Parang kailan lang, ano? Nangalahati na
pala ang taong dos-mil-katorse, o dalawang libu't labing-apat, o simplehan na lang natin... 2014. Pinuno
na naman tayo ng mga balita't kontrobersiya. May mangilan-ngilang
patok talaga, at maari pa ring pag-usapan hanggang ngayon.
At mayroon din naman yung nakakatangina lang. Parang mga 'to.
1) Handicap match
http://newsinfo.inquirer.net/ |
Okay. So may nabugbog sa isang
condominium sa Taguig, tapos ang biktima ay ang Showtime host na si
Vhong Navarro. At ang mga kontrabida diumano sa teleseryeng ito? Sila
Denice Cornejo at Cedric Lee.
Shet, 2-on-1 ang peg, parang handicap
match lang ng wrestling ah. Kaso, ginatungan na naman ng media. Oo,
sa ngalan ng ratings. Tanginang yan.
Ano naman kung nabugbog siya? Ano naman
kung nagahasa siya? Ano naman kung nabulatlat ang mga kabalsatusgan
ng tatlong mokong na ito? Tapos ano naman kung may mga nakisawsaw na
sa kanila?
Yan tayo eh. Ang hihilig nating
pumiyesta sa mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad na lamang ng
bugbugan nila. Ano kaya kung kumain na lang tayo sa condo, at gawin
yun ng isang minuto. Pero, hoy, ginusto mo yan ha? Kaya wag kang
aalma ng “rape” (sipain kita dyan eh).
Dahil nga dyan ay naglipana ang mga
side-issues sgaya ng paglantad ni ganito, ni ganire, tapos yung mga
kumento ng mga ex ni ganito... Naknangpucha naman. Mas malala pa sa
taba ang lasa nito ah.
Matapos ang mga serye ng relasyon na
nauwi sa sari-saring pagkumpisal, tulad na lamang ng may anak siyang
mentally-challenged, nagka-tulo, at naging babaero ang pinakasalang
asawa, ayan na naman siya... umamin na may karelasyong alkalde. At
hindi lang ito basta “mayor” ha? Mantakin mong hawak niya ang isa
sa mga pinakamalaking siyudad sa bansa. At dati rin siyang aktor.
Kaso... ano naman ngayon? Kailangan
bang ibulatlat yan sa mainstream media? Sabagay, anak ng dating
presidente at kapatid ng kasalukuyang presidente. Yung pangalan pa
lang na yun ay isa nang news-worthy element eh.
Kaso ang sinasabi ba niya ay “ay
worth” ba naman? Nung umamin na nakipagbreak, ayun, kawawa na naman
ang imahe ng mga kalalakihan. Haba raw ng hair ni Mayor Bistek? Yun
ang pinakawalang kwentang segment sa programang The Buzz nung
nakaraang Linggo.
Naturingang “queen of all media”
raw. Oprah of the Philippines pa nga. Kaso, may problema tayo, madam:
nakalimot ka na ba sa interview etiquette? Kahit isang pipitsugin o
tatanga-tangang broadcast practitioner ay hindi gagawin yan eh. Oo,
kahit si Jun Sabayton o Michael Fajatin pa yan.
Saka isa pa: alam kong proud ka sa
achievement ng anak mo. Pero hindi kailanman naging okay ang sabihing
tinalo ang Spider-Man ng My Little Bossings. Try mo ipalabas yan sa
panahon na ineere rin sa sinehan ang iba pang comedy mainstream local
films gaya ng Da Possessed, at pustahan, hindi ganun tatabo sa
takilya yan. Ang mga banyagang pelikula ay hindi kailangang lumahok
sa mga komersyong-tema ng patimpalak para lang kumita nang kumita
nang kumita.
Ayun, so nagga-ganja raw ang dalawang
miyembro ng sikat na pop music band One Direction. Eh kaso, ano
naman? May magagawa ba yan sa solidong fan base na kinabibilangan ng
mga malalanding bata? Asa pa tayo, 'oy.
At anong ipapaban mo ang 1D na
magkonsyerto sa Pilipinas? Baka mamaya nyan ay sunugin ng mga
gunggong ang simbahang pinaglilingkuran mo. Kaya ingat-ingat ka kung
magsasabi niyan. Kitam mo ngang may gana pa silang gumasta ng
dissyete mil para sa ilang oras na libangan na kung tawagin ay
konsyerto?
At pag hindi pinagbigyan ng mga
magulang nila ay daig pa sila Totoy Golem at Asiong Salongga kung
mag-siga (sipain ko kayo dyan eh).
Masamang ehemplo ba? Eh bakit niyo kasi
hinayaan na panoorin ng mga bata ang mga music video nila? Saka isa
pa: ang kalakaran sa panahon ngayon ay ganito—ang pag-aartista
(kahit sa larangan ng pagkanta) ay para kumita ng pera, hindi para
kumita ng tagahanga.
