Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

29 July 2014

Tirada Ni SlickMaster: State Of The Fashion Address

7/29/2014 3:00:01 PM

Media reporter: Congressman Timothy Wally, ang gara ng suot n'yo ha?
Congressman: Ay, oo naman. Yung wardrobe designer ko ang gumawa nito.

MR: Who are you wearing, Sen. Corazon Apting?
Senator: (insert name of designer here)

HAY NAKU.

Wala nang mas nakakairita pa kesa sa mga nagbobonggahang mga gown at barong tagalog kapag araw ng State of the Nation Address.

Don't get me wrong. Hindi ako naiinggit, ha?  Pero 'tol, sa totoo lang, nakakabadtrip lang din. As in makakalibadbaran lang. Ito pa yata ang mas higit na naging trending topic sa social media sa halip na mas ibalita dapat ng mga mokong (alam ko, may chicks sa kanila, pero sa content nila? Ewan!) na nagko-cover nito ang blow-by-blow account.

Bakit ganun?: Una sa lahat, wala na tayo sa panahon na sobrang elitista ng datingan. Hindi tayo sa panahon ng mga nagdaang dekada kung saan ay angat tayo. Tignan mo na nga lang ang paligid mo — kung hindi mga iskwater o informal settler ang makikita mo, mga angking kabadyuan naman. Sa madaling sabi, wala sa tamang akma ang ginawa nila.

Ano? Sariling pera nila ang ginastos nila. 
Eh ano ngayon? Bottom line: alam na naming mayayaman sila. Pero wag na nilang ipangalandakan yun. Masyadong nang-aalipusta sa paningin pa lang! At isa pa, kung talagang mayaman sila at pinasok nila ang mundo ng pulitika at paglilingkod nang seryoso, aba'y matuto naman silang makikapwa no. Kung budget nila ang usapan na yan at dapat ay labas na kami, how about this: wag na lang nilang i-flaunt yan. Obvious na kasi masyado eh.
At least hindi sila nangurakot.  
Sure ka?
Hoy, wag ka naman masyadong marahas. Minsan lang magpaganda nang bonggang-bonngga ang mga pulitiko natin. 
Ah, ganun? Hindi ba kada hearing ay galante pa ang sinusuot ng mga mokong at lokang 'to?
Once a year lang ang event na ito. Parang birthday lang, o Pasko ba. 
Asus, hindi excuse yan mga ate’t kuya. Minsan nga, pero gagastos ka nang bonggang-bongga. Kung tunay na sinsero ang mga gunggong, aba’y matuto silang makipag-kapwa (and I mean it: kapwa mamamayan nila).
Kaw naman, masyado kang harsh. Hindi mo ba alam, business yan para sa mga fashion designer? 
Ganun? Eh ano pang silbi ng mga fashion show kung ganun?
Aba’y political statement kasi ang mga nilalaman niyan. 
Ang tanong: maiintindihan ba ni Juan dela Cruz yang “political fashion statement” na yan? Alam mo naman na bakya o baduy o jologs ang masa eh. Hindi lahat d’yan ay may kakayahang gumala sa mall o araw-araw tumitira ng almusal, tanghalian at hapunan sa mga bistro (dahil ang fastfood ay “kacheapan” sa mata nila at maaring last resort nila pag sila’y nasa meeting).

Sa madaling sabi, kapiranggot na lang sa numero ang mga mayayayaman kung ikukumpara mo sa mga taong naghihikaos na makakin nang tatlong beses sa isang araw man lang.

Alam mo yung album ng Radioactive Sago Project na pinamagatang “Tanginamo! Ang Daming Nagugutom sa Mundo, Fashionista Ka Pa Rin?” Hindi ko napakinggan ang naturang album, pero kung magpapakababaw ako at iuugnaya ng pamagat nay un sa post na ito, aba, saktong patama sa mga ‘to yung mga kataga na yun eh. Minsan tuloy, sa sobrang pagkabagot ko, hindi kaya naisip ng mga ito na pwede naman yata silang magcasual wear. O yung mga suot na gaya na lamang ng tipikal na Pinoy.

At hindi mo ring pwedeng hiritan kami ng kasabihang “walang basagan ng trip.” Hindi dahil sa sobrang arogante na rin ng dating ay hindi na kami makikinig. Kundi dahil sa katotohanan na una, third world country tayo, kaya malamang, maraming kapus-palad sa pamumuhay. Tignan mo nga ang trapiko sa lansangan natin.

Teka, may panukala ba before na dapat ay gawing mala-uniporme ang mga susuotin dun? Kung ganun, aba, dapat lang ano!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

6 comments:

  1. Meron ako nung album ng Radioactive Sago Project na 'yun. Ayo 'yun.

    Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit malaki-laking focus ang ibinibigay sa suot at kung sinong designers ang gumawa ng mga damit ng pulitiko. Hindi ba't mga isyung pulitikal ang pagmuni-munian? Ano 'to red carpet event ng mga pulitiko, ala-Oscars?

    ReplyDelete
  2. Tama! Ibang klase na nga ang SONA, mas pinag-uusapan ang suot ng mga pulitiko. Pati yung kung ilang beses pumalakpak ang tao binibilang... Hahaha!

    ReplyDelete
  3. Ibang klase nga ang SONA. Kailangan ng pamangkin ko na gumawa ng reaksyon kaya naghanap kami sa internet. Marami akong nakita na sumulat ng SONA subalit mas marami sa kanila ay ang mas tinatalakay ay ang tungkol sa fashion statement ng mga dumalo, hindi kung ano ang sinabi ng pangulo.

    ReplyDelete
  4. I'm not really surprised. Uso na kasi ngayon yung iniiba talaga ang usapan para mawala ang focus doon sa kung ano talaga ang dapat bigyan ng pansin. Sobrang frustrating.

    ReplyDelete
  5. Hay nakakafrustrate talga ang politics sa bansa natin. Instead na igugol nila ang panahon para sa ikabubuti ng bansa natin eh ganyan ang ginagawa nila

    ReplyDelete
  6. I totally agree on what the commentators above about this kind of situation. Wala namang ganyan dati.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!