6/7/2014 11:41:05 PM
Sa panahon na sinusulat ko ang blog post na ito, ay kasalukuyan kong pinapanood ang Retro TV, isang programa ng IBC-13 na umere muli nitong nakaraang Sabado ng gabi, (dakong alas-10 yun, to be exact).
Sa panasamantalang pagtangkilik sa programang yun, na ang nag-host pala by the way ay si Drew Arellano, isang episode ng TODAS at Sic O Clock News ang umere.
Bigla kong naalala, at lingid ito sa kaalaman ng maraming tao sa panahon ngayon maliban na lamang kung matalas pang memorya mo noong dekada ’80, maliban pa sa mga masasalimuot na alaala ng Martial Law—na isa sa mga tanyag na istasyon ng telebisyon noon ay ang channel 13, o trese, o kung masyado kang mahilig sa teknikalidad at terminolohiya, ang Intercontinental Broadcasting Corporation.
Pagmamay-ari ito ng isang Roberto Benedicto, isang media chain owner din, noong kapanahunan ng rehimeng Marcos. Yun nga lang, pagkatapos ng 21 taon ng kanyang panunugkulan, ay isa rin ito sa mga na-sequester. Meaning, napasakamay ito ng pamahalaan mula pa noong 1986, at hanggang ngayon.
Pero sa dekada ’90 naman ay umuusbong pa rin naman ang trese, kasama ang RPN 9, ABS-CBN 2, GMA-7 at ang bago lang din nun na ABC-5. Naging tahanan nga sila ng mga laro ng Philippine Basketball Association (PBA) ng mahigit isang dekada. Naging
isang premier sports channel na maituturing dahil isa rin sila sa mga nagcover
ng mga laro ng boxing at ultimo ang WWE dati na kilala pa bilang WWF o World
Wrestling Federation (well, yung huling halimbawa ay ayon sa aking erpat; pero correct me if mali ako dyan).
At ang
dalawang programa na pinanood ko ay kabilang lamang sa ilang bantog na sitcom
nun sa kasaysayan ng Philippine Television, at ilan din sa listahan ng mga
astig na prorama nun ng IBC.
At kahit
noon pa man, isa sa mga trademark ng IBC 13 ay ang pagpapalabas ng mga programa
na naglalarawan sa kultura natin. Oo, ang kultura ng Pilipino. Ang Tipong Pinoy
(na by the way ay pinapalabas din pala sa Knowledge Channel, ang educational
channel ng Sky Cable) ay isa sa mga programa ng 13 mula pa noong 90s. Yun nga
lang, hindi ko maalala ang pangalan ng babaeng host nito at ang pagkakaalam ko
ay ang kasama niya dun ay ang musikero at anak ng batikang news anchor Mel
Tiangco na si Wency Cornejo.
Sa ngayon,
ineere pa rin yata nila yun, kasama ang 2010-ish produced na CoolTura, at ang A
Taste of Heritage.
Ngunit kung
ano ang kasikatan noon ng trese, ganun naman ang kabaliktaran sa nakalipas na
mga taon.
Maaring naging
patok ang IBC 13 dala ng kanilang blocktimer agreement sa Vintage Sports
at PBA nun, pero tila ito rin ang naging
ugat ng pagkabagsak nila. Ayon sa taong nakausap ko sa istasyon nun, (o sige,
para maging lehitimo ito, propesor ko siya sa eskwelahan nung kolehiyo aako and
at the sametime, isa siya sa mga pinakamataas na tao sa channel na iyun), ay
hindi sila nabayaran ng liga at naging ugat ito ng kanilang pagkalugi.
Hindi naman
siguro sila tuluyang bumagsak. Pero hindi na rin sila kasi basta-basta
makasabay sa ibang channel nun, particular sa dos at siyete nun na dalawang
higante sa industriya. Kahit sa kabila pa ito ng katotohanan na nagiging
blocktimer channel sila sa iba’t ibang mga production outfits sa bansa tulad ng
Viva.
Sa panahon
na naging estudyante niya ako, naging OJT ako sa istasyon nila. At kitang-kita
dun ang ebidensya nun na napaglumaan na ng panahon ang mga pasilidad nila.
Naging tila isang bodega na lamang ang isang dako ng studio nila sa dami ng
kagamitan, sira man o hindi. At halata sa set-up nito ang edad. Ngunit sa
kabila naman nun ay kaya pa rin nila makagawa ng programa tulad na lamang ng
Extra Expres, kung saan ay ang kakalse ko nun sa Mass Comm ay naging segment
host nila.
At sa
panahon na rin na yun ay naging extra nila ako sa isang segment ng programang
pinagtatrabahuan namin. Minsan din ay naging assistant cameraman ako para sa
isang report ukol sa posibleng privatization ng IBC-13, bagay na wala na akong
balita kung natuloy ba o ano na.
Apat na
taon na ang nakalipas, at may pagmamay-ari na ang Channel 9 na kahanay nila sa
Broadcast City. Basta, ang pagkakaalam ko ay matapos ang dalawang taon na
nakipag-partner sila sa Channel 5 para maging AKTV ang 13 mula 5-11 pm kada
gabi, ay naging blocktimer sa kanila ang ATC or Asian Television Content, at
naging coverer sila ng ONE FC (One Fighting Championship) kahit sa sandaling
panahon.
At mukhang
nag-eere sila ulit ng mga orihinal na programa nila tulad ng mga binanggit ko
sa mga naunang bahagi ng post na ito.
Sayang nga
lang at hindi ko napansin kagad ang pagkakataon nun na naghahanap sila ng mga
news writer. Pero ayos lang, ganun talaga ang buhay. At least, rejuvenated na
nga ang peg ng news studio nila eh. Bagamat mas trip ko pa rin ang delivery
style ng anchor ng Express Balita nun.
Well, at
least, may mapapanood pa rin ako. Yun ang bottom line d’yan.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
Speaking of Drew, Iya Villania first appeared also on IBC-13 bago pa siya sumikat ng husto. I remember, her show on that network was like an interactive game show na involved ang cellphone at ang pagte-text. I forgot the title of her show eh, pero basta parang TxtTube ang format ng programa niya.
ReplyDelete