Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

16 July 2014

Mga Bagay Na Dapat Mong Gawin Kapag Wala Kang Pasok

7/15/2014 11:58:14 PM

Sa buhay ng isang batang-isip, walang mas sasaya pa kesa sa masuspinde ang pasok mo sa eskwelahan. Aminin!

Pero hindi porket no classes ka na dahil sa bagyo ay magpapakatambay ka na lang. Maawa ka naman sa magulang mo, kaya narito ang dapat mong gawin sa mga ganitong klaseng panahon.


Maglinis ka ng kwarto mo. Lalo na kung makalat ka. Alam kong nagmamaktol ka pag nakikita mong malinis ang kwarto mo. Hindi dahil sa malinis yan, kundi dahil may nawawala kang gamit na naitago pala ng iyong tita/yaya/magulang. At ang tanging solusyon lang d’yan ay umayos ka – at linisin mo ang makalat mong espasyo.

Gumawa ka ng gawaing bahay. Okay lang na manood ng TV o mag-DoTA, pero paminsan-minsan sa araw na ‘yan, mgpautos ka naman sa iyong magulang, at wag kang tatamad-tamad. Dahil tama man ang kasabihang “ang batang tamad, pag tumanda ay boss,” ay magiging isang hamak na mangmang naman ang boss na yan kung ang alam lang niya ay ngumanga at humilata.

Tigilan ang pagtetext. Magpamiss ka naman sa mga kaibigan mo. Tigilan mo ang pakikipaglandian sa crush mo. Ang araw na yan ay para sa sarili mo (maliban sa birthday mo siyempre), kaya gamitin naman para sa mga mahahalagang bagay tulad ng mga nabanggit.

Kung nabigyan ka na ng baon, huwag gastusin. Buti ka pa nga may pera kahit walang pasok eh. Maawa ka naman sa magulang mo na nagbibigay sa ‘yo palagi nyan. Alam mo ba kung magkano ang presyo ng mga pangunahing bilihin? Ng paborito mong pagkain? Kahit sabihin pa natin na mas mahal pa ang tiket ng paborito mong 1D na concert d’yan, ito ang isang bagay na magpapatotoo lang: hindi nagtatae ng pera ang magulang mo. Kung iba pa yan, sasampalin pa pa ng mga salitang "hindi basta-basta napupulot ang pera." Kaya matuto kang mag-ipon sa halip na gamitin sa alinmang kalandian ang salaping bigay sa iyo.

Kung relihiyoso ka, magdasal. Kahit saglit lang. maaring nakatutulong ang ulan sa ating kapaligiran, pero ang labis ay nakasasama (siyempre!), at talaga namang hindi maganda ang maidudulot nito sa iyong kapaligiran. Kaya panalangin mo na lang din na either lumihis ang bagyo o walang grabeng mangyari sa inyo dyan.

Wag ka masyadong magpakasaya. Alam ko, dumanas din ako sa ganyan, na natutuwa ako dahil wala kaming pasok. Pero alam mo, sa paglipas ng panahon, mare-realize mo na lang din, hindi kaya nakakatuwa yung panahon na lagi kayong inabot ng brownout, tapos binaha pa ang bahay niyo, at lagi kayong nag-aakyat ng gamit pag grabe ang pagtaas ng baha sa labas. At hindi mo man yan dinanas sa kasalukyan, wag ka, nagbabago ang panahon. Dahil minsan, utltimo ang mga dating hindi binabahang lugar, tinatamaan din ng baha. Kaya maghanda ka pa rin. Speaking of which…

Tumulong ka sa paghahanda sa nalalapit na sakuna. Lalo na kung bahain pa ang bahay mo. Unfair naman kung lahat sila ay nagkukumahog at napapraning dahil sa halos bahain na ang bahay mo samantalang ikaw ay nagke-Candy Crush, o Temple Run, o nagdo-Dota sa laptop mo (or tablet, in case ng naunang dalawang nabanggit). Makisama ka, ‘oy! Kahit sabihin pa natin na “nah, ‘di tayo aabutan yan!”

Wag ka talagang magpakasaya lalo na kung sobrang lakas ng ulan. Masyado kang inconsiderate kung naghihiyaw ka sa tweet mo na “sarap ng walang pasok,” samantalang yung kaibigan mo sa kabilang barangay ay halos lubog na sa tubig baha ang tirahan nila. Ganun din ang iba mong kaibigan. Sa halip na magpakasaya ka, umasa ka na lang (at manalangin, in case na isa kang relihiyosong tao) na wala sanang mangyaring masama sa mga tropa mo ganitong klaseng panahon.

Masyado bang marami? Wag kang mag-inarte. Palamunin ka pa nga lang kung tutuusin eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagramFacebookFlickrand Tumblr.

6 comments:

  1. At kapag nadeklarang walang pasok, hwag idiretso sa mall ang baong binigay sa inyo. Hehe.

    ReplyDelete
  2. Nung bata ako, pag walang pasok dapat ibalik mo yung baon mo na pera kasi baon mo yun sa susunod na araw. Haha!

    ReplyDelete
  3. Hahaha! Nakakatawa yung number one. Pinaglinis ko talaga ng kwarto nila mga kids ko nung wala silang pasok last week. :)

    ReplyDelete
  4. Hahaha tinamaan ako tuwing walang pasok nagdodota lng ako ...
    Dapat pala maglinis ako ng kuwarto. :D

    ReplyDelete
  5. Hahaha i definitely clean my room pag walang pasok!!!

    ReplyDelete
  6. Well, each and everyone of us have different chores to do when it come to walang pasok. As for me, I was doing different and with sense before, noong student pa lang ako.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!