglaro ni Manny Pacquiao ng professional basketball.
Naging
vocal nga siya rito ilang araw matapos niyang matalo si Timothy Bradley sa
kanilang ikalawang pagsagupa sa lona noong nakaraang Abril sa Las Vegas.
Amiya, may
plano na nga rin siya kung ano ang kanyang isusuot na jersey number at kung
saang team siya lalahok sa Philippine Basketball Association – at yun ay ang
number 17 sa Kia Motors, isa sa mga bagong koponan sa PBA na makikipagsagupaan
na sa hardourt sa ika-40 na season nito, o sa darating na Oktubre.
Ano, si
Pacquiao, maglalaro sa PBA? Ganun?
OO nga.
Ang tayog
ng pangarap niya no? Well, wala namang masama dun eh. Para lang siyang ilan sa
atin na nangangarap na makapaglaro ng naturang sport dun, kahit sa kasamahang
palad ay hindi pinalad na matupad ang mga pangarap ng iilan din.
Tama rin
naman si Rick Olivarez sa artikulong nalimbag sa website ng PBA. Sino nga ba
naman tayo para iderprive siya sa kagustuhan nya sa buhay? Kung yun ang
makakapagpasaya sa kanya. Sa totoo lang din kasi, hindi na bago ang basketball
sa eight-time pound-for-pound king. In fact, minsan ay may koponan siya sa Liga
Pilipinas nun (kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan nun ay MP GenSan
Warriors). At madalas, nagiging isa sa mga cross-training sport ni Pacman ang
basketball. As in part ng training regimen niya para sa mga laban niya sa
boxing.
Ngunit ayon
kay Commissioner Chito Salud, kung seryoso man si Pacquiao na sumali sa PBA ay
dapat siyang sumama sa proseso kung paano nga ba nakakapaglaro ang mga baguhan
sa liga. Sa pamamagtan ba ng pag-draft, kasama na siguro dyan ang kaliwa’t
kanang pag-eentertain mula sa mga scout hanggang sa mga team executives,
hanggang sa pagdetermina ng iyong kwalipikasyon.
Ito nga
lang ang problema: fixed na ang plano ni MP ukol sa kung saan niya gustong
maglaro. Kaya ba nagplano siya na maging “playing coach” ng team Kia? Maari,
para makalusot, kung aayon sa mga spekulasyon.
Unfair ba
ang sitwasyon? Sabagay, ano nga naman kasi ang pagkakaalam ni Pacquiao sa
coaching sa basketball? Mahirap yata yan, dahil napakalaking mundo ang
ginagalawan mo pag ganun, at hindi lang isang laro ang pinag-aaralan mo dun.
Don’t
worry, may Jaworski naman eh. Mas okay siguro kung magiging head coach si The
Living Legend.
Mahirap nga
naman isugal ang lahat-lahat. Isipin mo, ayon sakumento ng isa sa mga
pinapakinggan kong sports broadcaster na si Dennis Principe, nakakatakot ang
maaring mangyari kay Pacquiao pag nagkataon. Baka kantayawan lang.
Kunsabagay,
obvious din naman kasoi sa atin ang maging mapagpuna sa mga ginagawa eh. Nung
pumasok si Pacquiao sa showbiz, pustahan tayo, pinagtawanan din natin siya
minsan lalo na pagdating sa acting niya. Ganun din nung nasa pulitika na ang
lolo mo. Ano nga ang kaalam-alam niya sa pulitika? Wag ka, congressman na ang
kinakantyawan mo.
And
ironically, the joke was now, on us. Maaring pinagtatawanan pa rin natin ang
pagiging all-around ng mamang ito, pero sa kabilang banda, karamihan din sa
atin ay nadidismaya na rin dahil sa kabila ng lahat, kabilang na ang mga bagay
na hindi naman talaga siya kwalipikado in the first place, ay andun siya sa
rurok na kinabibilangan niya ngayon: atleta, politician, at arista. Astig ang
achievement, ‘di ba?
Maaring
masisi pa ang media dahil sa sobrang hype na binigay nila kay Pacman, at maari
rin ang ganoong argumento pagdating sa pulitika. Ngunit may idadgdag lang ako:
eh kasi binoto niyo eh.
Ngunit sa
isyu na kagustuhan ni Pacquiao na maglaro sa PBA? Nagbabalita lang naman sila
eh. At malaya naman tayo para magbigay ng saloobin.
Pero sino
nga ba ulit tayo para kantyawan ulit at i-deprive angkanyang mga pangarap, ‘di
ba?
At kung
kuro-kuro lang naman ang usapan, sige, ito lang yung akin: walang masama
mangarap. Pero kung marami kang ginagawa, at kung nagextend ka pa ng kontrata
sa Top Rank – at sa kaparehong pagkakataon ay sa professional boxing career mo
– ay mas okay pa muna kung maghunod sili ka amt magfocus muna d’yan. Tutal sabi
mo naman ay hindi pa man pinal, pero tutuparin mo naman ang pangarap mo.
Eh why not?
Yun nga lang, handa mo nga lang sarili mo sa samu’t saring kritisismo, hindi
galing sa mga tulad namin, at sa mga nagmaang-maangan pang iba dyan na
nagkukumeto sa Facebook kahit hindi naman nababasa ang mga artikulong nirereact
nila, kundi galing sa mga pinakalehitimong nilalang pagdating sa sports.
Maaring
mangyari pa rin na siya ang pinakamatandang rookie sa PBA at ang isa sa mga
pinakamaliit na manlalaro ito, at maging pangalawa sa mga “crossover” star mula
boxing papuntang basketball. Yan ay kung susunod talaga siya sa dapat sundan.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!