12 June 2014

Pambansang Kahibangan

8/13/2013 4:24:01 PM

Uso pa ba ang salitang “pambansa?” O may saysay pa ba ang kasaysayan, pati na rin ang mga bagay na nagsisilbing sagisang ng ating bayan? O baka hindi niyo rin alam ang salitang “sagisag?”

Kung tutuusin, nagbago na ang panahon. Kaya nagbago na rin ang mga bagay na nakasanayan ng karamihan sa atin. Ang mga pambansang bagay na yan? Asus, sa Sibika lang yan tinatalakay. Hindi naman yan na-apply sa ating buhay at sa ating bayan sa ngayon.

Pero nakakahibang lang din e. Tulad ng mga ‘to. Taob pa nga nito ang mga saigisang nila Allan K (bilang pambansang ilong) at Diego (bilang pambansang bading) eh.

Pambansang Bayani


Maliban kay “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao, sinu-sino pa ba ang tinatagurian nating pambansang bayani sa panahon ngayon? Sila Rizal pa ba, kasama sila Bonifacio, Mabini, at ultimong si Ninoy Aquino? O baka naman ang mga modernong nilalang sa panahon ngayon tulad na lamang ng iyong paboritong artista sa pelikula, telebisyon at musika? O baka naman ang mga OFW dahil may naiaambag sila sa ekonomiya ng ating kasalukuyang kabihasnan?

Pero kung tutuusin, hindi isyu dito kung sinu-sino ang mga katulad ng ating mga naituring na "patriot" or rebolusyunaryong tao. Kundi uso pa ba sa panahon ngayon ang mga gawain na nagsisilbing "makabayan" tulad ng ginawa ng mga nabanggit sa naunang talata?

At oo nga pala, kung olats si Pacuqiao sa mga natitirang laban niya, bayani pa rin ba kaya ang turing sa kanya ng karamihan? Malabo lang kasi alam mo naman ang mga tao sa ating bayan, ipagbubunyi ka pag nanalo ka; at lalaitin ka naman kung palagi kang umuuwing talunan.

Pambansang bulaklak


Sampaguita.

Sure ka? Eh pansabit lang naman kay Sto. Niño o sa kung kani-kaninong rebulto o mga pigura sa simbahan ang Sampaguita ha? At pati na rin sa mga graduate ng isang pamantasan sa Maynila na simbolo ng isang graduation ritual. Ganun?

Tingin ko, hindi na napapahalagaan ng tao ang sampaguita bilang isang pambansang bulaklak. Ala naman yan ang ibigay mo sa iyong sinisinta, ‘di ba? Eh di nadagukan ka pa ng babaeng yan dahil sa tanong niya na “Ano ako? Santo?!”

Hindi sampaguita ang ating pambansang bulaklak, kundi rosas. Dahil yan ang mabenta sa merkado. Yan ang mas pinipilahan sa Dangwa, sa halos kahit anong okasyon ng taon, rosas. Kung hindi rosas, marami pang iba, maliban nga lang sa sampaguita na afford na afford mo naman e. ‘Yan ay kung una ay palasimba ka; at pangalawa, kung mabait ka sa mga bata.

Pambansang sasakyan


Jeepney, yung pampasahero of course, gawang Pinoy eh. At revolutionized pa. May mala-boom box na super surround pa ang sound system niyan. Kahit mukha siyang scrap metal, go lang. At yan ang mas madalas mong makikita sa halos kahit saang lugar sa Pilipinas, lungsod man o munisipal. Nasa Kamaynilaan ka man, o nasa probinsya.

Pero maliban sa jeep, meron pa ba? Maliban sa kuliglig at… teka, phase out na yata ang Tamaraw FX e.

Pambansang trabaho


Dalawa ito: kung hindi tambay, call center. At bakit ganun? Dahil marami na rin ang mga tambay at marami-rami na rin ang mga call center sa ating bayan. Walang masama dun sa huling binanggit ko, dahil ang problema nga lang ay yung nauna. Lalo na kung ang bukambibig niya ay "hayahaaaaayyyy...."

Pambansang subject


Kung tutuusin, hindi na yata ang mga asignatura na Filipino o  Makabayan ang pinakapaboritong subject ng karamihan. Alam mo kung ano? Recess.

Bakit? Dahil mas masaya pang kumain kesa sa mag-aral.

