7/12/2014
10:11:02 AM
Isang
kagimbal-gimbal na balita na lamang ang gumulantang noong nakaraang (o kung
masyado kang mapagbilang sa kasaysayan – ika-116) Araw ng Kasarinlan —
pinapatinanggal sa kurikulum ng mga kolehiyo ang subject na Filipino.
The irony,
‘di ba? Mukha lang siyang nanggaling sa So What’s News, Abril Uno, at sa kung
saang satire site.
Pero kung
sakaling totoo at lehitimo man ito: ano, ang subject na yan, ipapatanggal mo?
Gago ba kayo?!
Kung totoo
man na ipapatanggal ito, aba’y para mo na ring pinatay ang pagkaPilipino ng
bawat tao, tutal yun lang naman ang nagsislbing tanda ng kilanlan natin bilang
tao, dahil lahat naman ay hindi naman orihinal kundi either Oriental o
Kanluranin na, maliban na lang siyempre kung ikaw ay nasa probinsya o taga-lungsod
na pinepreserba ang pagiging makabayan; at walang masama dun.
Nagpapatawa
yata ang CHED sa desisyon na ‘to ah. Ano ‘to? Ieechapwera ang Filipino language
(and at the same time, pag-aralan ang mga gaya ng Ingles) para masabing
“globalized” country tayo? Tangina, e global nga, sa larangan ng third world
naman!
Naknampucha,
patawa much ha?
Wala sanang
masama kung pag-aaralan ang mga banyagang wika. Pero wag naman kalimutan ang
national language natin. Aba, mas dapat nga rin buhayin ang mga tinatawag na “mother
tongue” eh, tutal aminin man natin o hindi na hindi lahat ngmga nagsasalitang
wikang Pilipino ay Tagalog (ewan ko ba kung sinong inutil ang nagpalit ng
ganyang kataga; pero sa kabilang banda kasi, sabagay, yan ang nag-uugnay rin
kasi sa ating lahi eh).
Pero, ang Filipino,
ieechapwera mo sa college curriculum? Tol, iilan na nga lang ang umaangat sa
antas ng pag-aaral (at mas kaunti pa riyan ang nakapagtatapos), tapos,
ipapatanggal pa ba yan? Bakit, wala na bang pasensya ang mga tao dito para turuan
ang mga banyagang nag-aaral sa ating bansa? Kung sa Japan nga ay mas pinaiiral
ang Nihonggo o sa China ay Mandarin eh, bakit kaya dito, hindi pwede?
Dala ba ito
ng pagiging utak-kolonyal natin, na porket Inglisero tayo ay angat na rin
tayosa iba? Oo, sa mata nila, siyempre.
Walang
masama sa globalisasyon, pero isang bagay palagi ang tinuturo ng ating nasyonal
na wika: wag kalimutan ang sariling pagkakakilanlan ayon sa lugar na
kinalakihan mo.
Oo, lalo na
kung Filipino ka.
Nakakataas ng kilay talaga, pero ang dahilan yata nila e dapat raw e sapat na 'yung matutunan ng mga estudyante sa high school sa nirebisang K-12. Wala na ako sa eksena sa atin at hindi ko nasasaliksik kaya't hindi rin ako makabuo ng ganap na opinyon sa bagay na ito.
ReplyDeleteNawa nga e sapat na ito, pero sa tuwing me nakikita akong mga sablay na paggamit ng 'dito' at 'rito', 'ng' at 'nang', mga bagay na pang-elementarya, ako e napapangiwi. Ihalo na rin riyan ang walang habas na paghahalo ng Inggles at Tagalog o Taglish. Aminado akong merong mga salitang mahirap isalin sa Tagalog kaya't tayo e nanghihiram, pero nakakainis kapag nakakarinig ako ng ganito: "Ang problem IS ayaw nung guy na magborrow ng money dahil mataas ang kanyang pride."
At bukod sa mga baralila, nariyan pa 'yung dapat e mga araling dapat e makakatulong sa pagpapahalaga ng ating wika. Sayang rin dahil talagang ako e naaliw sa Filipino bilang isa sa mga pinag-aaralan ko noon.