06/30/14 03:12:27 PM
May usap-usapan na planong itaas sa sampung piso (P10) ang
pasahe sa mga pampasaherong jeepney, mula sa dating walong piso at limampung
sentimo (P8.50) na presyo nito. Napanood ko nga lang ito bilang isa sa mga
balita sa isang morning show sa isa sa mga higanteng TV network.
Actually, 8.50 mula noong nakaraang buwan—at muli , matapos
ang apat na taon na nakapako ito sa otso pesos (P8.00)
Ano? Putangina?! Magtataas na naman sila?
Oo nga. (Unli ka rin, e no?)
That is so freaking unfair! Oo, hindi naman talaga patas.
Sila lang magtataas, kasama ang mga hanay ng mga negosytantemula sa larangan ng
gasolina hanggang sa mga pangunahing bilihin samantalang... buti sana kung
mataas rin ang sahod ng mga manggagawa.
Pambihira talaga. Pasensya na pala kung tunog-elitista ang
datingan.
Pero sa kabilang banda, payag na rin sana ang inyong lingkod
sa pagtataas nito eh. Dahil kung drayber ka nga naman, sino ba naman ang hindi
mauurat kung otso ang pinakabasic na pasahe na binabayad sa'yo ng mga pasahero
mo–unless kung lampas sa apat na kilometro ang rutang binabaybay mo palagi. At
sino rin ang hindi mabibuwisit kung mas katiting na salapi lang ang kinita nila
sa magdamag?
Oo, payag na rin ako, given na dapat ay:
Matuto silang magpababa ng pasahero ng maayos. Oo nga naman.
Maaring maintindihan mo ang argumento na hindi ka ibababa sa lugar na
pupuntahan mo dahil “bawal” ayon sa batas-trapiko, pero wala nang mas
nakakainis pa kesa sa ibaba ka sa gitna ng kalsada–yung tipong nasa gitna ka
literally ng kalsada. As in yung sa limang lane na higway, dun ka sa ikatlo
ididispatcha (sa madaling sabi, “gitna” talaga).
Sino bang matinong tsuper ang gusto ang gagawa ng ganyan?
Parang ipapahamak pa nila ang mga pasahero nila sa ganyan ah, na parang
pinaglaro mo ng patintero kay kamatayan in an instant ang datingan.
Saka isa pa, matuto rin naman makinig sa mga pasahero. Baka
naman kasi nagsisigaw na sa pagkainis yung pasahero ng “para” ay hindi pa rin
ito napapansin ni manong. Parang minsay, kailangan pang dagdagan ng mala-ad
hominem na linya ng pagtatalo (o sa madaling sabi, insulto) para lang tumigil
ah. Naalala ko tuloy yung ale na katabi ko nun sa jeep, na sumobra na sa labis
ang nilakad dahil sa kabobohan di umano ng isang tsuper na hindi huminto sa
lugar na dapat paghintuan o pagbabaan.
Wag masyado maging gahaman sa pasahero. Hindi na bago ang
mga ito. Yung pang-isang katao na lang ang natitirang espasyo para maupuan mo,
pero hihirit pa ang barker ng “o, lima pa! Lima pa!”
Anak ng pating naman oh. Lima pa, sa ganyang katiting na
puwang?! Sira ka ba, manong barker? Tumahol ka na nga lang. (as in literal na
“bark”)
Oo, sa sobrang pagiging gahaman ay wala nang masasakyan pa
ang ibang pasahero na nagaantay sa mga kalsadang parte ng ruta nila. Halimbawa:
yung mga tao na pauwi ng Cogeo, Antipolo, at kung saan-saang lugar sa silangan
ng Kalakhang Maynila, madalas mula hapon hanggang hatingagabi ay tsambahan lang
yung tipong makakasakay sila.
Dahil kung hindi ka sasabit, malamang, maarte ka (pero
siyempre, kung may dahilan naman para makapag-inarte ka at wag sumabit, i.e.:
buntis, senior citizen, baldado, atbp., hindi mo yan gagawin. Ala namang ilagay
mo sa alanganin ang sarili mo para lang sumabit sa isang byahe, 'di ba?).
At dahil nabuburat ang mga tao dahil sa nahihirapan sila
makasakay, isa sa sampung katao d'yan ay maglalakad na lang palapit sa
tinitirhan nila. At ano ang nangyari sa natirang siyam? Ayun, naghihintay sa
wala na parang lalaking patuloy na nanliligaw sa isang “paasang” chix (ang
tatamad kasing maglakad. Pambihira!).
Ay, mali. Yung kalahati sa siyam na kataong yan, maglalakad
rin pala; kaso... palayo. Parang kung nasa Katipunan ka (stick na lang tayo sa
halimbawa natin), magalalakad pa yan papuntang Anonas, o mas malala–Cubao, para
lang makasakay ng jeep. Ayos din ang mga mokong at loka, eh no? Nasayang lang
panahon niyo sa pagkakadesperado niyong makasakay pauwi.
Matutong sumunod sa batas-trapiko. Ito ang problema sa atin
eh. Pag walang sistema ang ginagalawan natin, nagrereklamo kayo. Ngayong may
itinatag na alintuntunin na dapat nating sundin, ayan na naman tayo,
nagbubunganga pa rin. Pambihira, kaya hindi tayo umaasenso eh. Maliban sa hindi
natin alam kung ano ang gusto natin, masyado tayong nagpapakadepende sa
pagiging malaya natin. Nakakalimot yata tayo na ang bawat kalayaang tinatamasan
natin ay may kaakibat na responsibilidad.
Sa kaso ng pagsunod sa batas-trapiko, aba'y parang mga ungas
din kasi tayo. Green light na, hindi pa tayo umuusad. At oo nga pala, ila lang
ba ang may nasasampulan sa beating the red light? So ang sa lagay ba ay
kasalanan rin ba ito ng mga otoridad? Hindi rin, actually.
Tapos, yun pa... ang hindi pagsunod sa tamang lugar ng baban
at sakayan. Ops, wag lang sa drayber isisi yan; dahil tayong mga pasahero
mismo, may pagkakasala rin sa kasong ito (ang magdeny, hipokrito!).
Ngayon, kung masunod ang mga ganyang bagay, na kahit
katiting na common sense lang ang basehan, baka maintindihan pa talaga namin
ang argumentong itaas ang pasahe sa sampung piso. Aba, ang uno-singkwenta
(1.50) na yan ay pag naipon sa pagkahaba-habang panahon ay malaking halaga rin
ah. Yan kasi napapala sa pag-echapwera natin sa mga barya eh.
P.S. Wag mo kong hiritan ng “naghahanap-buhay lang naman
sila! Masyado ka namang marahas.” Dahil rerespondehan lamang kita ng “'Tol.
Kahit naman ako, ikaw at sinumang hindi palamuning tambay ay nagkukumahog para
kumita eh. Ang pinagkaiba ko nga lang sa inyo ay hindi nga lang ako
nangbabalahura maliban na lamang kung binabastos rin ang inyong lingkod.”
Sources:
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
Follow SlickMaster on: Twitter, Instagram, Facebook, Flickr, and Tumblr.
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!