At may nagalit nung nagbitaw lang sila
ng kumentaryo? Patunay lang siguro yan kung gaano rin kabias ang
media sa pagbibitaw ng opinyon alinsunod sa kulturang nakagawin
natin. Pero patunay rin yan kung gaano ka-immature ang taste natin sa
pop culture!
5) Trending scenes
So, nagtetrend ang mga tagpo sa palabas
na ito, ano? Sabagay, reality bites nga naman kasi. Maraming mga gago
at manloloko sa aspeto ng relasyon; at kahit sa buhay mag-asawa pa
kamo.
Pero, ano pa bang magagawa mo maliban
sa manood, 'di ba? Basura na nga ang pinapakain sa 'yo ng mainstream
media, 'di ba? Ay, may option pala. Either balita, o mga sporting
events. Yun pa mas okay.
May ka-level ba? Yung Diary Ng Pangit,
na overrated raw diumano sa mata ng iilan? Nah, hindi ako aakma sa
ganyan, mga tol. Hayaan ko na lang magbigay ng kuro-kuro yung mga
nanuod niyan mismo.
Nagbanta ang isang bruha na ilalaabas
ang sex video ni Leila De Lima. Okay sana kung nasa kabataan pa ang
mga 'to eh.
Kaso, nakaksura kaya. Lalo na't sinabi
pa yan ni Sandra Cam, na hanggang sa ngayon ay napapataka pa rin ako
kung sino ba ang babaeng ito, in the first place.
Away-bata na naman ang anggulo ng
kwentong ito. Kumbaga sa pagkain na ang pinakamain dish ay pork
barrel scam, ay sila yung desert na tinitira madalas ng mga bata.
Tapos, yung mga “bata” na yan, ay yung mga taong
nagse-sensationalize ng kwentong yan – ang media (where else?).
Maraming na-badtrip sa isang food blog.
Di raw masarap ang Filipino food. Alam mo, as much as gusto kong
magdisagree sa sinabi niya, naintindihan ko rin kung bakit ganun na
lamanag siya ka-hasty mag-generalize.
Pero dahil likas tayong mga patola,
ayan na naman tayo eh. Parang mga gago lang ah. Ano bang magagawa mo
kung ganun ang taste buds niya? Ikauunlad ba ng cusine natin ang
kanyang pag-criticize samantalang may pinaglalaban ang aleng ito sa
kanyang mga foodie adventures?
8) Racist!
philstar.com |
Sa totoo lang, wala akong nakikitang
punto kung bakit pa natin kelangang patulan ang Singaporean blog na
nagbitaw ng racist mark sa mga Pinoy. Siguro, kung may matinong
grounds dito ito ay yung: una, pag ginamit niya ang pangalan ng
bansa; at pangalawa, kapag nag-generalize siya.
Pero ang pagreact natin sa sinabi nila
ay patunay lamang na racist din tayo. Oo, racist nga tayo, sa ating
mga sari-sariling karapatan. Ang lalakas nating mangbulyaw,
mang-asar-mang-alipusta, o manapak ng ibang tao, samatalang pikon rin
pala tayo sa kanila pag sila'y gumanti?
Gago pala 'tong mga 'to eh.
Ayos na sana ang pagbibitaw ng pahayag
sa isang privilege speech. Kaso, may sabit: bakit ginawa mo pa itong
entertaining? May music video pa na sariling komposisyon! Astig!
Pero para sa isang lugar na seryosohan
ang palagiang diskurso gaya ng Senado, tangina sino bang tanga ang
hihirit ng ganyan? Ano 'to, comedy bar? Variety show?
At mas masaklap, maliban sa pagtuligsa
niya ay ito pa ang mas napagtuunan ng pansin? Sabagay, kung may
nagsapakan sa opisinang yan ay bebenta rin sa takilya. Pero for
fucking damn sakes naman: let's get fucking real here.
Patunay lang yan kung gaano na
kashowbiz ang pulitka sa ating bansa, sa sobrang showbiz, aba'y hindi
na rin kataka-taka kung bakit ganito rin ang takbo ng bulok na
sistema sa atin.
10) Pacball
spin.ph |
Mula boxing hanggang sa showbiz
hanggang sa pulitika hanggang sa... basketball?! Seryoso ka ba d'yan,
kuya? Well, wala sanang masama dun. Yan ay kung sasali rin siya sa
tamang proseso gaya ng pag-apply sa rookie draft.
Kaso kung para-paraan lang naman ang
usapan... ay, *tweet* technical foul na yan!
