06/26/14 01:05:53 PM
Okay. So marami na namang umaalma. Hindi raw naging National
Artist for Film si Ate Guy (wag kang ma-confuse. Si Nora Aunor lang naman ang
tinutukoy ko.) sa kasalukuyang batch ng mga taong tinanghal. Sa madaling sabi,
naechapwera siya sa pagkakataon na matawag na isa sa mga “Pambansang Alagad ng
Sining.”
Paano nga ba nangyari yun? Ayon sa mga balita, at sa mga
tropa ko na rin sa mundo ng media at pagba-blog (na obviously ay hindi ko na
ring matatawag na “source” since kalap na kalap naman na ang balitang ito),
nominado naman ang ate mo eh. Yun nga lang, drinop na ni Pangulong Noynoy
Aquino ang pangalan niya sa pinal na listahan ng mga National Artist.
Ganun? Oo, ganun nga.
So, ano pang pinagmumukmok natin? Maraming anggulo na
nagsasabing may halong pulitika ang motibong ito (ayon kasi sa mga spekulasyon, pati na rin sa mga politically-correct na rents-pa ko, ay loyalista raw si ehem, Maria Leonora Teresaaaaa, noong Marital law; to which nagretaliate ako sa isip ko: Kung ganun, eh bakit may naisapatan siya na litrato kasama si Ninoy Aquino? Ano 'to, lokohan?).
Meron din namang nagsasabi na
dahil daw ito sa character.
Pero... pulitika? Seryoso ka ba? Baka pinulitika, yun,
pe-puwede pang maging dahilan ng anggulo sa argumentong ito.
Ngunit kung dahil ito sa iyu ng kanyang pangkalahatang
karakter, o ang kanyang pagkatao (sabagay, dahil kaliwa't kanan rin ang isyu ng
kanyang pagkaadik sa droga dati, lalo na nung US siya), parang hindi naman yata
sapat na basehan yun para i-deprive siya sa kanyang karapatang maging
Pambansang Alagad.
Teka, dahil adik siya, kaya siya tinanggal sa listahan?
Dahil lang may history siya ng drug addiction ay hindi na siya pe-puwedeng
maging national artist?
Aba! Eh hindi pala tayo naghahanap ng National Artist kung
ganun. Kundi, National Perfect Human Being! At kahit worldwide pang gawin ang
search na ito, magpustahan pa tayo: walang tatanghaling “alagad” na may titulo
na ganun.
Masyado talaga tayong mapaghusga, kahit sa kapwa nating kalahi
(kaya no wonder na isa atyo sa mga pinakaracist na bansa sa mundo eh). At sa
sobrang pagpupuna, nakakalimutan natin na mali ang pamantayan na sinusundan
para maging national artist ang isa.
Oo, mga tanga!
Anu-ano bang basehan para matanghal ka na National Artist?
Di ba kadalasan niyan ay yung kung ano ang naimambag niya sa larangan ng
sining, kasama na rin dito ang inudstriya ng pelikula? At alinmang isyu na
labas sa usaping ito ay... malamang, echapwera na dapat.
At hindi man ako fan ng artistang yan, pero hindi porket may
record na siya ng kaadikan ay ganap na siyang masamang tao. Bakit, ang mga
nagsisimba ba rito ay mga banal na rin ba in an instant? Hindi naman, 'di ba?
Nagmumura pa rin tayo pag tayo'y nanggagalaiti sa galit (minsan nga, nabibitawan
pa nga ng mga mokong at lokang 'to ang mga salitang gaya ng “putangina,”
“tarantado,” “gago” at alinpang mga kahalintulad. Sa madaling sabi, nakagagawa
pa rin naman tayo ng kasalanan eh.
Bakit ang mga ibang tanyag na manlilikha ng sining, ke
direktor man yan, artista, o ultimong manunulat sa larangan ng literatura, may
kanya-kanya rin naman silang “problema” o “gawi” ah. Oo, parehong lokal at
banyaga, may mangilan-ngilang sikat na artista ang aminadong may problema sa
alcohol at/o drugs. Pero kahit ganun man, may pagkakataon na ginugunita pa rin
sila ng mgha tao dahil sa kanilang naiambag.
Oo, ultimong ang namayapang si Nick Joaquin, ang pambansang
alagad ng sining sa larangan ng literatura. (Sumalangit nawa.) Ayon sa libro ng
batikang journo at propesor na si Crispin Maslog, sa kanyang librong Philippine
Communication Today, si Joaquin ay mas nakakakapagsulat kapag siya ay nakainom.
Mantakin mong may supply siya ng beer mula sa SMB noon eh. At ang siste,
tsismis daw noon na kamuntikang maging endorser siya ng San Miguel Beer noong
circa dekada '70 o '80.
Ilagay natin yan sa konteksto ng kasalukuyang panahon: ang
batikang manunulat na yan, sa mata ng mga hangal at mangmang–may alam man sa
literatura o wala–ay isa siyang “tomador,” o “tanggero,” o “lasinggero,” ay
magiging Pambansang Alagad pa rin ba? Kung ganyan lang ang basehan natin, baka
HINDI. Kasi masyado tayong naghahanap ng malilinis. Mga hipokritong tanga! Mali
kayo ng paghusga.
Ngapala, bakit si ang ginawa kong halimbawa? Bakit hindi ang
mga kabaro ni Ate Guy sa showbiz na nagaadik rin? O yung mga may problema sa
behavior? Sa totoo lang din kasi, tama ang kasabihan na kung sino pa ang mga
magagaling na personalidad ay siya pang mayhinaharap na matinding sigalot sa
buhay. Oo, kahit bisyo pa yan.
Malamang, may malalim talaga na dahilan kung bakit hindi
nagawaran si Nora ng National Award. At yun ang mas dapat nating talakayin.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!