Putek, may usap-usapan pa nga na ibaban ang Filipino sa curriculum sa kolehiyo.

Pambansang tambayan


Ang Facebook. Mas marami pang oras na ginugugol ng tao sa pagpe-Facebook kesa sa mga mahahalagang bagay tulad ng magtrabaho o mag-aral, magsimba, gumala at kahit ang mga pangunahing kailangan ng tao na tulad ng kumain, matulog, tumungga ng alak, tumae, at kahit ang magsarili. Kaya ito ang pambansang tambayan ng mga tao sa Pilipinas sa panahon ngayon.

Kahit mga sikat na personalidad, bago sila lumipat sa Twitter at Instagram, sa Facebook sila nagsimulang maging aktibo. Hindi na ba kataka-taka kung bakit numero uno tayo sa mundo kung paramihan ng mga user sa social networking sites ang usapan?

At hindi na rin kata-taka kung bakit mas marami pang tao ang tinatamad na umalis ng bahay o kung aalis man ay tatambay sa mga mall na may wi-fi at sa mga computer shop; oo, dun pa sila mas lulugar kesa sa mga opisina, paaralan at kahit sa mga basketball court.

Pambansang musika


K-pop (eh?! I doubt it) at ang mga kabaduyan sa mainstream. Isama mo na rin ang mga “tunog-jeepney na rap,” ayon sa mga kaibgan kong commuter. Walang masama dito, maliban na lamang kung magpapakasasa ka sa mga romantikong konsepto na tunog sa kahit anong genre pa yan.

Saka hindi patay ang OPM. Try mo kayang makinig ng indie. Speaking of which…

Pambansang usapin


Ay, matik na yan… lovelife na ang sagot d’yan. Ang daming problema ng Pilipinas, pero lovelife pa rin ang mas pinag-uusapan? Mabenta sa karamihan ng Pinoy e, may magagawa ka pa ba? Wala silang pakialam kung magtataas ng presyo ang mga bilihin (dahil “lagi naman eh” ang sagot ng iilan d’yan) o kung gaano ka-corrupt ang binoto mo noong nakaraaang eleksyon; dahil mas pinapansin ng mga Pinoy ang usaping lovelife, lalo na kung may koneksyon sa paborito nilang artista ang usapan.

Samahan mo pa ng kontrobersyal na bagay tulad ng away nila sa loob ng kwarto ng kanilang condo unit, o kahit ang sex scandal na inupload mula sa ninakaw na hard drive. Hay naku, may konek yan sa pag-ibig siyempre.

Pambansang palabas


Marami eh, may YouTube pa kung internet ang usapan natin dito. Marami kang pagpipilian, mula sa rap battle hanggang sa mga kontrobersyal na eksena, hanggang sa mga bulok na parody, hanggang sa mga sobrang gasgas na love story movie, at pati na rin ang mga replay clip, at music video ng mga baduy na mainstream artists.

Pero kung sa telebisyon lang ang sakop ng ating usapin ukol dito, wala nang tatalo pa sa mga teleserye. Oo, araw-gabi, panahon pa ng Hapon hanggang sa Panahon ni Macoy at mapahanggang ngayon, teleserye ang mas pinapatos ng karamihan sa atin. Kahit pinalitan lang naman ang mga artista, off-cam personnel at pamagat; at kahit pare-pareho lang naman ang mga commercial sa gap, mga anggulo ng camera, at generic na plotlines. Kumbaga sa Ingles, “same old shit.” Oo, parang tae lang.

Pambansang debate


'Di ko nga alam kung ano ang talagang isasagot dito e. Ang alam ko lang ay ganito: kapag pareho silang nagpapangalandakan ng kani-kanilang mga punto sa kanilang pinagtatalunang usapan, humahantong ito sa personalan na sumbatan tulad nito:
Pare A: “Tanga ‘pre. Hindi ganyan yan…”
Pare B: “Hindi, bobo ka e. hindi mo ba naiintindihan ang mga sinasabi ko?”

Hanggang humantong sa isang pisikal (o kung mas malala pa, patayan) ang isang maintin pero maliit na argumento. Hay naku, sino ba namang nag-aakala na may magpapatayan pa pala dahil lang sa ga-pisong halaga ng pulutan, yosi, o kung ano pa man yan?

