6/8/2014
12:27:48 PM
Gaano nga
ba kahalaga para sa atin ang isang malayang bansa? Simple lang: mayroon tayong
“araw ng kasarinlan,” o tinatawag na “Independence Day.”
Para sa mga
hindi nakakalaam: noong Hunyo 12 taong 1898 ay ipinagdiwang ng arhipelagong ito
ang araw ng ating pagkalaya mula sa tatlong dekadang pananakop ng bansang Spain
(o Espanya) sa atin, ilang buwan matapos ang matindihang pagaklas ng mga Pinoy
na karamihan ay galing sa walong lalawigan.
Pero naging
malaya nga ba tayo? Actually, hindi rin eh. Dahil pagkatapos nun ay sinakop
naman tayo ng mga alagad ni Uncle Sam. At naging July 4 ang Independence Day
natin sa halip na June 12.
Sa isang
batas lamang nung dekada 60 ito nabago, at naibalik muli sa June 12. At sa
darating na araw na rin na ‘yun (na Huwebes) ay ika-116 na taon na pala n
gating kasarinlan, no?
Ngunit,ano
nga ba ang ‘malaya’ para sa atin? Isa ba itong titulo, karapatan, pamagat ng
Diyaryo, ng kalye o isang payak na salita lamang na hindi natin talaga alam ang
kahulugan.
Maraming nagsasabing
malaya tayo dahil nagagawa natin ang mga gusto natin. Pero yung nga lang,
sobrang absolute na dahil nakakatapak sila ng ibang tao, ke simpleng
pangungutya man yan o pagkitil na ng buhay.
Maraming
nagsasabing malaya din tayo dahil may angas tayong magngawa sa ating
pamahalaan. Lalo na pag sila’y nakakagawa ng kasalanan.
Ngunit,
malaya nga ba tayong maituturing kung tila nakakulong tayo sa isang bulok na
sistema? Kung tila nilamon ba tayo nito, gaya na lamang ng lumang kanta ng
yumaong Francis Magalona. Malaya nga ba tayo kung may hawak naman tayo ng mga
tiwaling gago sa ating mga kwelyo?
Malaya nga
ba tayong nakalagalaw kung may nakasunod na baril ang nakatutok sa ating mga
kukote?
Malaya nga
ba tayo mula sa mga lumang kaisipan na nagkukubli muli sa atin sa pamamagitan
ng mga lumang sablay na tradisyon at mga tila misleading na relihiyosong
gawain?
Sa totoo
lang, hangga’t hindi tayo nagbabago mula sa mga nakagawian natin noong panahon
na para tayong sinalpak sa isang koral, hindi taaga tayo malaya.
Tignan mo:
isa tayo sa mga racist na bansa, pero hindi natin magamit ang bully instinct na
‘yan pagdating sa agawan sa teitoryo ang usapan. Hindi tayo malaya hangga’t
hindi tayo nagtatanda mula sap ait at akit na ating naranasan noong nakalipas
na kontrobersiya sa pulitika.
Hindi tayo
malaya pagka’t iniisip natin na tayo ay isang ‘biktima.’ Low-profile kuno. Lagi
tayong nag-paapi.
Tama ang
nabanggit sa libro ng isang histroyador na si Gregorio Zaide: may cultural
diversity tayo — at yan ang nagiging ugat kung bakit hindi tayo nagkakaisa para
sa kalayaan natin. Pagkatapos ng isang pag-aaklas, balik tayo sa dating gawi.
Parang wala lang. parang tayong mga gago ulit na magsasabi na “magsimula ulit
tayo” hanggang sa wala namang nangyayari makalipas ang ilang araw.
Sana
ngayong “Independence Day,” kung isa ka ngang tunay na makabayan, isipin mo:
Malaya ka nga ba? Malaya nga ba tayo?
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
happy independence day parekoy.
ReplyDelete