Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

26 July 2014

Erroneous

6/14/2014 11:50:32 AM

Noong unang mga araw ng buwan ng Hunyo ay ginulantang ang mga tao ng mga balita na may kinalaman sa isang seryosong gawain ng tao sa kanyang buhay—ang pag-aaral. Hindi ito usapin na maraming estudyante ang pumasok, kakulangan ng classroom, o kung may naiulat na kaso ng pangbubully sa eskwelahan. Kundi ang mga mali sa textbook.

Mararami raw na error sa mga larangan ng pagsasagot, grammatika at ultimong typographical. Bagay na talaga naman, sa mata ng mga magbabasa, ay mapapataka ka. Dahil inaasahan na ang mga textbook ay isang napakaperpektong produkto, gaya ng mga ibang klase ng libro, iba pang babasahin at kung anu-ano pang tinatangkilik natin.

Dapat ay 100% free from error ang mga ito, ika nga nila. At kunsabagay, ito na lamang yata ang dapat na maisagawa sa “perfection” kung ikukumpara sa mga tipikal na babasahin, dyaryo man, magasin, o artikulo sa mha samu’t saring news portal ang blog sites sa mundo ng internet.

Pero kung gaano man tayo kabilis sa pagpuna ng mga ito, ay lingid din sa kaalaman natin kung paano nga ba sila naisasagawa na maging isang libro, mula sa manuscript hanggang sa pormal na pag-imprinta papunta sa pagdeliver nito sa merkado at mga paaralan.

Sa madaling salita, hindi madali ang gawain ng mga tao sa likod ng book-publishing ang pagsasagawa nito. Para sa pag-intindi ng mararaming mahihilig tumungin sa mga simpleng kapuna-punang bagay sa parehong mababaw at malalalim na aspeto, ay may proseso ang paglilimbag ng libro. Hindi yan tulad na lamang ng pagpasa ng isang manuskripto ng isang awtor (o sa ilang kaso, ay lupon ng mga manunulat) sa isang publisher at presto maililimbag yan in an instant. Oo, kahit sa panahon ngayon, ay marami na rin ang nag-aalok ng “self-publishing” ways and means.

Sa usapan ng textbook, ilang beses pang sasalain pa yan ng mga editor, ang staff nito sa graphics at lay-out, ang lahat. Nakikipag-uganayan din sila sa mga awtor para sa feedback, kung ayos ba ang gawa niya o talaga namang isang “basura,” o “may potensyal,” pero kulang pa sa pukpok. May mga awtor na sobrang palpak sa paggawa ng isang sipleng pangungusap lamang. Mayroon din na natatypo sa kanilang pagsusulat. Meron din naman yung mga sirkumstansya na talaga namang tinatawagan ng concern sa itaas, kung paano ito mareresolba sa ngalan lamang ng trabahong maisagawa.

Ilang revisions pa ang isinasagawa diyan. May deadline pa silang hinahabol, na dapat ay matapos ang libro na iyan sa ganitong takda ng panahon. At ang isa nga lang problema dito ay ang pagbalanse sa kalidad at panahong nilalaan. Kung kailangang madaliin, may makokompromiso talaga.

Bakit ko sinasabi ang mga ito? Dahil simple lang: masyado tayong mapagpuna sa mga bagay-bagay na nakakalimot tayo na hindi yan basta-basta isinasagawa.

Alam ko, may bibira na “eh baka hindi naman inaayos ang trabaho nig mga to.” Di rin sasapat yun, tol. Tao rin naman sila (yung tagagawa ng libro) na tulad mo. Buti nga may textbook ka pang nahahawakan eh.
Baka magulat ka na lang kung sa mga susunod na taon ay sa halip na libro ang mabasa nila ay nasa tablet na. Senyales man iro ng pag-unlad, kaso patunay rin ito kung gaano tayo katamad magbasa.

Oo, lalo na kung can’t afford mo naman ang makaiskor ng modernong bagay tulad niyan.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!