Pambansang krimen


Sa dinami-dami ng krimen sa ating bansa, yung "riding-in-tandem" ang mas naglilipana. Kahit saan, tumitira, basta may motorsiklo lang. At siyempre, dapat dalawa kayo. mahirap nga naman kung isa lang ang aatake, ‘di ba? Eh 'di natulad ka sa mga nabugbog ng mga biktima at taumbayan sa kanilang pagkasadista sa krimeng iyong ginawa laban sa kanila.

Pambansang himig


Pusong Bato, at yung iba pang mga kanta na lagi mong naririnig sa radyo. Oo, hindi na nga “Lupang hinirang.” Sino ba naman kasi ang kakanta ng national anthem ng Pilipinas sa isang videoke? Kung sa mata ng mga kabaro mo yan, masabihan ka pa ng “abnormal” o “ano ka, kakanta sa laban ni Manny Pacquiao?”

Pambansang salita


Ang sagot diyan ay kahit anong mura, at sa kahit anong lengwahe o dayalekto pa yan. Pansinin mo, hindi natatapos ang isang araw para sa isang tao kung hindi niya mabaabnggit ang mga “tarantado,” “gago,” “puntanginamo,” at kung anu-ano pang msasakit na salita. Minsan nga kahit sa TV ay nakakalusot pa yan e. Kahit may MTRCB pa (“ito ay rated SPG…”).

Maliban na lang siyempre, kung ikaw ay disiplinadong personalidad sa media at yung mga santo talaga na pare at madre sa ating lipunan.

Pambansang gamit


Cellphone. Mas hi-tech, mas okay. Sa halos bawat Pinoy yata ay may cellphone na silang hinahawakan kesa sa pitaka o pagkain.

Pambasang kaaway

Mga tiwaling tao sa lipunan. Kabilang na rito ang mga kawatan, mga gahaman sa negosyo, mga alagad ng batas na mapang-abuso at mga pulitiko.

Isama na rin pala natin dito ang mga kontrabida sa paborito mong palabas. Yung tipo na pag nakita mo siya off-cam, susugurin mo at bubuhusan mo ng asido o sasagasaan mo ng pison. Lalo na kung kabit pa yung role niya sa relasyon niyo ng jowa niyo.

At may addition pa dito: yung mga tao na nagpapahayag ng mga opinyon sa Internet. Pag ayaw ng marami sa sibabi mo, pustahan, d'yan nagsisimula ang mga personal na tirada laban sa 'yo at tinuturing ka na rin na public enemy number one hanggang 'di ka mamatay-matay o hangga't di nila maamin ang kanilang kabobohan sa pamamagitan ng pagmu-move on.

Pambansang laro


Mga online game, o ‘di naman kaya ay yung mga app sa gadget mo. Wala na sa radar ng sinuman ang Pinoy Henyo. 'Pag oras lang ng Eat Bulaga ‘yun.

Wala ring sinabi ang basketball o boxing (dahil t’wing laban lang ni Pacquiao uso yun) sa mga online games. Daig nga rin nito ang chess e.

Mas napapansin ko pa nga yata na marami ang naglalaro sa computer o cellphone nila kesa sa mga tulad namin noon na ang hilig ay agawan base, piko, sipa at kung anu-ano pang mga larong pambata nun. Ni habulang-gahasa nga, walang sinabi sa mga modernong laro ngayon e.

Pambansang sakit


Pati ba naman ito? Oo, meron yan, at ang sagot d’yan ay “katamaran.” Iyan ang tunay na ugat ng kahirapan. Maraming tao ang tamad, mas piniling maging tambay, hindi mag-aral, at lumandi hanggang sa magkalaman ang sinapupunan.

Sa katamaran din nagmula ang sakit na pagiging ignorante, mangmang at arogante ng karamihan. Mangmang dahil pinili nila maging walang alam, at arogante dahil ipinapangalandakan ang kanilang ka-ignorantehan.

Sa totoo lang, ito ang dahilan ng mga tinatawag na “cancer ng lipunan.” Tulad ng trapiko sa kalye, pamumulitika, korpasyon, at ang pagiging walang disiplina ng ating mga kababayan.

Talo nito ang mga tulad ng cancer, ulcer, stoke, heart attack at kahit ang osteoporosis; dahil ang katamaran ay tulad nila, isang lifestyle disease din. Isang lifestyle disease na ang tanging gamot ay ang idisplina ang sarili.

