7/15/2014
11:14:35 PM
Anong meron
sa poster na ito?
Gangster
daw.
Whoa.
Talaga ha? Gangster ampucha. Bakit ganun namana ng itsura, parang albularyo
daw?
Ang daming
argumento ukol rito, maliban pa siyempre sa mga papuri mula sa mga tagahanga,
sa pelikulang She’s Dating A Gangster ng Star Cinema. Oo, marmaing umaangal,
mula na ‘yan sa mga kaliwa’t kanang lupon ng tao mula sa mga lehitimong
gangster mula sa mga wannaebeng mga jejemon at ultimong mga KathNiel fans mismo
at dun na rin sa mga tagahanga ng nagsulat ng kwentong yan (na by the way, ay
isang produkto ng WattPad bago napunta sa Summit Media at Star Cinema).
Oo nga
naman. Pucha, bakit ganyan kasi ang itsura?
May isang
argumento na ganyan raw ang pagkakadescribe ng nobelista sa karakter na
ginampanan ni Daniel Padilla.
Ganun? Oo,
ganun nga.
So, kung
kidding aside, mukha siyang galing sa panahon ng retro. Ganun? Pero, ganun nga
ba ang gangster sa panahon na yun? Parang ang labo lang ah. Mahaba ang buhok,
tapos yung headband niya ay parang isang gerilya o isang lehitimong albularyo
nga. Parang hindi raw bumagay sa kanya.
Kaso kung
ganun man ang pinaglalaban mo, may magagawa ka pa ba?
Kung dikta
man ng awtor yan, magagawa ka pa rin ba? Kung sa totoo lang ay hindi naman
talaga gangster ang papel niya dyan (at tinawag lang siya na “gangster” kung
tutuusin), may magagawa ka pa rin ba?
Ala naman
sabihin mong bobo o mangmang ang manunulat o ni ang researcher o wardrobe at
production designer ng pelikulang yan, ano?
Pero kung
taliwas man ito sa mga prinensentang anggulo, aba’y parang hindi rin naman
tama yan. Kasi kung gangster lang naman ang usapan, tumingin ka na lang sa
paligid ng Maynila o Nangka, o sa Commonwealth, o sa Sanggadaan, o kung saan pa
yan. Makikita mo na karamihan sa mga gangster ay kahalintulad ang itsura sa
Grand Theft Auto San Andreas o yung mga ghetto sa West Coast.
Hindi ako
fan, at ni hindi rin hater. Pero kung gusto talaga pagmukhain ng pelikula na
gangster si DP, eh di gawin nila na kahit papaano ay lehitimong G naman (kahit
na OG, mga dre). Dahil sa totoo lang, mukha na yang mediocre eh. Joke time ba.
Baka nga kung may nagsusuot ng ganung fashion style sa totoong buhay ay hindi
niya ipagyayabang na gangster siya eh.
Kaya sa
totoo lang tuloy, nakakkarimarim na lang pansinin na ginagawang katawa-tawa ang
mainstream eh. Oo, sabihin na natin na “teka, mali ka,
Slickmaster.Namimisinterpret mo lang yata ang pinoportray niya.” Pero ito rin
ang problema, at hindi ito para sa sanity ko, kundi para na rin sa mga manunood
n’yo (tutal hindi ko naman kaedaran ang SDTG): alam n’yo naman na ang patron
niyo ay hindi nakakaunawa ng malalalim na bagay, at siguro yan ang gusto niyong
ipalabas (at siguro, este, panigurado, ay marketing strategy na rin yan para
manood ang karamihan sa atin ng peklikulang yan). Pero bottom line is, ang labo
pa rin eh. Yan, gangster? Come on, give me a break!
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
This is what's become of our film industry... Hehehehe! :P
ReplyDeleteHAHAHAHA! Sa totoo lang, nakakainis 'yong mga taong napaka-judgmental. Hindi muna panuorin dahil baka may explanation sa pelikula kung bakit ganun itsura niya. Besides, hindi naman dapat 'yong physical appearance nung karakter ang problemahin nila. Ang dapat nilang isipin, bakit mga ganitong klase ng pelikula ang pinalalabas sa sinehan natin!
ReplyDeleteSang-ayon ako sa punto mo tungkol sa deskripsyon ng manunulat kaya ganun malamang ang itsura. Ang masasabi ko naman roon e dahil ito naman e pelikula, merong kalayaan ang filmammakers nito na baguhin ang itsura base sa kanyang vision, pwera na laang kung ang vision nya e ganyan talaga.
ReplyDeleteHindi rin ako makakapagbigay ng ganap na opinyon dahil hindi ko pa napapanood (at wala akong planong panoorin) ang pelikula. Pero, ang pinakapunto malamang rito e kung karapat-dapat ulanin nga ng pang-uuyam si Daniel Padilla dahil sa itsura nya. Sa tingin ko e wala sa wardrobe iyan. Kahit siguro, paglaruin ng GTA ang mga costumers at producers nito e hindi na nila mapapaastig si Daniel. Ewan ko, hindi ako gaanong nakatutok sa Pinoy showbiz, pero ang nakukuha kong impression e malayo sa gangsta ang imahe ni Daniel Padilla - ke layo ke Robin e.
Hindi kaya ang problema e casting? Kung sabagay, bubblegum teen movie naman siguro ito kaya't malabong umasang tunay na astig na artista ang gaganap.
Ngayong generation na to,ang mga nagustuhan ko yung Asyong at OTJ. Hindi ako pala nood ng pelikulang Pilipino sa kadahilan na madaming hindi marunong umarte at masyadong mababaw ang kwento.
ReplyDeleteI agree di naman talaga mukhang gangster parang jejemon na pinipilit na maging gangster/poser hehe
ReplyDelete