7/29/2014
3:44:45 PM
Nakakadismaya
nga naman, ano? Akalian mo, isang basketball game sana tampok ang mga manlalaro
ng NBA at ang Gilas Pilipinas, nakansela pa sa pamamagitan ng “last minute
announcement” noong gabi ng Lunes, Hulyo 21, 2014, sa Smart-Araneta Coliseum sa
Quezon City.
Ayan tuloy,
nauwi sa scrimmage ang dapat sana’y isang exhibition contest.
At ang
siste, mantakin mong magkano kaya ang binayad ng karamihan sa mga ‘to? Balita
raw ay mual P750 hanggang P23,300. Wasak, men.
23 thousand
para lang sa isang tila practice session? Seryoso ka ba?! Mukhang mas mura pa
yata ang ticket para sa alimang contest ng NBA Summer Vegas league nito ah.
Pero ‘wag
kang basta-basta magagalit. Ayon kasi sa oraganizer nila ay “wala raw naman
talagang game na magaganap.” Pero tangina, ang laking joke naman nun. Nag-imbita
ka ng mga manlalaro mula sa National Basketball Association tapos ang sasabihin
mo ay hindi naman sila maglalaro ng 5-on-5?
Tangina
ulit. Nagpapatawa ka ba? Siguro yan ang dahil sa expectation na rin ng mga tao.
Of course, maliban na lang yan siguro kung sadyang bisita lang ang hangad nila
sa bansa, o dahil naimbitahan silang isang outfit apparel? O dili naman kaya’y
“bakasyon” lang talaga.
Once na
nagdala ka ng mga manlalaro mula sa NBA, nine times out of ten ay expected na
maglalaro yan, lalo na kung marami-rami pa ang naimbitahan mo. Kaya masisisi mo
ba sila kung yan ang inaasahan nila?
At hindi
pala excuse dyan yung statement na “hindi nga namin inadvertise na may laro ang
mga yan.” Sa mga taong gutom sa basketball, at sa pagcrave nilang makapnaood ng
mga mala-NBA na laro gaya na lamang last year sa MOA Arena, hindi talaga excuse yan. Good luck kung sa
kabila ng pagpapaliwanag mo ay papakinggan ka pa nila. Dahil bottom line dyan
ay gumastos sila para dyan at umaasang may mapapala sila na mas maganda kesa sa
alinmang teleseryeng tinatangkilik nila sa TV at pati na rin sa pelikula, sa
mga laban ng UFC, PBA, UAAP at WWE.
At oo nga
pala, ‘tol. Ilang NBA player ang inimbitahan mo. Partida hindi pa dumating sila
Blake Griffin at Paul George niyan.
Ano nga ba
ang dahilan kung bakit nakansela ‘to? Hindi raw kasi sumunod sa mga
alintuntunin ng NBA ang organizer nito.
Sa totoo
lang, hindi PLDT ang may sala nun (dahil hindi sila ang ang-organisa nito).
At dahil
dyan, may refund silang inaalok para sa mga hindi naging masaya rito, bagamat
ang sinabi rin nila ay para rin naman sa charity ito. Oo, sa mga biktima ng
bagyong Yolanda.
Sa unang
banda, baka masumbat mo na naku, dinamay mo pa ang kalamidad. Pero sa kabila
naman, maaring masabi rin na aba, nakatulong pa pala ako.
Pero dahil
kayo naman ang gumastos, prerogatibo niyo na ‘yan.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
Habey! hahaha. Uulitin pa kaya nila ung ganitong eksena? Hindi sila nag promote pero sa PBA, panay ang annouce nyan? :))
ReplyDelete