6/8/2014
11:03:32 AM
It’s that
time of the year-slash-season again. NBA Finals na naman! I mean, for the 67th (?) time. At sa pagkakataong ito, rematch ang NBA Finals, dahil ang muling
magtutuos sa hardcourt ay ang dalwang koponan na naglaban din sa NBA Finals
last year. Tama, ang Miami Heat at ang San Antonio Spurs. Ang isa dyan na
nagmula sa Eastern Conference Southeast Division ay nanaig at tinanghal na NBA
Champions sa taon na rin na iyun; samantalang ang isa naman na nagmula sa
Western Conference at Southwest Division ay naging runner-up sa liga matapos
ang pukpukan sa Game 7 ng serye na ito.
NBA Finals
na! Eh ano ngayon? Ang mga tanong: sa ikalawang pagkakataon ay manaig kaya ang
Miami Heat para masungkit ang ikatlong sunod na kampeonato – at ika-apat sa
kanilang franchise history? O makakakganti ang San Antonio Spurs para kunin ang
unang titulo sa nakalipas na pitong taon – at para na rin sa kanilang ikalimang
kampeonato sa kasaysayan ng kanilang pagpartisipa sa pinakaunang play-for-pay
basketball league sa buong mundo?
At kung
sakali man isa sa kanila ang manalo, sino kaya ang magpapakitang gilas nang
bonggang-bonga?
NBA Finals
na! Eh ano ngayon? Pustahan, yan ang usapan ng tao sa ngayon, mula sa mga
kwentong tambay hanggang sa social media. Galit-galit muna ang mga tao dahil
may papanigan sila sa puntong ito–bagay na ginagawa rin ng mga PBA fans pag
game time na (“San ka? Kampihan na!”). Yan yung mga panahon na magiging aman ng
news feedmo sa Facebook at Twitter ang mga laro ng NBA, mga naglalabang
koponan, at samahan mo na rin ng mahaba-habang asaran at pikunan. Oo, pustahan
tayo, madalas mangyayari talaga yan. Speaking of which…
NBA Finals
na! Eh ano ngayon? Pustahan. Oo, mauuso muli ang pustahan, na halos walang pinagkaiba
kung ikukumpara sa ibang mga sporting events gaya ng UFC, WrestleMania, PBA
Finals, UAAP at NCAA finals, at ultimong laban nila Pacquiao at iba pang
boksingero. Siyempre, matik na yan. Depende pa yan kung sino ang mananalosa
game na ito, o kung anong koponan ang makakasungkit ng kampeonato at kung ilang
games lang itatagal ang serye na ito.
Yun nga
lang, pustahanklang boys ha? Baka naman mauwi pa yan sa patayan na para kayong
mga sinidkato o mafia.
NBA Finals
na! Eh ano ngayon? Mauuso ang mga viewing party sa mga piling venue tulad na
lamang ng mga sports bistro, o ordinaryong restaurant. Minsan nga, kahit sa
tinatambayan mo lang na tindahan eh; o sa main lobby ng inyong opisina (at yung
chicks na nasa reception desk n’yo, makikiuso na rin tutal pansamantala lang
naman yan eh at magkukunwaring fan ni Tony Parker o LeBron James yan); at
ultimo sa mga eskwelahan.
Tama, kung
may TV ang canteen n’yo, o kung mas galante pa ang paaralang pinapasukan
n’yo—sa classroom, magiging instant viewing session yan. Gawain yan madalas ng
mga nasa high school na; yung tipong makikiusap sa mga guro nila (at tipong
magasasabi na “Ma’am, next eeting na lang quiz natin. NBA Finals na eh!” at
aagree naman dito ang buong klase kaya wala nang magagawa pa si Madam kundi sumunod
sa mga engot, este sa mga alipores niya). At bakit ganun? Siyempre, sila ang
nagbabayad ng tuition sa school na ‘yan na pinapasweldo naman sa kanilang guro
(maliban na lamang kung napakastrikto ng eskwelahan na ‘yan, kung wala talagang
TV, at kung principal ang teacher n’yo).
Pero either
way kasi, masarap manood ng isang malaking sporting event tulad na lamang ng
NBA Finals kapag marami kayo. At hindi ko dini-diss ang channel 2 ukol dito. In
fact, kung trip mo lang naman na manood sa bahay n’yo kahit walang cable, eh
okay lang yan. Buti nga kahit papaano eh andyan sila, at least, nagprovide na
matinong alternatibo kesa sa mga sobrang adbstract na cartoons at maaga-agang
dramahan sa morning. Gawin naman nating mas exciting tulad nito.
At dahil
NBA Finals na, at pagnanalo na ang panalong koponan, ay pustahan, lahat ay
magiging instant sports analyst. Yung tipong naging matalino sila sa kung paano
iexecute ang play. Oo, maraming ganyan, regardless kung nakapaglaro sila ng
sport na yan o hindi. At may hindi sasang-ayon, d’yan magsisimula ang isang
kumukulong debate na minsan ay mauuwi sa personalan na sumbatan, at kung minsan
ay magkakasakitan pa na parang sa mga eksena ng mga lasheng mo lang nakikita.
Ayos, ‘di ba?
O, tama na.
Quit talking. Let’s do the watching na lang instead.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!