Pambsansang inumin


Alak, at alak lang. meron nga diyan ginagawang tubig ang mga alcoholic drinks e. Daig pa ang softdrink at juice. Pansinin mo, may mga tao sa ating lipunan na walang ginawa kundi ang tumungga buong araw. Tapos 'pag nagkandaleche-leche na ang buhay nila, isinisisi sa alak.

Parang mga gago lang e no?

Pambansang hayop


Hindi na tamaraw ang pambsang hayop natin. Alam mo kung ano? Apat sila – kung hindi baboy, e di buwaya. Kung hindi buwaya, e di pagong. Kung hindi pagong, eh… mamaya ko sasabihin. Tignan mo na nga lang ang mga katabi mo dyan e parang baboy na kung umasta. As in ang “swapang” lang niya. Ganid ba. Kung kumain, akala mo mauubusan ng pagkain sa hapag? Kung makalabas ng bahay, putik yung pinanligo sa katawan.

Sa modernong bokabularyo ng mga pakelamaerong Pinoy, ang buwaya ay tumutkoy sa dalawang aspeto. Kung sa basketball ang usapan, yan ay yung taong swapang sa bola. Hindi namamasa sa kakampi, sa kalaban o kahit sa referee. At yung pangalawa naman ay tumtukoy sa mga tiwaling tao sa larangan ng pulitika.

Sa totoo lang, nagtataka rin ako kung bakit dinagdag ko pa ang pagong dito e. Siguro, dahil na sa pamabasag-linya na “Kwento mo sa pagong!”

Ay, may pang-apat pa pala no? Ano yung huling pambasang hayop? Yung ex mo. Kaya nga minsan nauso ang joke na ito e:
Tanong: Anong hayop ang nagsisimula sa X?
Sagot: eX-boyfriend!
Hay, naku.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

10 comments:

  1. Uso pa naman ang salitang "Pambansa". Lahat nga ng bagay dito sa Pinas kinakabit ang salitang yan. Pambansang kamao, pambansang ilong, pambansang bading, marami pa. Minsan tuloy nawawalan na ng saysay ang salitang yan. :|

    ReplyDelete
  2. Pambansang musika (isang alternatibo sa K-Pop) - OPM. Oh Philippinized Music ang namamayagpag na pagko-cover ng mga foreign songs ng mga walang talentong 'singers' at pagbulusok ng tunay na original Pinoy music.

    ReplyDelete
    Replies
    1. reality though is that since time immemorial din nag-eexist ang ganyang kalakaran. it so happened na these recent years lang sya napansin dahil sa advent ng mga umuusbong talento sa pamamagitan ng YouTube, Facebook, etc.

      Delete
  3. Yeah uso pa nga ang salitang "pambansa". Napansin ko kasi ang hilig nating mga Pinoy na magbigay ng mga "labels" sa lahat ng bagay. Pero hindi naman lahat may sense. Yung mga may sense lang na "pambansa" ay yung mga nasa libro ng sibika pero yun nga, karamihan sa atin ngayon eh hindi naa-appreciate ang mga yun.

    ReplyDelete
  4. I think i have read this before. lol but you incredibly make it more than 10 kinds of "pambansang" something. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Let me guess, sa So, What's News ba yun? Well, maybe I have been holding this piece in my drafts for too long. LOL!

      Delete
  5. Oo nga naman tumpak na tumpak ang article na Ito,my copy po b Ito sa bookstore?makabili nga hehe ...correct po kayo,pero bt d kasako ditto tong about sa PDaf scam???hope marami mkabasa nito!!goodluck Godbless!!

    ReplyDelete
  6. Madami kasing tawag kasi sa mga pambansang kahibangan. Pero sana yung mga tawag na Pambansang pagkain at iba pa ay sana nde mabago.

    ReplyDelete
  7. Sa panahon ngayon halos lahat na ng sikat o uso e may kaakibat na pantawag. Mga Pilipino pa, uso sa atin ang bigyan ng LABEL halos lahat ng bagay.

    ReplyDelete
  8. Sobra kasi na O.A. tayong mga Pinoy, kaya ang mga makabuluhang kulturang Pilipino nawawalan ng kabuluhan. Nakakalungkot pero un ang katotohanan at un din ang natututunan ng mga kabataan ngyon.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.