Saka pwede ba, tama na ang mga papogi
maglaro sa PBA? Mas okay na yung mga “bisaya” maglaro eh (ayon
yan sa mga tropa kong siga sa basketball court namin)!
Alam ko. Last year pa ang balitang ito.
Pero dahil may bagong development na naman sa kwento nila, ayan na
naman tayo eh, pinatulan ng publiko at ginatungan pa ng mainstream
media. Hanggang sa nakanganga na naman tayo.
Anak ng pating. Ngayon lang ba tayo
nakakita ng away-pamilya? Akala kasi natin sa teleserye lang ito
nagaganap. Ay, mali, sa kapitbahay niyo rin pala tutal may
pagkatsismosa ka. Aminin!
Kasabay ito sa pagputok ng balita ukol
sa pag-aresto kay Senador Bong Revilla. Uy, sila na raw—sila Sarah
Geronimo at Maetteo Gudicelli.
Eh kaso, ano ngayon? Ano na naman bang
bago sa pagpuna sa lovelife ng mga artista? Buti na lang namatay ang
pag-attempt na isensationalize nito. Tama yan, mas tutukan natin ang
mala-Kap's Amazing Story episode ng pag-aresto.
13) Challenge accepted?!
Dahil sa isang challenge, nalagay sa
alanganin ang palabas na Pinoy Big Brother. Dumating sa punto na
kailangan pang ipatawag sila ng MTRCB, ay mali, ng Senado, para lang
ma-sanction ang PBB. Nilabag daw ang Magna Carta. Patay tayo dyan.
pep.ph |
Kaso, pustahan, sa ilang taon na
susunod, may panibagong palabas na masasangkot sa kahalintulad na
isyu. Kaya siya naging isang walang kwentang balita—dahil ang
mainstream ay hindi matututo pagdating sa ethical standards. Basta
for the sake of ratings at revenue, go lang nang go.
Speaking of which...
14) Scripted!
So, umere na ang PBB bago magtapos ang
buwan ng Abril. Eh kaso, ano ngayon? Naglipana ang mag tweet ukol sa
pagiging “scripted” nito diumano.
http://ffemagazine.com/ |
Asus, ano pa bang bago sa mga ito? Mas
malala pa nga ang pagkascript nito kung ikukumpara sa WWE eh. Ang
pinagkaiba lang nito ay hindi nabigyan ng hustisya masyado ang mga
nag-audition na ordinaryong Pinoy (mantakin mong naging venue pa nito
ang Araneta Coliseum para pumili lang ng housemate?!).
Saka, karamihan sa mga reality show
ngayon ay naglalarawan man nag totoong kilos, pero may kanya-kanyang
plot pa rin yan na sinusunod. So, bottom line: may script pa rin.
Saka ilang beses na nating naririg yan,
hindi pa rin kayo makaget-over? Try mo patayin yang telebisyon mo at
matuto ka naman magsaing at magluto ng ulam mo, at baka sakaling
sumaya ka pa.
Minsan, naisip ko tuloy. Parang lumang
kanta ng Bee Gees lang. Ang siste, the joke was on us. At ano na lang
ang maari nating sabihin? Walang iba kundi... Boom Panes!
http://excretaonline.com/ |
Author: slickmaster | ©2014 september
twenty-eight productions
And all these were aired as part of prime time news.
ReplyDeleteThough with the Singaporean blogger, I did report that to google. I guess many did, since it's already been taken down.
Gaya ng kalimitan mong mga posts, magkapareho tayo ng opinyon. Nangunguna rin sa listahan ko ang hindi ko maintindihang pagkaengganyo ng mga Pinoy (o at least 'yung mga ka-FB ko) sa isang bugbugan na sangkot ang isang minor (baka major at mali ako dahil hindi ko na kilala ang mga artista sa Pinas) celeb. Pinag-uusapan si Vhong Navarro? Isama na riyan ang lahat ng mga shobis tsismis. Tsk.
ReplyDeleteI totally agree with you 98% haha! One because I care that Sarah finally has a love life. Two is because I even wrote to that food blogger that she went to the wrong places in the Phils and that she's lucky to not have caught hepa or anything worse than a stomach ache like having her purse snatched.
ReplyDeleteJuly 6, 2014 at 4:47 AM
Agreed on all points man... It's good to know that there's still a civilized person in this God-forsaken land of ours.
ReplyDeleteDami kong tawa dito! 100 points ka, sir. Dami walang kwentang balita sa Pilipinas.
ReplyDeleteHindi ako masyadong ma-showbiz na tao so I don't really now the details of the showbiz news here. Pinaka interesting na sa akin yung pag amin ni Sarah G. na sila na ni Matteo. Haha!
ReplyDeletenasasayang lang ang oras naten sa mga worthless na balita na yan eh!!
ReplyDelete