6/21/2014
3:45:31 PM
So, natapos
ang serye ng mga kontrobersiya at balita, at sa wakas… may nakulong din pala sa
salang pandarambong (tama ba?). Noong nakaraang Biyernes, pormal na
sumuko-slash-naaresto si Senador Ramon Bong Revilla Jr.
Kaso, ano
na? Ano nang mangyayari pagkatapos nito?
Sa madaling
sabi: eh ano ngayon?!
Panibagong
hakbang ba ito para sa krusadang “daang matuwid” laban sa korapsyon? O isa
itong mala-conspiracy na atake laban sa oposisyon.
Kung
mapapansin kasi, sa mata ng ilan, maaring masabi nila na pinupulitika raw si
Revilla dahil sa hangad niya na tumakbo sa darating na 2016 presidential
elections. At ang pag-aresto sa kanya? Patunay lamang daw na isa itong maitim
na plano laban sa kanya. Dagok din na maituturing.
Ngunit, sa
kabilang banda, kung papaniwalaan ang mga kasong isinampa sa kanya sa
Sandiganbayan, patunay lamang ito kung gaano kabulok ang sistemang pulitikal sa
ating bansa. Yan kasi binoto natin eh. Mga papogi na dumaan sa showbiz. Tapos pag
gumawa ng kasalanan, naglulupasay tayo sa pagsisisi.
At teka,
non-bailable ang kasong plunder, ‘di ba? Pero bakit nga ba sila nakapagpetition
for bail? Aba, para namang nakipagsuntukan sa hangin ang mga ‘to—imposibleng
mangyari.
Subalit sa
tulong ng mga abugado at kung sinu-sino pang nakakalam sa mga butas ng batas,
possible yan.
At wrong
timing pa ata ang suot niya na damit, na naglalaman ng isang kasabihan na
galing sa isa sa mga libro sa Bibliya. Ayos lang sana maniwala, kaso may
kasabihan: practice what you preach, at siyempre, dapat parang Seiko wallet ang
pananampalataya mo sa itaas – “genuine” ba.
Madaling
husgahan si Bong bilang isang tiwaling opisyal na parang lulusot pa kahit
nahuli na. Samahan mo pa ng asawang naging opisyales pa ng lalawigan ng Cavite
na minsa’y nag-angas pa nun sa kasagsagan ng isyu ng pork barrel (yung nagsabo
ng “huwag kayong hihingi ng pera sa amin ha?!”). Oo, madaling husgahan lalo
na’t kungkapos pa ang ating pag-unawa sa isyu.
Pero mas
madaling siyempre kung alam mo ang parehong panig. At least, naiintindihan mo (bagay na sa kasamaang palad, ay kapos rin tayo maliban na lang kung isa kang lehitimong political analyst).
Kaso, paano
nga ba kung tatakbo ito sa 2016? Mananalo pa rin ba siya? Maari raw, ayon sa
mga sari-saring reaksyon na nababasa ko sa Twitter noong araw na ‘yun.
Bakit
kanyo? Mahihilig kasi tayo sa mga “underdog.” Nasa mentalidad kasi natin ang
ating pagiging biktima sa lahat-lahat at dapat ang takbo ng kwento natin ay
parang fairy tale na nababasa natin noong bata pa tayo – magpapa-api kami, pero
sa bandang huli, kami ang magwawagi.
Sa madaling sabi: mahihilig rin tayo makisimpatiya, kaya tignan mo ang takbo ng lipunan natin ngayon: nadadala ng simpatiya na yan. Maariong factor rin dito yung pagpapaalam niya sa kanyang amang si Don Ramon. Sabagay, mahirap nga naman maksi sa isang ama, o sa isang magulang na makikita mo ang anak mo; at lalong nakakastress na ito kung sa edad ang usapan. Kung iba yan, baka natuluyan sa kunsumisyong dala ng kumusyon..
At
napaka-evident ang ganitong storyline sa sarswela, este, moro-moro, este,
teleseye, este… pucha, sabihin na nga lang nating “pulitika” sa ating bansa.
Lalo na noong 2013 midterm elections.
Kaso,
naaresto na si Bong. At may film crew pa raw na dala ito. So, anong eksena ‘to:
Kap’s Amazing Stories, at ang producer ay ang Daang Matuwid productions?
Pero,
naaresto na siya eh. Ano na ngayon? Mauuwi rin ba sa ganitong kapalaran ang mga
aksuadong senador na sila Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile? Eh paano yung
mga opisyales at empelyado na sangkot din sa ganitong kaso ng katiwalian.
Kunsabagay, kung tama lang naman ito, at naayon sa batas, at hindi magpapadala
sa alinmang “way out alibi,” go ahead.
Kaso, kung
sa oposisyon ka lang aatake, at kung mayroon rin naman sa mgakabaro mo na
“corrupt” pala (come to think na good thing ay majority sa mainstream media ay
kahit papano hindi bias; as in kung may mali ke oposisyon man o administrasyon
ay isinisiwalat nila), ay hindi rin yata tama yan. Oo, parang conspiracy theory
lang ang pinakabasehan ng isang mala-political attack na ito kung ganun man.
Kaya ang labo lang din e no?
At kung may
isa pang magandang bagay na fala ng pagtutok ng mga news portal sa isyung ito,
yun ay ang pagsapaw sa mga ampaw na balitang gaya ng pag-amin ni Sarah Geronimo
na boyfriend na niya sa Matteo Guidicelli (okay, sila na pala. EH ANO NAMAN
NGAYON?).
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!