7/12/2014
10:31:08 AM
Ito ang
narinig mo sa State of the Nation Addres
ng Kuya mo last year (Lunes yun to be exact, July 22, 2013).
“Saan po
kayo kumukuha ng kapal ng mukha?”
Hanep.
Panalong soundbyte ah.
Pwedeng gawing ringtone pag may nagtetext sa yo na alam mo na isang tiwaling
tao, o manlolokong ex, o yung plastik mong kaibigan.
Parang
minsan maiisip mo na lang: saan kaya may ganun? Wala sa tindahan eh, sa
supermarket, o sa wet and dry market, o kahit sa mga underground shops, o
warehouse na may illegal na droga?
Nasa ilalim
kaya ito ng dagat? O nakatago sa mga magma ng bulkan, o nakabaon kaya ito sa
sementeryong walang puntod? O baka naman sa outer space?
Pero
seryosong usapan lang (as in pulitikal), lumabas ang ganitong tirada noong may
pinapatamaan siya sa mga tila tiwaling ahensya noon (di nga lang ako sigurado
kung DPWH yun o Bureau of Customs).
Pero, sa
panahon na ito, akmang-akma yun ah. Oo, mararaming makakapal ang mukha sa
lipunan natin, at hindi lang ito yung mga nakaupo sa alinmang opisina ng
pamahalaan ha?
Minsan
naiisip ko, masarap siguro itanong yan sa mga kupal sa ating lugar. Oo, yung
mga tipon:
Kina-cut sa
mula sa blind side tapos sila pa ang may ganang magalit sa ‘yo at hahamunin ka
pang manu-a-mano oara pandagdag danyos. Tangina lang eh no?
Yung mga
nagnanakaw sa kaban ng bayan (pero siyempre, sino ba namang aamin sa kalokohang
yun), pati yung mga nanlalamang sa mga customer nila, pati na rin sa kapwa
nila, yung namumulitika sa opisina. Yung mga tipong hindi pumasok dahil may
sakit raw siya (pero actually, ang sakit niya ay “katam” — short for
katamaran.)
Saan po
kayo kumukuha ng kapal ng mukha?
Pero mas
applicable ito sa mga larangan ng pamhalaan. Kasagsagan rin kasi ito nun ng
pork barrel scam. Nakapagtataka nga naman, kasi yung mga snatcher, holdaper na
mula sa mabababang antas ng pamumuhay ay nakukulong at nabubulok talaga sa
kulungan (maliban na lang kung may taga-bail sila sa sindikato, o bata sila ng
ilang kapulisan), tapos katiting lang ang nakukuha nila ha?
Kung
ikukumpara yan sa mga high-profile? Wag ka, mga pare’t mare, parang hotel room
lang ang detention facility nila. Tapos sikat pa sila lalo, kulang na lang ay
tuluyang i-glorify pa ng mainstream media.
Saan kaya
kumukuha ng kapal ng mukha ang mga ito?
Pahingi
naman, nakakahiya naman sa inyo ha?
Author:
slickmaster |© 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!