5/24/2014
6:04:59 AM
Isa sa mga
sakit ng tao ay ang “katamaran.” Daig pa nya ang kanser, heart attack, at
stroke kung tutuusin. Kung may pambasang sagisang ang mga karamdamansa ating
lipunan, ito yun. Oo nga,ang katamaran. Bow. At isa sa
mga kalunos-lunos na resulta ng ating pagiging “katam” ay ang pagkakaroon pa ng
isang kumplikasyon na kung tawagin ay “last minute syndrome.”
Daig pa
nito ang “last two minutes” (mas okay kung ang magsasabi nito ay yung lumang
coliseum barker sa PBA; yung medyo monotonous ang dating) sa basketball. Dito,
mas clutch ang mga tao. Mas nagmamadali. Mas maraming napapraning. At mas
maraming umiinit ang ulo na humahantong sa kanilang pagkadismaya.
Kaya ang
resulta ay magpaparinig sa Facebook at magwiwika ng “Putanginang COMELEC yan!
Wala na raw extension! Samantalang dumating naman ako ng last day para
magparehisto!”
Naku, buti
na lang, wala akong nakikitang nagpost ng ganito sa network ko last time, kasi
baka mapahirit din ako ng “Ang haba-haba ng panahon nilaan sa inyo ng Kumisyon
ng Eleksyon (pasensya sa translation) , hindi mo ginawa ang isa sa mga
mahahalang tungkulin mo bilang mamamayanng Republika ng Pilipinas?”
Aba'y kung hindi
ka rin kasi nuknukan ng pagiging tamad at gago, eh no?
Pero hindi
ang applicable sa voters registration ang tinatawag na “last minute syndrome.”
Maari rin sa ordinaryong bagay na nagagawa natin sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
Pag ika’y
estudyante at hindi ka nag-aaral until dumating ang time ng exam mo, malamang
nagka-cram ka. Mabuti sana kung may “stock knowledge” ka talaga. Mahiya ka naman
sa mga magulang mo ‘oy. Bulakbol kasi at kalandian ang pinapairal mo madalas
eh.
Kapag
nahuhuli sa mga “last trip.” Hindi kasalanan ng trapik yan. Mabagal ka rin kasi
kumilos eh (o maari ring “hindi mo kasi inaalam kung anong oras ang huling
byahe eh).
Kapag last
minute ka dumating sa mga appointment mo, maliban na lang kung either confident
ka at hindi ka haggard sa itsura mo.
Kapag
nagsha-shoping twing panahon na malapit na malapit na ang Pasko, (o ika nga ng
mga report ay “last minute shopping”). Tapos magrereklamo ka pa na mataas na
ang presyo ng mga regaling binili mo? Tapos napakabigat pa ng trapiko? Uso ang
magmanage sa sarili ha?
Last minute
magbayad ng tuition. Alam mo na nga na “no permit, no exam” ang polisiya eh.
Maliban na lang kung lehitimo talaga ang excuse mo.
Paano nga
ba makakaiwas sa ganito? Simple lang: disiplinahin ang sarili. Matuto kasi
tumingin sa oras at magprioritize ang dapat i-prioritize.
Sa madaling
sabi, wag ang tatamad-tamad. Walang masama magpahingakung off mo. Pero kung may
kailangan kang gawin,eh di magsakripisyo ka.
At least,
sa huli, hindi ka magsisisi tulad na lamang ng mga bugok na nafeature sa mga
report ng parehong mainstream at new media ukol sa pagiging late nila sa
pagpaparehistro.
“Na-late
lang kami, hindi na kami pinagbigyan!”
“Ang haba
ng panahon na nilaan para sa inyo, ‘oy! Wag ka kayang maglupasay dyan! Para
kang tanga!”
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!